|
Aries (March 21- April 19)
Pera at pag-ibig. Buwenas ka sa buwang ito – magaan ang dating ng pera at exciting ang love life mo. Iwasan mo ang sobrang pag-iisip o pagsasalita sa mga darating na araw dahil mauubos ang iyong lakas. Mag-focus ka sa masaya mong buhay ngayon. Best days mo ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-24 at 25.
Taurus (April 20 – May 20)
Huwag mong solohin ang mga trabaho o responsibilidad lalo na kung mayroon namang puwedeng tumulong sa iyo. Bakit mo gustong pahirapan ang sarili mo? Humingi ka ng tulong. Naghihintay lang sila ng pakiusap mula sa iyo. Be humble. Masuwerte ang ika-19, 20, 21 at 28. Kuwidaw ka sa ika-26 at 27.
Gemini (May 21 – June 20)
Maayos ang takbo ng buhay mo sa buwang ito. Kung nag-aaral ka, ipapasa mo ang mga tests. Malusog ang iyong pakiramdam pero pilitin mo ang mag-relax dahil may papalapit na pagsubok sa iyong buhay at kailangan mo ang lakas ng loob at katawan. Best days ang ika-22 at 23. Alalay lang sa ika-16 at 28.
Cancer (June 21-July 22)
Bayaran mo ang iyong mga utang. May darating na pera sa iyo kaya huwag kang magkakamaling gastahin iyun sa ibang bagay. Ayusin mo muna ang mga obligasyon mo. Kung kailangan mong mag-consolidate ng utang, gawin mo ngayon. Mapalad ka sa ika-16, 24 at 25. Careful sa ika-17 at 18.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Kung matindi ang romansa, turuan mo muna ang sarili mong gamitin ang utak imbis na emosyon. Minsan, isipin mo muna kung tama bang ibuhos ang oras mo sa isang tao na hindi ka naman sigurado kung mahal ka nga o sex lang ang gusto sa iyo. OK ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-19, 20 at 21.
Virgo (Aug. 23 - Sept. 22)
Kalusugan ang dapat mong intindihin ngayon. Iwasan mo ang masyadong maalat na pagkain dahil ang kidney mo ay nahihirapan. Kailangan mong ayusin ang iyong relasyon sa ibang tao. Iyung nagiging pabigat lamang sa iyo ay iwasan mo na. Best days mo ang ika-19, 20, 21 at 28. Stressful sa iyo ang ika-16, 22 at 23.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Marami ka nang pagtitiis at pagbibigay sa isang tao na malapit sa iyo. Oras na upang intindihin mo ang sarili mo. Marami kang kaibigan at sila ang dapat mong bigyan ng pansin. Kung hirap kang makatulog, subukan mo ang yoga o tai chi. Best days ang ika-22 at 23. Mag-ingat sa ika-17, 18, 24 at 25.
Scorpio (Oct. 23 - Nov. 21)
Hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo dahil kailangan ka ng trabaho pero kailangan ka rin ng pamilya mo. Unahin mo ang pamilya bago ang negosyo dahil darating ang panahon na ikaw ang babagsakan ng sisi sa pagkabigo ng pamilya. Ayos ang ika-16, 24 at 25. Ingat sa ika-19, 20, 21, 26 at 27.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
May oportunidad para mag-travel o mag-iba ng hanapbuhay. Pag-aralan mo muna kung tama sa iyo dahil baka magsisi ka sa huli. Isang dati mong mahal ang maaaring makita mo muli. Kung single pa kayo, ok lang. Kung hindi na, iwasan mo siya. OK ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-16, 22, 23 at 28.
Capricorn (Dec. 22 - Jan. 19)
Malapit na ang bayaran ng taxes. Kung may utang ka, ayusin mo muna ang credit mo bago ka maglagay ng pera sa investments. Kailangan mong mag-detox ng katawan. Iwasan mo ang matataba at matatamis na pagkain. Ayusin mo ang iyong kalusugan. Lucky ka sa ika-19, 20, 21 at 28. Ingat sa ika-17, 18, 24 at 25.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Panahon na para ayusin mo ang direksyon mo sa buhay. Buwenas ang taon na ito para sa iyo pero kailangan mo ng disiplina at concentration. Huwag kang papatalo sa emosyon dahil ito ang magpapabagal sa iyo. Masaya ang mga darating na buwan. OK ang ika-22 at 23. Alalay sa ika-19, 20, 21, 26 at 27.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Huwag mong dibdibin ang mga problema dahil may batas ang kalikasan na malulutas ang ano mang problema na makakaharap ng isang tao. Iwasan mo ang stress o sobrang pag-iisip dahil wala namang magagawang mabuti iyun para sa iyo. Masaya ang ika-16, 24 at 25. Stressful ang ika-22, 23 at 28.
|