Kapalaran • Hunyo 16-30, 2010 Print E-mail
Wednesday, 16 June 2010 00:01

Aries (March 21April 19)
Bantayan mo ang iyong timbang. Huwag masyadong mataba o payat dahil apektado ang puso. Isang kamag-anak mo ang malalagay sa panganib ang buhay. Huwag kang mag-atubili kung kailangan niya ng operasyon. Asikasuhin ang pamilya. Best days mo ang ika-16, 24 at 25. Alalay ka sa ika-19, 20, 26 at 27.

Taurus (April 20 – May 20)
May darating na pagsubok sa iyo. Lakasan mo ang iyong loob dahil pati na ang iyong pananalig sa Lumikha ay mayayanig. Sa pag-ibig, kung hindi matatag ang inyong relasyon ay baka mabuwag ito. Alagaan mo ang sarili. Lucky days mo ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-16, 21, 22, 29 at 30.

Gemini (May 21 – June 20)
Huwag mapusok sa pag-ibig. Maaaring matindi ang gusto ninyo sa isa’t isa ngayon pero baka bukas-makalawa ay ayaw mo na o bigla na lang siya ang umayaw sa iyo. Kung may asawa ka na, lagyan ninyo ng excitement ang love life nang hindi nakakasawa. OK sa ika-19, 20, 29 at 30. Ingat sa ika-18, 24 at 25.

Cancer (June 21July 22)
Buwenas ang mga natitirang araw ng Hunyo. Wala ka mang gawin, darating sa iyo ang suwerte sa pera. Siguraduhin mo lang na mapapagkatiwalaan ang paglalagyan mo ng investment – doon ka sa subok na. Mag-relax ka at ipahinga mo ang katawan. Masuwerte ka sa ika-21 at 22. Stressful ang ika-19, 20, 26 at 27.

Leo (July 23 – Aug. 22)
Kung may pagkakataon, pag-aralan mo ang mga nangyari sa iyong buhay. Alamin mo kung saan ka maaaring mag-improve at kung ano ang dapat iwasan. Sugod ka nang sugod, hindi ka nag-iisip kaya mas madalas kang mabigo. Easy ka lang. Mapalad ka sa ika-16, 24 at 25. Stressful ang ika-21, 22, 29 at 30.

Virgo (Aug. 23 Sept. 22)
Plano ka nang plano na pagbubutihin mo ang kalusugan pero hanggang porma ka lang naman. Ituloy mo na dahil tumatanda ka at ang katawan mo ay hindi na kasing-lusog noong araw. Masaya ang tag-araw lalo na sa pamilya mo. Alagaan mo ang health mo. Suwerte ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-24 at 25.

Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Iwasan mo ang init ng ulo dahil ikaw ang nahihirapan at hindi ang kinagagalitan mo. Iwasan mo rin ang pagiging mareklamo dahil nakaka-ubos iyon ng lakas at nagiging negative ang buhay mo. Sikapin mong tingnan ang mabuti at maganda sa iyong buhay. OK ang ika-19, 20, 29 at 30. Kuwidaw sa ika-26 at 27.

Scorpio (Oct. 23 Nov. 21)
May mga kaibigan ka na hihingi sa iyo ng payo. Alalayan mo sila dahil maniniwala sila sa payo mo. Iwasan mong dalhin ang problema nila dahil baka ikaw naman ang magkasakit. Bawasan mo ang trabaho sa mga darating na araw dahil stressed out ka na. Lucky days mo ang ika-21 at 22. Ingat sa ika-16, 29 at 30.

Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Kung hirap ka sa pera nitong nakaraang buwan, giginhawa ka naman ngayon. Kailangan mong magpatingin sa doktor dahil may babala ng sakit sa iyo. Kung kailangan ng second opinion ay kunin mo. Kung kailangan ng operasyon, gawin mo. Masaya ang ika-16, 24 at 25. May tension sa ika-17 at 18.

Capricorn (Dec. 22 Jan. 19)
Kung ihahambing mo ang iyong buhay sa iba, makikita mo na maayos ang kalagayan mo. Hindi ka mababa sa kanila. Huwag kang mahihiya dahil may kakayahan ka naman. Masaya ang buhay mo. Wala kang dapat ikalungkot. Mag-relax ka. Good days ang ika-17, 18, 26 at 27. May tensyon sa ika-19 at 20.

Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Mula pa noong nakaraang buwan, ang focus mo ay kung ano ang makakapagpaligaya sa iyo. Kung saan ka masaya, iyon ang gawin mo. Buwenas ang hanapbuhay ngayon. Ipagpatuloy mo ang sinimulang pagpapabuti ng iyong kalusugan. Lucky ka sa ika-19, 20, 29 at 30. Careful sa ika-16, 21 at 22.

Pisces (Feb. 19 – March 20)
May darating na oportunidad upang kumita nang malaki. Gamitin mo ang iyong kutob at kaalaman, kung palagay mo ay maayos, ituloy mo. Huwag mong asahan na ang magandang kutob ay palagiang nasa iyo, pero itong ngayon ang samantalahin mo. OK ang ika-21 at 22. Ingat sa ika-17, 18, 24 at 25.