  |
Aries (March 21 – April 19)
Kahit maproblema itong mga nakaraang araw, buwenas ang mga darating na araw para sa iyo. Iwasan mo lang ang padalus-dalos na desisyon lalo na pagdating sa pera. Malalaman mo na rin ang dahilan kung bakit laging may problema sa bahay. Best days mo ang ika-21, 22 at 31. Alalay ka sa ika-17, 23, 24 at 25.
Taurus (April 20 – May 20)
Hindi man sinasadya, ang pamilya mo ang uubos ng iyong oras sa mga natitirang araw ng Hulyo. May madrama sa kanila at may mainitin din ang ulo. Lilipas naman ito at bubuti ang relasyon ninyo. Magpahinga ka kahit ok ang pakiramdam mo. OK ang ika-23, 24 at 25. Ingat sa ika-19, 20, 26 at 27.
Gemini (May 21 – June 20)
Mabigat ang pera sa buwang ito kaya hinay-hinay ka sa paggasta. Baka hindi dumating ang inaasahan mong pera. Pag-aralan mong mabuti kung saan naka-invest ang pera mo dahil kailangang baguhin ito. Ang good news, malusog ka at ang pamilya mo. OK ang ika-17, 26 at 27. Ingat sa ika-21, 22, 28, 29 at 30.
Cancer (June 21 – July 22)
Maayos ang takbo ng iyong pananalapi. Buwenas ka ngayon. May mga binago ka sa buhay mo kaya huwag kang magtataka kung bakit may kaibigan kang lalayo sa iyo. Mabuti ito dahil hindi na kayo pareho at hindi na magkakasundo. Masuwerte ka sa ika-19, 20, 28, 29 at 30. Stressful ang ika-17, 23, 24, 25 at 31.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Kung makulit ang iyong love partner, huwag kang mapipikon. Baka mayroon siyang sakit na dinaramdam – payuhan mong magpatingin sa doktor. O baka naman nagseselos, iwasan mo ang makipagbiruan sa iba kapag kasama mo siya. Mapalad ka sa ika-21, 22 at 31. Stressful ang ika-20, 26 at 27.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
May lihim ka na malapit nang mabisto. Mas mabuti nang matahimik ka ngayon kaysa magtagal pa. Bubuwenasin ka kapag nawala na ang multong lihim na kinakatakutan mo. Ikaw mismo ang aayaw sa dami ng oportunidad na darating sa iyong buhay. Suwerte ang ika-23, 24 at 25. Ingat sa ika-21, 22, 28, 29 at 30.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Kailangan mong magsipag sa buwang ito dahil maraming sagabal sa iyong pag-unlad. Bantayan mo ang iyong kalusugan lalo na ang mga paa mo. Kung may partner ka na, iwasan mo ang maging malapit sa isang tao dahil problema lang ang dala niya sa iyo. OK ang ika-17, 26 at 27. Kuwidaw sa ika-16, 23, 24, 25 at 31.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Masaya ang Hulyo mo. Kung magha-holiday, walang magiging problema lalo na kung pamilya ang kasama mo. Lalapit sa iyo ang mga tao at hihingi ng payo. Piliin mo lang ang tutulungan mo. Kailangan mo ng tulong sa trabaho dahil kulang ang oras mo. OK ang ika-19, 20, 28, 29 at 30. Ingat sa ika-26 at 27.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Kalusugan ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Magpunta ka sa doktor at ikonsulta ang mga nararamdaman lalo na sa balakang mo. Kung lagi lang pagod, baka may kailangang gamutin sa iyo. Iwasan mo ang pagkain ng matataba at matatamis. Masaya ang ika-21, 22 at 31. May tension sa ika-28, 29 at 30.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Kung laging masama ang iyong pakiramdam, ano ba ang mga kinakain mo? Madalas, sa pagbabago ng diet ay nawawala ang sakit ng tao. Mag-detox ka at linisin mo ang sikmura. Iwasan mo rin ang sobrang shopping ngayong buwan ng Hulyo. Good days ang ika-20, 21, 30 at 31. May tensyon sa ika-27 at 28.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
May mga pagbabagong darating sa iyong buhay ngayon. Unit-unting matatapos ang mga pagsubok, isa-isa silang malulutas, kailangan lang ay pasensya at tiyaga. Magaan ang dating ng pera sa iyo ngayon. Bantayan mo ang iyong kalusugan, lalo na ang tiyan at puso. Ayos ang ika-26 at 27. Ingat sa ika-19 at 20.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Kung may dinaramdam ka, panatilihin mong masaya ang iyong pananaw at gagaan ang iyong pakiramdam. Kung tila nagko-compete kayo ng iyong partner, ikaw muna ang magbigay dahil mas nakakalamang ka sa kaniya. Paligayahin mo siya. OK ang ika-19, 20, 28, 29 at 30. Ingat sa ika-21 at 22.
|