|
Aries (March 21- April 19)
Kung may intriga sa trabaho, huwag kang papatol. Magsasawa rin ang taong iyon. Maraming pagsubok na darating kaya iwasan mong mapikon dahil baka ka makapagsalita ng pagsisisihan mo balang araw. Makinig ka sa payo ng tunay na kaibigan. Best days mo ang ika-3, 4, 13 at 14. Alalay ka sa ika-5 at 6.
Taurus (April 20 – May 20)
Kung single ka, maaaring matapos ang isang romansa dahil pareho kayong hindi handa sa permanent commitment. Hindi kayo para sa isa’t isa. Kung may anak kang teenager, kilalanin mo ang mga kaibigan niya. Mas mabuti ang alam mo ang kaniyang ginagawa. OK ang ika-5, 6 at 15. Ingat sa ika-1, 8 at 9.
Gemini (May 21 – June 20)
Kung balak mong magbenta ng bahay o kung balak mong lumipat, pigilin mo muna ang sarili mo dahil hindi mo maibabalik kung sakaling magbago ang iyong isip. Kung mahihintay mo ang fall, mas mabuti. Lumabas ka kasama ang mga subok mo nang kaibigan. OK ang ika-8 at 9. Ingat sa ika-3, 4, 10 at 11.
Cancer (June 21-July 22)
Masaya ang Abril para sa iyo. Kung may pamilya, magpasyal at magrelax kasama sila. Kung single, mag-enjoy ka at makipagkaibigan ngayong spring. Iwasan mo lang na maging demanding dahil may isang kaibigan ka na nasusuya na sa iyo. Masuwerte ka sa ika-1, 10 at 11. Stressful ang ika-5, 6, 13 at 14.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Kailangan mong magtipid. May pagsubok sa iyong hanapbuhay na maaaring magpababa ng iyong income ngayon. Kahit parang magaan ang dating ng pera, huwag mong uubusin sa shopping o good time. Ihanda mo ang sarili sa mga pagbabago. Mapalad ka sa ika-3, 4, 13 at 14. Stressful ang ika-1, 8, 9 at 15.
Virgo (Aug. 23 - Sept. 22)
Tila maraming tao ang gustong makialam sa ginagawa mo. Huwag mong pabayaang sila ang magpalakad ng buhay mo. May mga mabubuti at masasamang payo na darating sa iyo kaya kailangan ay gamitin mo ang iyong isip. Ano ba sa palagay mo? Ayos ang ika-5, 6 at 15. Ingat sa ika-3, 4, 10 at 11.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Mataas ang stress level mo sa buwan ng Abril. Pakinggan at obserbahan mo ang ginagawa ng mga nakapaligid sa iyo – iwasan mong madamay. Kung single, maganda ang posibilidad ng romansa sa iyo ngayon. Huwag kang gagasta ng malaki. Easy ka lang. OK ang ika-8 at 9. Kuwidaw sa ika-5, 6, 13 at 14.
Scorpio (Oct. 23 - Nov. 21)
Sikapan mong ayusin ang nagsisimulang hindi pagkakaunawaan sa pamilya o sa trabaho. Kung may teenager kang anak, ipakita mong mahal mo siya sa pamamagitan ng pagtatanong kung kumusta na siya. Naghihintay lang siyang tanungin mo. Lucky days mo ang ika-1, 10 at 11. Ingat sa ika-8, 9 at 15.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
May mga pagbabagong darating sa buhay mo kaya dapat ay lagi kang handa. Huwag kang magpapakita ng bugnot sa trabaho dahi baka iyon pa ang maging dahilan ng pagtatanggal sa iyo. Pagandahin mo ang iyong attitude dahil mataas ang punto niyon. Masaya ang ika-3, 4, 13 at 14. May tension sa ika-10 at 11.
Capricorn (Dec. 22 - Jan. 19)
Isang malayong kamag-anak ang magiging mitsa ng iyong stress sa buwan ng Abril. Kung balak mong bumiyahe, huwag na muna dahil may panganib na magkaproblema ang iyong trip. Mag-ingat ka sa paggasta dahil lumalaki ang iyong utang. Good days ang ika-5, 6 at 15. May tensyon sa ika-13 at 14.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Kung balak mong bumili ng mamahaling gamit, kumuha ka ng extended warranty. Maayos ang pamilya kaya puwede ka munang mag-relax. Mahigpit ang pananalapi kaya isipin mong mabuti ang lahat ng pagkakagastusan. Gagaan din sa susunod na buwan. OK ang ika-8 at 9. Careful sa ika-1 at 15.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Sikapin mong purihin ang ginagawa ng mga nagmamahal sa iyo. Huwag palaging sarili mo lang ang iniintindi mo. Isipin mo rin ang mga salitang lalabas sa iyong bibig dahil madalas kang makasakit ng loob lalo na sa mga mahal mo sa buhay. OK ang ika-1, 10 at 11. Ingat sa ika-3 at 4.
|