Kapalaran • Agosto 1-15, 2010 Print E-mail

Aries (March 21April 19)
Maaaring matapos ang isang relasyon – personal o negosyo. Anuman ang kahinatnan nito, huwag kang makikipag-relasyon agad sa iba kung ang balak mo lang ay maghiganti sa kaniya. Sa halip, asikasuhin mo ngayon ang iyong kalusugan at emosyon. Best days mo ang ika-1, 9 at 10. Alalay ka sa ika-7, 8, 13 at 14.

Taurus (April 20 – May 20)
Tatanggap ka ng maraming imbitasyon ngayong summer. Nasa sa iyo kung nais mong makipaglaro sa panahong ito. Ingat lang na walang masaktan sa inyong dalawa dahil ang romansang ito ay pang tag-araw lang. May problemang darating sa trabaho. Lucky days mo ang ika-2, 3, 11 at 12. Ingat sa ika-9, 10 at 15.

Gemini (May 21 – June 20)
Kung nakapag-relax ka nitong Hulyo, dapat ay handa ka na sa mga obligasyon na darating ngayong Agosto. Kung balak mong lumipat ng bahay o trabaho, ngayon ang panahon upang planuhin mo ito. Buwenas ang Agosto para sa iyo kaya samantalahin mo. OK ang ika-5, 6, 13 at 14. Ingat sa ika-11 at 12.

Cancer (June 21 – July 22)
Iwasan mo ang “hiya” lalo na kung para sa ika-uunlad ng buhay mo at ng pamilya mo. Baka maunahan ka ng iba dahil hindi mo agad ipinaalam na interesado ka sa isang bagay. Walang mawawala sa iyo kung aagapan mo ang pagsasalita. May mga pagbabago. OK ka sa ika-7, 8 at 15. Kuwidaw ka sa ika-1, 13 at 14.

Leo (July 23 – Aug. 22)
Minsan mahirap unawain kung bakit may mga kaibigan na bigla na lang mag-iiba ng ugali at hindi mo na gugustuhing maging kaibigan pa. Huwag kang manghinayang dahil mas mabuting iwasan mo na sila. Asikasuhin mo ang sarili mong kapakanan. Mapalad ka sa ika-1, 9 at 10. Stressful ang ika-2, 3 at 15.

Virgo (Aug. 23 Sept. 22)
Bigyan mo ng space ang iyong mahal. Nasasakal siya sa iyong pagiging masyadong maalalahanin. Lumabas ka muna kasama ng ibang kaibigan. Ipakita mo sa kaniya na may “buhay” ka rin. Magugulat ka pero masaya rin kung hindi laging siya ang iyong kasama. Ayos ang ika-2, 3, 11 at 12. Ingat sa ika-5 at 6.

Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Mataas ang self-confidence mo ngayong Agosto kaya hindi masamang ipagmagaling mo ang iyong mga nagawa. Gawin mo ito kapag napansin mong minamaliit ang iyong pagkatao. Huwag kang tatanggap ng insulto mula sa walang kuwentang tao. Itaas mo ang noo. OK ang ika-5, 6, 13 at 14. Ingat sa ika-1, 7 at 8.

Scorpio (Oct. 23 Nov. 21)
Habang pinag-aaralan mo kung saan ka nagkulang nitong nakaraang Hulyo, buwenas naman ang naghihintay sa iyo ngayong Agosto. Alalay ka sa mga desisyon dahil may magandang oportunidad na darating. Laging may araw pagkatapos ng gabi. Lucky days mo ang ika-7, 8 at 15. Ingat sa ika-2, 3, 9 at 10.

Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Ingatan mo ang paghawak mo sa pera dahil may magdududa sa iyo. Hindi lahat ng kasama mo ay may tiwala sa iyo. May mga oportunidad na darating sa iyo kaya kailangan ay handa kang pag-aralan kung alin ang mas makakabuti sa iyo. Magbakasyon ka. Masaya ang ika-1, 9 at 10. May tension sa ika-5, 6, 11 at 12.

Capricorn (Dec. 22 Jan. 19)
Samantalahin mo ang summer dahil mas magaan ang mga gawain sa panahong ito. Mag-relax ka, kalimutan mo ang mga problema na wala ka namang makitang solusyon. Huwag mong pasanin ang problema ng mundo. You deserve a break. OK ang ika-2, 3, 11 at 12. May tensyon sa ika-1, 7, 8, 13 at 14.

Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Low profile. Iwasan mong maging masyadong exposed ngayong Agosto. Hindi lahat ng maririnig mo ay tama. Obserbahan mo ang mga tao na pilit makikipaglapit sa iyo. Pag-aralan mo ang direksyon ng buhay mo bago dumating ang Setyembre. Relax lang. Lucky ang ika-5, 6, 13 at 14. Bantay sa ika-2, 3, 9, 10 at 15.

Pisces (Feb. 19 – March 20)
Pakinggan mo ang payo ng kaibigan. Minsan ay kailangan mong tingnan ang buhay mula sa ibang mata. Kung may planong hindi natuloy, mabuti iyon dahil mas nakatipid ka. Maganda ang mga oportunidad mo ngayong Agosto. Huwag mo sanang pakawalan. OK ang ika-7, 8 at 15. Ingat sa ika-5, 6, 11 at 12.