  |
Aries (March 21 – April 19)
Nagkakaroon ka ng pagtingin sa isang kasama mo. Maaaring ma- develop ito tungo sa isang serious na relasyon kung pupursigihin mo. Ang tanong: handa ka na bang humarap sa matagalang commitment o gusto mo pang maglaro? Ikaw lang ang may sagot dito. OK ang ika-23, 24 at 25. Alalay ka sa ika-16 at 17.
Taurus (April 20 – May 20)
May darating na oportunidad upang kumita ka ng pera. Makakakita ka rin ng paraan upang hindi masyadong stressful ang pang-araw-araw na gawain mo. Patuloy na bumubuti ang iyong kalusugan. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa. Lucky days mo ang ika-16, 17, 26 at 27. Ingat sa ika-18, 19 at 20.
Gemini (May 21 – June 20)
Mararamdaman mo na bumubuti ang kalagayan mo – sa kalusugan, sa trabaho at pati sa romansa. Hindi ito perfect kaya mayroon pa ring kaunting problema pero kaya mong lusutan ang mga balakid na ito. Mag-exercise ka at mas bubuti ang pakiramdam mo. OK ang ika-18, 19, 20, 28 at 29. Ingat sa ika-21 at 22.
Cancer (June 21 – July 22)
Kung nagkaroon ka ng mabibigat na pasanin nitong nakaraang buwan, bubuti na ngayon ang iyong kalayagayan. Pakinggan mo ang dikta ng iyong damdamin dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang makabubuti sa iyo. Buwenas ka ngayon. Ayos ang ika-21 at 22. Stressful ang ika- 16, 17, 23, 24 at 25.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Iwasan mo ang mga hindi siguradong invest -ments bago ma- tapos ang buwan. Kung sakaling may nawala kang puhunan dahil sa malabong negosyo, dapat ay leksyon na iyon sa iyo. Pag-aralan mong mabuti bago pakawalan ang pera. Mapalad ka sa ika-23, 24 at 25. Stressful ang ika-18, 19, 20, 26 at 27.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
Maayos ang iyong kalusugan kaya wala kang dapat alalahanin. Balik na ang iyong magandang kapalaran. Huwag kang mabuhay sa nakaraan, kalimutan mo na siya at harapin mo ang katotohanan na wala na ang relasyon. Humanap ka ng iba. Suwerte ang ika-16, 17, 26 at 27. Ingat sa ika-21, 22, 28 at 29.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Ang dami mong natulungan pero pakiwari mo’y ni walang tumanaw ng utang na loob sa iyo. Ganiyan talaga. Darating ang araw na kikilalanin nila ang iyong mga ginawa. Hindi ka naman nawalan kaya ibaon mo na sa limot. May liwanag na darating sa iyo. OK ang ika-22 at 23. Kuwidaw sa ika-20, 21, 27 at 28.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Kung parang hindi ka umaasenso, pakiramdam mo lang iyon. Simula na ang mga buwenas na buwan para sa iyo pagpasok ng Oktubre. Isipin mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo at sundin mo ang plano mo. Huwag ka munang aasa sa iba. Lucky days mo ang ika-21 at 22. Ingat sa ika-18, 19, 20, 26 at 27.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Mabibigo ka sa isang kaibigan na akala mo ay magdadala sa iyo ng kaligayahan. Huwag mong ilagay ang iyong buhay sa kaniyang palad. Pag-isipan mong mabuti ang iyong gagawing desisyon dahil mahirap magsisi sa huli. Mag-ingat ka. Masaya ang ika-23, 24 at 25. May tension sa ika-21, 22, 28 at 29.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Mag-ingat ka sa mga reto-reto, lalo na kung hindi mo pa masyadong kilala ang tao. Huwag kang magmadali dahil hindi ka naman mauubusan. I-apply mo ang payong ito hindi lang sa pag-ibig kundi maging sa pagpasok mo sa negosyo. Good days ang ika-16, 17, 26 at 27. May tensyon sa ika- 23, 24 at 25.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Dapat mong linisin ang clutter ng iyong buhay. Kung may sobra sa iyong ginagawa, bawasan mo. Kung may kulang, dagdagan mo. Kailangan mo ng balanse upang maging mas malinaw ang iyong direksyon. Isang matinding cleansing ang kailangan mo. OK ang ika-18, 19, 20, 28 at 29. Careful sa ika-26 at 27.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Kalusugan ang signos mo ngayon. Kung naparami ang kain mo ng matataba nitong nakaraang tag-araw, pilitin mong iwasan at pagbutihin mo ang iyong diet. Isa lang ang buhay natin. Maging magiliw ka sa pamilya mo dahil nagtataka sila kung bakit ka laging tahimik. OK ang ika-21 at 22. Ingat sa ika-28 at 29.
|