|
Aries (March 21- April 19)
Huwag kang aasa sa anumang pangako na gagawin ng isang kakilala mo. Magduda ka at huwag kang magtitiwala agad. Iwasan mong palakihin ang hindi pagkakaunawaan, sa pamilya man o sa trabaho. Isara mo ang iyong bibig at iwasan mo ang away. Best days mo ang ika-6 at 7. Alalay ka sa ika-2, 3, 9 at 10.
Taurus (April 20 – May 20)
Walang kaibahan ang buwan ng Enero sa Pebrero mo. Kung puwede, mag-enjoy ka at mag-relax. Kailangan mong mag-exercise, kahit na stretching lang ay makakabuti sa iyo dahil masyado ang iyong stress. Easy ka lang at ok naman ang buhay. OK ang ika-1, 9, 10 at 11. Ingat sa ika-5, 6, 12 at 13.
Gemini (May 21 – June 20)
Iwasan mo ang init ng ulo, lalo na pag nagmamaneho dahil malapit ka sa aksidente. Kung may reunion kayo ng pamilya o mga kaibigan, dumalo ka dahil magbibigay ito sa iyo ng bagong sigla at pananaw sa buhay. Makikita mo na masuwerte ka pala. OK ang ika-2, 3, 12 at 13. Ingat sa ika-1, 7, 8 at 15.
Cancer (June 21-July 22)
Kailangang bantayan ang iyong gastos. Wala kang nararamdamang paghihikahos sa ngayon subalit walang makapagsasabi kung paano ang mga darating na buwan. Iwasan muna ang pagbili ng mamahaling bagay. Huwag kang magpapa-utang. Ayos ang ika-5, 6 at 15. Stressful ang ika-2, 3, 9, 10 at 11.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Huwag mong pahirapan ang sarili. Kung may hindi ka magawa ngayon, huwag mong pilitin dahil maiinis ka lang sa sarili mo. Maghintay ka ng tamang panahon. Maganda ang romansa sa umpisa ng buwan – pero gamitin mo ang iyong ulo. Mapalad ka sa ika-7 at 8. Stressful ang ika-5, 6, 12 at 13.
Virgo (Aug. 23 - Sept. 22)
Bisitahin mo ang iyong aparador. Baka kailangan mo nang mag-donate sa charity dahil marami kang hindi ginagamit na nakatambak lang doon. Hindi aaliwalas ang iyong isipan kung ang iyong paligid ay puro kalat. Baka magka-pera ka nang hindi inaasahan. Suwerte ang ika-1, 9, 10 at 11. Ingat sa ika-7, 8 at 15.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Sa pagkakataong ito, pakinggan mo ang iyong kutob at sariling pag-iisip. May mga bagay na ipagpilitan man nila sa iyo ay alam mo na hindi makakabuti sa iyo. Huwag kang padadala sa hiya o pakikisama dahil sa bandang huli, ikaw pa rin ang magpapasan nito. OK ang ika-2, 3, 12 at 13. Kuwidaw sa ika-9, 10 at 11.
Scorpio (Oct. 23 - Nov. 21)
Gamitin mo ang iyong utak at kaalaman sa anumang desision na gagawin mo. Iwasan mo rin ang pagiging masyadong prangka sa pakikipag-usap sa mga katrabaho mo. Ang mga salitang lalabas sa bibig mo ay maaaring maging sanhi ng gulo. Lucky days mo ang ika-5, 6 at 15. Ingat sa ika-12 at 13.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
May mga proyekto ka na tila ba napakahirap tapusin. Kailangan ay habaan mo ang iyong pasensya dahil maiinis ka lang kung iintindihin mo. Gamitin mo ang iyong charm kung kailangan mong kumbinsihin ang mga kasamahan mo sa negosyo. Relax ka lang. Masaya ang ika-7 at 8. May tension sa ika-1 at 15.
Capricorn (Dec. 22 - Jan. 19)
Buwenas ang Pebrero sa iyo. Kung may oras ka ay ayusin mo ang mga papeles ng pamilya o ng iyong negosyo. Hindi mo kailangang kumayod masyado dahil darating at darating ang buwenas kahit hindi mo hanapin. Iwasan ang pagbili ng mamahalin. Good days ang ika-1, 9, 10 at 11. May tensyon sa ika-2 at 3.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Walang masyadong pagbabago sa buwan na ito. Mababawasan ang iyong stress pero hirap ka pa rin makipag-konekta sa ibang tao. Maganda naman ang iyong magiging financial standing. May darating na buwenas sa negosyo mo. Lucky ka sa ika-2, 3, 12 at 13. Careful sa ika-5 at 6.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Ayusin mo ang iyong kalusugan. Tama ba ang iyong diet? May exercise ka ba? Iniiwasan mo ba ang stress? Kailangan mo munang asikasuhin ang sarili mo bago mo asikasuhin ang iba. Malapit ka sa sakit ngayon kaya pilitin mong mag-relax muna. OK ang ika-5, 6 at 15. Ingat sa ika-1, 7 at 8.
|