  |
Aries (March 21 – April 19)
Isang pagsubok sa relasyon mo ang darating, maaaring ito ay personal o hanapbuhay. Hindi oras upang makipagtalo ka kung sino sa inyo ang tama o mali. Mas mabuting lumayo ka muna nang hindi lumala ang gulo. Iwasan mo ang masasakit na salita. Best days mo ang ika-4, 5 at 13. Alalay ka sa ika-10 at 11.
Taurus (April 20 – May 20)
Maaaring magkaroon ng downsizing sa trabaho kaya bawasan ang paggasta sa hindi mahahalagang bagay. Summer ngayon kaya kung gusto mong mag-garage sale, gawin mo dahil marami kang hindi ginagamit na bibilhin ng ibang tao. Magpa- check up ka sa doktor. OK ang ika-6, 7 at 15. Ingat sa ika-13.
Gemini (May 21 – June 20)
Masaya ang pamilya mo kaya samantalahin mo ang magandang samahan nga- yong tag-araw. Magplano ka ng activities na makakasama mo sila. Kung magulang ka, kilalanin mo kung sino ang mga kabarkada ng anak mo. Mag-ingat ka sa pag-akyat o pagbaba sa hagdanan. OK ang ika-8 at 9. Ingat sa ika-1, 2 at 15.
Cancer (June 21 – July 22)
Huwag ka munang mangungutang ngayon hangga’t kaya mo. Kung kailangan ay basahin mo muna ang kontrata bago mo pirmahan. Steady ka lang sa negosyo mo. Huwag kang tatanggap ng masyadong maraming responsabilidad, iwasan ang stress. Masuwerte ka sa ika-1, 2, 10 at 11. Stressful ang ika-4 at 5.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Kung may lakad ka sa gabi, magsama ng designated driver upang malayo ka sa aksidente. May kapitbahay o katrabaho na magbibigay sa iyo ng kunsumisyon. Iwasan mo siya dahil masasayang lang ang iyong energy. Tulungan mo ang isang kamag-anak. Ayos ka sa ika-4, 5, 12 at 13. Stressful ang ika-6, 7 at 9.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
Magaan ang dating ng pera ngayong buwan ng Hulyo pero iwasan mo ang sobrang gastos dahil hihigpit ang pera pagdating ng taglagas. May mga dating kaibigan na makikita mo muli. Mag-enjoy ka kasama nila dahil baka hindi na maulit ang inyong pagkikita. Suwerte ang ika-6, 7 at 15. Ingat sa ika-1, 2,8 at 9.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Kailangan mo nang tapusin ang relasyon sa isang tao na nagbibigay sa iyo ng problema. Masyado nang matagal ang pagbibigay mo sa kaniya. Pag-aralan mo kung saan ka nagkamali sa relasyon ninyo at gawin mong isang leksyon sa buhay. Pagkatapos, mag-relax ka. OK ang ika-8 at 9. Kuwidaw sa ika-4, 5, 10 at 11.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Hanapbuhay ang dapat mong bantayan ngayon. Maraming problema kaya mas madadagdagan ang iyong workload nang walang dagdag na suweldo. Mag-schedule ka rin ng check up sa doktor dahil matagal ka nang hindi nagpapatingin. Iwasan mo ang tsismis. OK ka sa ika-1, 2, 10 at 11. Ingat sa ika-6, 7 at 13.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Mas mabuting magtipid ngayon para may mabubunot ka pagdating ng oras na gipit ka. Maaaring tapusin mo ang isang relasyon dahil hindi ka masaya sa kaniya. Habaan mo ang pasensiya at lawakan ang iyong pang-unawa. Masaya ang ika-4, 5 at 13. May tension sa ika-1, 2, 8, 9 at 15.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Sobra na ang pagod mo dahil sa trabaho kaya kailangan mo munang ipahinga ang katawan at isip. Kung kaya ng bulsa, magbakasyon ka sa malayong lugar. Gawin mo ang talagang gusto mong gawin at kalimutan mo kahit isang weekend lang ang trabaho. Good days ang ika-6, 7 at 15. May tensyon sa ika-4, 5, 10 at 11.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Pag-aralan mo ang mga nangyari sa unang kalahati ng taon. Planuhin mo ang kasunod na anim na buwan upang maging productive at walang masayang na oportunidad. Huwag kang magtitiwala agad sa makikilala mong tao ngayong Hulyo, kilatisin mo siya. Lucky ka sa ika-8 at 9. Careful sa ika-6, 7 at 13.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Dalasan mo ang family outing ngayong tag-araw lalo na kung maliliit pa ang mga anak. Gumawa kayo ng memories para maalala nila pag sila ay may sariling pamilya na. Kung single, panahon upang makita mo ang magpapatibok ng iyong puso. Enjoy the summer! OK ang ika-1, 2, 10 at 11. Ingat sa ika-8, 9 at 15.
|