|
Aries (March 21 – April 19)
May babala sa iyong kalusugan. Kung may nararamdaman ka sa puso o tiyan ay magpatingin ka agad sa doktor. Malakas din ang tawag ng romansa sa buwang ito. Huwag kang magmadali. May kumplikasyon. Kung siya na nga ay malalaman mo. Best days mo ang ika-17, 18, 27 at 28. Alalay ka sa ika-20 at 21.
Taurus (April 20 – May 20)
Hindi madaling maubos ang pasensya mo pero may susubok sa iyo sa mga darating na araw. Iwasan mong magsalita ng masakit dahil hindi mo na ito mababawi. Sikapin mong magrelax at nang hindi madaling uminit ang ulo mo. Lucky days mo ang ika-20, 21, 30 at 31. Ingat sa ika-16, 22 at 23.
Gemini (May 21 – June 20)
Hindi ka makasisiguro kung may problema o wala ang mga nakapaligid sa iyo kaya kung mayroon sa kanilang hindi kumikibo, huwag mong isipin na ikaw ang dahilan. Huwag kang praning. Sa trabaho man o pag-ibig, ingatan mo ang iyong relasyon sa kanila. OK ang ika-22 at 23. Ingat sa ika-17, 18, 25 at 26.
Cancer (June 21 – July 22)
Masipag ka at nakikita mo naman ang materyal na resulta sa mga paghihirap mo. Kaya lang, maligaya ka ba? Baka nauubos ang oras mo sa kabuhayan, nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit ka nagsisipag. Mag-enjoy ka naman kasama ng mga mahal mo. OK ang ika-16, 25 at 26. Stressful sa ika-20, 21, 27 at 28.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Maganda ang bank account mo. Huwag ka lang magwawala sa paggastos dahil baka hindi kasing-buwenas ang taglagas para sa hanapbuhay mo. Kung hindi ka nakakatulog nang maayos, iwasan mo ang mabigat na hapunan. Mag-relax ka. Ayos ang ika-17, 18, 27 at 28. Stressful ang ika-16, 22, 23, 30 at 31.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
May mga pagbabago sa buhay mo na maaaring hindi mo magustuhan dahil lihis sa style mo. May pagsubok na darating sa karelasyon mo. Pati pamilya ay maaaring apektado nito. Iwasan mo ang anumang confrontation dahil matatalo ka lang. Suwerte ang ika-20, 21, 30 at 31. Ingat sa ika-17, 18, 25 at 26.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Isang matinding reality check ang darating sa iyo. Mapapatunayan mo kung saan ka at kung ano ang totoong situwasyon mo – sa pag-ibig o trabaho. Ito ay para na rin sa ikabubuti mo. Mawawala ang ilusyon mo at haharapin mo ang katotohanan. OK ang ika-22 at 23. Kuwidaw sa ika-20, 21, 27 at 28.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Iwasan mo ang power struggle sa trabaho. Hindi ka palaging masusunod kaya igalang mo ang nais ng iba. Kung magagawa mong makisama nang maayos, mas liligaya ang iyong buhay. Mahirap ang may kaaway. Maayos ang romansa. Lucky days mo ang ika-16, 25 at 26. Ingat sa ika-22, 23, 30 at 31.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Panatiliin mong malamig ang iyong ulo. Wala kang mapapala kung papatulan mo dahil naiinis ka sa kanila. Dahil sa stress, baka magkaproblema ka sa bato, bituka o puso. Huwag kang palaging galit, ikaw lang ang masasaktan. Try to enjoy life. Masaya ang ika-17, 18, 27 at 28. May tension sa ika-25 at 26.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Alam mo bang bumubuti ang buhay ng iba dahil sa tulong mo? Magandang karma ito para sa iyo. Dahil hindi ka makasarili, magandang biyaya ang kapalit nito. Mahusay ang kalusugan mo at ito ang pinakamahalaga para sa iyo. Good days ang ika-20, 21, 30 at 31. May tensyon sa ika-27 at 28.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Kung sakaling may oras na nagdududa ka sa iyong kakayahan, gamitin mo ito upang pag-aralan kung saan mo maaaring pagbutihin pa ang ang iyong buhay. Iwasan mo ang mga negatibong tao. Gamitin mo ang iyong puso at ulo. Alagaan mo ang iyong puso. Lucky ka sa ika-22 at 23. Careful sa ika-16, 30 at 31.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Malamig ba siya sa iyo? Baka naman ikaw ang may pagkukulang. Huwag mong palakihin ang maliliit na bagay dahil iyon ang nakaka-irita sa relasyon ninyo. Mabagal ang dating ng pera pero nakapag-ipon ka naman kaya ok pa rin ang estado mo. Iwasan ang selos. OK ang ika-16, 25 at 26. Ingat sa ika-17 at 18.
|