Published on

Showbiz Extra • Marso 16-31, 2012

Ni Issi Bartolome

Star Magic celebrates its 20th year

Ngayong 2012 ay mag-se-celebrate ng 20th anniversary ang Star Magic ng Kapamilya network. Maraming inihahandang world tour ang mga bituin na kabilang sa Star Magic na talaga namang magbibigay ng aliw at saya sa kanilang mga tagahanga. Pangungunahan nila Piolo Pascual, Gerald Anderson, Kim Chiu, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Erich Gonzales, Erick Santos, Rayver Cruz, Zanjoe Marudo, Xian Lim, Pokwang, Jovit Baldovino, Marcelito Pomoy, Angeline Quinto at Vina Morales ang Star Magic US Tour na magsisimula sa katapusan ng Marso.

Tatlong malalaking pelikula rin ang inihahanda ng Star Magic na ipapalabas ngayong tag-init. Nandyan ang Every Breath You Take na pangungunahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban, ang You Light Up My Life nina Coco Martin at Angeline Quinto. At ang barkada movie na The Reunion na pangungunahan nila Julia Montes, Jessy Mendiola, Enrique Gil at Xian Lim.

May mga bago ring teleserye na inihahanda ng Star Magic at isa na rito ay ang balik tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na A Beautiful Affair. Kasama rin nila rito sina Megan Young at Janus del Prado.

Magkakaroon na rin ng Star Magic Films na gagawa ng mga de kalidad na pelikula sa pakikipagtulungan ng Star Cinema. Ang taunang Star Magic Ball ay gaganapin sa September 1 at ang bagong Star Magic catalogue ay ilulunsad naman sa katapusan ng September.

 
Superstar Nora Aunor nag-guest sa Moments ni Gladys Reyes

Tuwang tuwa si Gladys Reyes nang mag-guest ang superstar sa kaniyang show na Moments. Matatandaang nagtampo kasi ang host ng nasabing show nang hindi nakasipot si Guy sa guesting nito noong nakaraang January. Napaiyak pa nga si Gladys at that time dahil naawa siya sa mga tagahanga ng Superstar na maaga pa lang ay nag-aabang na sa pagdating sa studio ng kanilang idolo.

“Wala na ’yung galit, nag-text naman siya at that time sa akin nang pagkahaba-haba at nag-sorry. Nag-explain siya na ’di talaga kinaya ng katawan niya ang matinding sakit na dumapo sa kaniya nang mga panahong iyon,” kuwento pa ni Gladys. Kaya nga nitong bumalik na ng bansa ang Supestar ay dali-dali nitong inasikaso ang pagiging guest sa nabanggit na show. At sa wakas nga ay natuloy na iyon at napalitan ng sobrang tuwa at respeto sa Superstar ang dati’y lungkot at pagkadismaya ni Gladys noon.

“Tuwang tuwa ako at laking pasasalamat at nag-guest siya sa show ko,” pagtatapos pa ng magaling na TV host.