Kapalaran • Marso 1 - 15, 2010 Print E-mail
Monday, 01 March 2010 00:01

Aries (March 21- April 19)
Sumunod ka lang sa agos at wala kang magiging problema. Umayon ka lang basta hindi ka malalagay sa masama. Buwenas ang buwan na ito para sa iyo. Matatapos mo ang mga sinimulan mong gawin at pupurihin ka dahil maayos ang iyong gawa. Best days mo ang ika-6 at 7. Alalay ka sa ika-2, 3, 9 at 10.

Taurus (April 20 – May 20)
Pagtuunan mo ng pansin ang iyong kalusugan. Kailangan mong magpahinga dahil may babala na magkakasakit ka kung patuloy mong pababayaan ang katawan mo. Matulog ka ng sapat na oras at kumain ka ng maayos – huwag puro junk food. Lucky days mo ang ika-1, 9 at 10. Ingat sa ika-4, 5, 11 at 12.

Gemini (May 21 – June 20)
May mga pagsubok kang haharapin sa buwan ng Marso. May hindi pagkakaunawaan sa kaibigan na magmumula sa pera. Maaari ring isang katrabaho ang maging kontrabida sa buhay mo. Iwasan mo ang mapuwesto sa pamunuan ng isang grupo. OK ang ika-2, 3, 11 at 12. Ingat sa ika-1, 6, 7, 14 at 15.

Cancer (June 21-July 22)
Iwasan mo ang makipagdebate sa isang mas mataas ang posisyon kaysa iyo. Kahit ikaw ang tama, malamang ay matalo ka. Kung may natitipuhan kang kasama sa trabaho o negosyo, lumayo ka muna dahil malalagay sa panganib ang trabaho mo. Masuwerte ka sa ika-1, 3 at 4. Stressful ang ika-2, 3, 9 at 10.

Leo (July 23 – Aug. 22)
Kung plano mong mag-travel, huwag mo munang ituloy. Baka may lumitaw na problema habang wala ka at mahirap lutasin iyun kung ikaw ay nasa malayong lugar. Dapat ay mahinahon ka. Huwag kang gagawa ng desisyon nang hindi mo iniisip. Mapalad ka sa ika-6 at 7. Stressful ang ika-4, 5, 11 at 12.

Virgo (Aug. 23 - Sept. 22)
OK ang relasyon mo sa mga kaibigan at pamilya. Hindi ka nila bibigyan ng problema. Magiging mabigat ang dating ng pera sa iyo sa Marso. Huwag gagasta ng labis sa kinikita mo dahil mababaon ka sa utang. Mag-isip ka kung paano madadagdagan ang kita. OK ang ika-1, 9 at 10. Ingat sa ika-6, 7, 14 at 15.

Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Kahit na parang mabigat ang pasok ng Marso sa buhay mo, makakaasa ka na makakaya mong dalhin ang mga pagsubok. Gawin mo ang mga bagay na makakapagpabuti ng iyong pakiramdam. Huwag mong pasanin ang problema ng pamilya o kaibigan. OK ang ika-2, 3, 11 at 12. Kuwidaw sa ika-9 at 10.

Scorpio (Oct. 23 - Nov. 21)
Planuhin mo ang mag-relax sa buwan ng Marso. Iwan mo ang paggawa ng malalaking desisyon sa kasama mo nang hindi ka masisi kung sakaling pumalpak ito. May gustong magdiin sa iyo kaya mas mabuting lumayo ka muna sa mga problema ninyo. Lucky days mo ang ika-1, 3 at 4. Ingat sa ika-11 at 12.

Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Kung balak bumili ng bahay, maghintay ka hanggang fall dahil mas malamang na mas maganda ang offer na tatanggapin mo. Kung balak mong balikan ang isang tao sa iyong nakaraan, huwag! Malamang ay magsisi ka, walang kuwenta ang taong iyun. Masaya ang ika-6 at 7. May tension sa ika-1, 14 at 15.

Capricorn (Dec. 22 - Jan. 19)
Hindi ngayon ang panahon kung balak mong patirahin sa iyong bahay ang isang kaibigan o romantic partner. Mas maganda ang relasyon kung hindi kayo magkasama araw-araw. Buwenas ang inilagay mong pera sa negosyo pero ingatan mo pa rin na huwag malugi. OK ang ika-1, 9 at 10. Stressful ang ika-2 at 3.

Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Ibukas mo ang iyong isip sa opinion ng ibang tao. Kung nararamdaman mo ang inis, lumayo ka na lamang at itikom ang bibig. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Sikapin mong palaguin ang iyong kaalaman – magbasa, mag-aral – para magtagumpay ka. Lucky ka sa ika-2, 3, 11 at 12. Careful sa ika-4 at 5.

Pisces (Feb. 19 – March 20)
Higpitan mo ang paglabas ng pera dahil may darating na malaking pagkakagastusan. Hindi mo dapat bilhin ang mga kaibigan dahil gusto ka nila hindi dahil inililibre mo sila sa mga lakaran. Kung maiaayos mo ang Marso, maayos ka hanggang matapos ang taon. OK ang ika-1, 3 at 4. Ingat sa ika-1, 6 at 7.