  |
Aries (March 21 – April 19)
Makakaramdam ka ng pressure sa iyong hanapbuhay. Kung ito ay dahil sa isang tao na nakakataas sa iyo, isipin mo munang mabuti bago ka magbitiw ng salita. May tension din sa pamilya. Sa isang banda, makulay at masaya naman ang iyong pag-ibig. Best days mo ang ika-6, 7 at 15. Alalay ka sa ika-13 at 14.
Taurus (April 20 – May 20)
Pilitin mong tandaan ang iyong mga panaginip dahil may taglay na mensahe tungkol sa pananalapi at hanapbuhay. Pakinggan mo ang iyong mga kutob lalo na sa unang linggo ng Hunyo. Kung balak mag-biyahe, sa isang buwan mo na lang gawin. Lucky days mo ang ika-9 at 10. Ingat sa ika-1, 2 at 15.
Gemini (May 21 – June 20)
Ang mga gagawin mo ngayong buwan ay malaki ang magiging impluwensiya sa iyong kinabukasan. Kung may asawa ka na, magkaka-problema siya, iwasan mong madamay ka. Alagaan mo ang iyong pera. Iwasan mo ang mag-invest sa hindi siguradong negosyo. OK ang ika-1, 2, 11 at 12. Ingat sa ika-4 at 5.
Cancer (June 21 – July 22)
Huwag kang magtitiwala sa tao na hindi mo pa masyadong kilala. Maiinip ka at mag-iisip ka nang pagbabago sa iyong buhay. Hinay-hinay ka lang dahil mahirap magsisi sa huli. Maraming oportunidad na darating sa tag-araw, maghintay ka lang. Masuwerte ka sa ika-4, 5, 13 at 14. Stressful ang ika-6 at 7.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Maraming hahanga sa iyo. Ang iyong karisma ay magdadala ng buwenas. Subalit mag-ingat ka sa mga magseselos sa suwerte mo. Maaaring mag-plano sila upang masira ang maganda mong reputasyon. Alam mo kung sino sila kaya iwasan mo sila. Mapalad ka sa ika-6, 7 at 15. Stressful ang ika-1, 2, 9 at 10.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
Buwenas at malas. Ito ang senyales ng Hunyo para sa iyo. May mga araw na lahat ng gagawin mo ay magtatagumpay. Samantalahin mo ito – pera o romansa o hanapbuhay. Kung pakiramdam mo naman ay may mali, tumigil ka at palipasin mo ang araw na iyon. OK ang ika-9 at 10. Ingat sa ika-4, 5, 11 at 12.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Hindi masama ang tumulong lalo na kung kamag-anak mo ang nangangailangan. Kaya lang, huwag mong payagang tumira siya sa bahay mo dahil diyan magsisimula ang away na makaka-apekto sa buhay mo. Bantayan mong mabuti ang mahalaga sa iyo. OK ang ika-1, 2, 11 at 12. Kuwidaw sa ika-6, 7, 13 at 14.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Kung may plano kang mag-biyahe, mas mabuting public transportation ang gamitin mo. May babalang panganib kung ikaw o kasama mo ang magdadala ng sasakyan. Magkikita kayo muli ng isang matagal mo nang kaibigan. Malilito ka sa inyong relasyon. Ayos ang ika-4, 5, 13 at 14. Ingat sa ika-1, 2, 9, 10 at 15.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Masaya ang pasok ng buwan para sa iyo. Kung single, love at first sight! Kung may partner ka na, masigla ang inyong sex life. Sa trabaho, huwag mong kokontrahin ang nakatataas sa iyo dahil mapapasama ka, sumama ka lang sa agos. Iwasan ang tsismis. Masaya ang ika-6, 7 at 15. Stressful ang ika-4, 5, 11 at 12.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Basahin mo ang insurance policies mo at ng iyong pamilya. Siguraduhin mong walang mali. Sa halip na mag-biyahe, tumigil ka sa bahay at ayusin mo ang dapat iayos – gaganda ang pakiramdam mo. Masyadong ma-clutter ang iyong isip at bahay. Good days ang ika-9 at 10. May tensyon sa ika-6, 7, 13 at 14.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Buwenas ang umpisa ng Hunyo. May mga darating na oportunidad na magbubukas ng pintuan para sa iyong hanapbuhay. Isang bagong kakilala ang magdadala ng suwerte. Subalit mag-ingat ka sa mga maiinggit dahil sa darating na suwerte sa iyo. Lucky ka sa ika-1, 2, 11 at 12. Careful sa ika-9, 10 at 15.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
May hindi pagkakaunawaan sa iyong pamilya. Huwag mong dibdibin dahil matatauhan din ang mga mareklamo. Maraming mahirap na makasundong tao ang makakadaupa mo sa buwan na ito. Makabubuting manahimik ka muna at palipasin ang bagyong ito. OK ang ika-4, 5, 13 at 14. Ingat sa ika-11 at 12.
|