|
Written by Katrina Castillo
|
|
Saturday, 01 May 2010 00:04 |
 |
Kahapon
|
Madalas ko maalala ang kahapon
Ang ala-ala ng aking unang laro sa kalye
Ang pagtakas sa ’king mga mama at papa tuwing kahapunan
Iyon ay aking nakaraan, hindi na maiiba.
Malimit ko kasama aking barkada
Nakasakay sa jeep, nagkukuwentuhan, naghahagalpakan
Tumatambay sa eskwela, nag-kakaisa pag may problema
At pag araw ng eksamen, lahat napapraning.
Madalas pag may okasyon andun kami kina lola
Lahat nagpupunta, lahat nakatawa
Di inaalintana ang oras
Basta nagtitipon, lahat magakakasama
Malimit ko pa rin maalala buhay Pinas
Ang kasimplehan ng buhay, ang kasaganaang di materyal
Sa katotohanan iyon ang tunay
Hinahangad na muling maranasan
Madalas kong naririnig na ako’y mapalad
Sapagkat ako daw ay nasa bansang mayaman
Totoo naman nga sila
Lahat ay halos andito na.
Malimit nu’ng ako’y bumalik
Naalala ko aking nakaraan
Na sa pagdaan ng panahon
Hindi ko pa rin nakakalimutan.
Madalas kong natatanong ang aking sarili
Malilimot ko kaya ang aking pinagmulan?
Di ko mawari ang kasagutan
Ikaw, kaibigan, nasagot mo na?
Marami nang lumisan
At marami pang lilisan
Pero sana kahit malayo na sa pinagmulan
Kahapon ay maalala, kahapon ay magunita
At paglimot ay di natin maanyaya.
Katrina Castillo is a member of ANAK
Visit ANAK online at www. anak.ca.
Have a comment on this article? Send us your feedback
|
 |
 |
|