Published on

 
 
Bea Alonzo & Zanjoe Marudo
 
 
Lorna Tolentino
 
 
Lovi Poe

Showbiz Extra • Nobyembre 16-30, 2012

Ni Issi Bartolome

Bea Alonzo – kasama si Zanjoe sa bagong pelikula

Naganap na ang unang pagsasama ng mga totoong sweetheart na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa pelikulang 24/7 in Love ng Star Cinema. Bale ito ang offering ng Star Magic talents sa kanilang 20th anniversary. Halos lahat ng sikat na artista ng Star Magic ay kasama sa pelikulang ito.

“Noong marinig ko lang na magkakatrabaho kami ay kinabahan ako. Parang naiisip ko na naiilang ako,” pag amin ni Bea. Pero noong nag-shooting na sila ay ang sarap daw ng feeling at nag-enjoy na sila sa isa’t isa.

Tuwang tuwa rin ang aktres sa pinakikitang pagmamahal sa kaniya ni Zanjoe dahil ito ang kaniyang knight in shining armor kapag magkasama silang dalawa. Sa unang pagkakataon ay pinagsama-sama sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Kim Chiu, Gerald Anderson, Pokwang, Sam Milby, Maja Salvador, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at marami pang iba sa latest offering na ito ng Star Cinema. Ipalalabas ang movie sa November 21.

Lorna Tolentino – bagong teleserye sa GMA-7

Balik telebisyon ang magandang aktres na si Lorna Tolentino sa bago nitong teleserye sa GMA- 7, ang Pahiram ng Sandali. “Kakaiba kasi ang characters…maganda talaga,” bungad ni Lorna. Sa kauna-unahang pagkakataon sana ay makakasama niya ang isa sa pangunahing bituin ng GMA na si Kylie Padilla, subalit nag-back-out ito sa teleserye. Hindi kasi bagay sa edad niya ang ilang maseselang eksena sa Pahiram ng Sandali.

Nang hiningan ng reaksiyon si LT sa pagba-backout ni Kylie ay nabanggit nito na medyo maselan talaga ang role na gagampanan ng batang aktres at nauunawawan niya ang rason nito kung bakit hindi na gagawin ang teleserye.

“Hindi niya siguro alam na magiging ganun ang karakter niya. Mas mature talaga… hindi puwede sa religious belief niya,” kasuwal na sagot ng aktres. Kahit hinihintay pa nila ang ipapalit kay Kylie ay inumpisahan na rin ang taping ng Pahiram ng Sandali. Kasama rin sa cast sina Dingdon Dantes, Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Lovi Poe – bising bisi sa career

Masasabing taon talaga ni Lovi Poe ang 2012. Maraming pelikula ang ginawa ng dalaga at sa mga endorsement ay palagi rin nakikita ang mukha niya. Big success ang pelikula niyang Tiktik: the Aswang Chronicle na pinagsamahan nila ni Dingdong Dantes. Sa darating na MMFF ay kasali din ang pelikula niyang Thy Womb na kinabibilangan din ng superstar na si Nora Aunor. Maganda ang review sa acting ni Lovi sa pelikulang ito. Hindi talaga siya nagpahuli sa mga kasamahan kung acting din lang naman ang pag-uusapan. Isa rin si Lovi sa endorser ng Bench kaya naman puro trabaho talaga ang ginawa niya this year. Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan muli papasok sa isang relasyon ang magandang aktres. Nagpahayag kasi ang aktor na si Jake Cuenca na talagang may gusto siya sa dalaga pero hindi naman confirm na magkarelasyon na nga ang dalawa. Mula kasi nang maghiwalay sila ng landas ni Ronald Singson ay wala nang na-involve sa magandang aktres.