Published on

 
 
Arci Muñoz
 
 
Judy Ann Santos

Showbiz Extra • Hunyo 16-30, 2012

Ni Issi Lang

Judy Ann Santos at KC Concepcion sa bagong teleserye

Malapit nang simulan ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, Kapamilya network. Against All Odds ang title ng bagong soap ng tinaguriang Teleserye Queen ng bansa. Sa unang pagkakataon ay makakasama niya si Sam Milby.

Kahit na nga tutol ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo na maipareha ang kaniyang alaga kay Sam Milby ay pinaboran naman ni Judy Ann na magkasama sila sa nasabing soap. Naging magkaibigan kasi sina Ryan at Sam dahil nagkakasama ito sa mga kinahihiligang sport tulad ng motorcycling. Kahit si Sam ay ipinagkibit balikat lang ang diumano ay pagtutol ni Alfie na makaperaha siya ni Juday. Natutuwa din ang aktor dahil finally ay matutuloy na ang naturang project. Unang teleserye ni Sam sa taong 2012 ang Against All Odds.

Kabilang din si KC Concepcion sa cast. Mabuti na lang at nagkaayos na rin sila ng PR Head ng ABS-CBN na si Eric John Salut. May mga lumabas kasing intriga na maraming ibubunyag na secret itong si Eric tungkol kay KC. Pati nga ang Megastar ay nagreact din tungkol sa mga tweets na diumano ay ilalabas na baho ni Eric tungkol kay KC. Duda ng marami ay may kinalaman na naman iyon sa naging break up nila KC at Piolo Pascual. Pinag-usap na ang dalawa ng mga big boss ng ABS-CBN para maayos na ang gulo sa pagitan ni KC at Eric John Salut. Nagkaiyakan pa nga raw ang dalawa habang magkayakap. Ngayon ay sobrang OK na nga sila at parehong quiet na lang sa nangyari.

Samantala magbabalik primetime si Judy Ann sa teleseryeng ito at marami pang bigating artista ang kabilang sa cast tulad nina John Estrada, Jessy Mendiola, Mylene Dizon, Joseph Marco, Bryan Termulo, Tirso Cruz IIIat si Ms Coney Reyes. Tiyak na marami na naman ang mag-aabang sa drama series na ito.

Arci Muñoz – hindi natuloy sa Miss World Philippines

Marami ang nanghinayang sa hindi pagsali ni Arci Muñoz sa Miss World Philippines 2012. May nagsasabi kasi na malaki ang chance ng aktres na manalo sa nabanggit na beauty pageant. Nang magpatala kasi ito at makalusot sa screening ay inabangan na ng mga tagahanga ang pagsali nito sa Miss World Philippines beauty pageant. Subalit nang ini-announce na ang mga kalahok ay hindi kasama ang pangalan ni Arci.

Kahit na nga nagpaalam ito sa manager na si Anabelle Rama ay pinayagan na rin ito kahit na nag-aalinlangan din si Bisaya sa kahihinatnan ng kaniyang alaga sa nabanggit na beauty contest. Kung mananalo kasi ay baka sabihin na dinaya ang paligsahan at kung matalo rin ay tiyak na may mga intriga ding maglalabasan. Ang TV5 kasi ang magpapalabas ng Miss World at contract star nila si Arci Munoz.

May balita rin kasi na natakot ang dalaga na tumuloy sa pagsali dahil baka matalo lang ito. Ngunit dahil nga sa may kontrata ito sa TV5 ay baka ito pa ang simulan ng problema kaya umatras na lang si Arci sa MWP.

“Okey na po ako, tanggap ko na di ako matutuloy sa pagsali this year. Pero next year ay paghahandaan ko ang pagsali,” sabi pa ng aktres. Pati kasi paglakad nang ala-beauty-queen ay ginagawa na ni Arci. Pati ang head ng MWP na si Ms Cory Quirino ay naghinayang sa di pagsali ni Arci dahil taglay daw nito ang lahat ng katangian para maging beauty queen. Sinabi rin ni Quirino na hindi magiging hadlang ang language sa pagpili ng winner sa MWP. Katunayan ay isa sa mga kandidata nito ang hindi marunong magsalita o makaintindi man lang ng English. Siya ay si Rufaida Babudin na galing Palawan. Siya rin ang pinakamaitim sa lahat ng kandidata dahil ang trabaho nito ay mangingisda sa baryo nila sa Palawan. Bibigyan daw ito ng interpreter sa pageant night. Ang Miss World ay gaganapin sa Manila Hotel tent sa June 24. Sina Ruffa Gutierrez at Edu Manzano ang magiging host nito at mapapanood sa TV5.