|
|
Maligayang-maligaya ang kampo ni dating Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista dahil ipinroklama na siyang bagong mayor ng kaniyang lunsod. Napakalaki ng lamang niya kay Mike Defensor. Hindi pinakinggan ng mga taga-Kyusi ang mga paninirang ipinukol sa kaniya ng ibang tao. Sa buong panahong inuupakan siya ni Mike Defensor ay nanatiling walang kibo si Mayor Herbert, wala siyang sinagot na isyu, pinabayaan lang niyang upakan siya nang upakan ng kaniyang kalaban. Pero ang inupakan ng bayan ay ang umupak kay Mayor Bistek, ang taumbayan ang nagtanggol sa kaniya, kaya napakalayo ng lamang niya kay Mike Defensor. Sa Maynila naman ay proklamado na rin sina Mayor Alfredo Lim at Vice-Mayor Isko Moreno. Si Mayor Joey Marquez ang hindi pinalad na makabalik sa dati nitong posisyon sa Parañaque, nangunguna ito sa survey pero sa aktuwal ay hindi kapani-paniwala ang laki ng lamang sa kaniya ng kalaban. Pero sa mga artistang lumahok sa halalan ay pinakamaligaya ngayon ang pamilya Revilla dahil nangunguna sa pagka-senador si Sen. Bong Revilla. Landslide din ang pananalo ni Lani Mercado bilang kongresista at si Strike Revilla pa rin ang nanalong mayor ng Bacoor.
Nakakaaliw ang mga anak ni Ruffa Gutierrez. Ngayon pa lang ay alam mo nang sa showbiz din ang kapalarang nag-aabang para kina Lorin at Venice. Bibong-bibo ang mga bata lalo na ang bunso na Gutierrez na Gutierrez ang itsura. Noong nakaraang selebrasyon ng Mother’s Day ay sinorpresa si Ruffa ng kaniyang mga anak, sa pagkakaalam ni Ruffa ay may pinuntahang iba sina Lorin at Venice, pero babati pala ang mga ito sa kaniya sa Paparazzi. Willie Revillame – Nagrerelax habang wala sa Wowowee
Sa huling pakikipag-usap namin kay Willie ay wala siyang sinabing takdang panahon. Katatapos lang niyang mag-golf noong magkabalitaan kami. Sinabi niya na ngayon lang daw uli niya nararamdaman na tao pala siya dahil nakakapag-relax na siya. Sa haba na ng panahong wala naman siyang ibang pinupuntahan kundi ang studio lang ng Wowowee ay nakakaramdam na rin siguro siya ng pagod. Masyado kasi siyang tutok sa kaniyang programa. Mula sa rehearsal hanggang sa actual show na ay mayroon siyang partisipasyon. Sunog na sunog na siguro si Willie sa ganoong kalakaran sa araw-araw ng kaniyang buhay. Sa pakikipag-usap namin kay Willie ay ramdam namin na hindi na siya masaya sa kaniyang mga ginagawa ngayon. Mahal niya ang ating mga kababayan, pero ramdam namin na mayroon siyang hinahanap sa network na kinabibilangan niya. Kapag nag-uusap kami ni Willie ay palaging lihis kay Jobert Sucaldito ang aming paksa. Alam niya kasi na pareho namin silang mahal. Gusto naming pasalamatan si Willie sa respetong ibinibigay niya sa amin kapag papunta na kay Jobert ang paksa pero halatado niyang umiiwas kami. Nora Aunor – Balak kasuhan ang doctor nag-retoke ng mukha
Imposible raw mangyari iyon dahil eyebags lang naman niya ang niretoke ng doktor, wala nang iba pa, kaya paano siya mako-comatose? Hindi rin daw totoo ang kumalat na kuwentong nawalan siya ng boses dahil sa pinagdaanan niyang proseso ng pagpapaganda. Siguro raw ay masyado lang siyang nalamigan doon, kaya nawala ang kaniyang boses. Pero gaano katotoo na mayroong nagsusulsol ngayon kay Nora Aunor para kasuhan ang doktor na umopera sa kaniya? Ayon diumano sa mga sulsultant (read: consultant) ng Superstar ay malaking pera ang makukuha niya sa klinikang nagsagawa sa kaniyang operasyon, siguradong magbabayad agad ito, kesa sa masira ang imahe ng naturang klinika. Sana’y hindi totoo ang kuwentong nakarating sa amin. Harinawang hindi nakikinig si Nora Aunor sa mga nagsusulsol sa kaniya dahil nagmagandang-loob na nga ang klinika para pagandahin-pabatain siya ay ito pa ba naman ang mapapala nila? “Mukhang nakikinig si Nora sa mga nagsusulsol sa kaniya, parang may plano nga siyang magdemanda. Malaking amount kasi ang involved sa asunto, kaya nasilaw naman si Nora,” kuwento pa ng aming source.
Mukhang nagiging negatibo ang dating ngayon ni Erich Gonzales sa kaniyang mga katrabaho pati na sa produksiyong humahawak sa kaniyang mga tele-serye sa ABS-CBN. Napakaaga naman yatang nalunod sa isang basong tubig ng dalagang ito, kalahati pa lang ng hagdan ng tagumpay ang kaniyang naaabot, pero marami nang namomroblema sa kaniyang ugali ngayon. Mareklamo raw si Erich, sabi ng isang production staff na nakakuwentuhan namin, marami siyang angal, marami siyang kinokontrang alituntunin sa taping, napakaaga namang lumaki ng ulo ng dalagang ito. Nauubos daw ang kaniyang oras sa taping sa kare-retouch, nagrereklamo siya na antok na antok at pagod na pagod dahil sa dami ng kaniyang trabaho, pero sa halip na ilaan ang kaniyang panahon sa pagtulog sa pagitan ng kaniyang take ay retouch lang siya nang retouch ng kaniyang make-up. Kailangang bigyan ng atensiyon ni Erich Gonzales ang mga ganitong kuwento, totoo man o hindi. Hindi pa naman siya ganoon kasikat, sinuwerte lang siyang magkaroon ng magagandang proyekto. Snooky Serna – Umamin na may mental disorder siya
Inamin ni Snooky na regular siyang nakikipagkita sa kaniyang psychiatrist. Madiin din niyang sinabi na mayroon siyang psychological disorder, pero hindi iyon nangangahulugang luka-luka na siya. Lantaran din niyang inamin na niligawan siya noon ng isang aktres na kakontemporaryo niya. Niregaluhan pa siya nito ng singsing. Buong-ningning din niyang sinabi na hindi siya mahihiyang makipagrelasyon sa isang tomboy kung iyon ang hinihingi ng situwasyon. “Ayokong ikahiya ako ng mga anak ko, pero kung makakatagpo ako ng isang t-bird na mamahalin ako at rerespetuhin, why not?” sabi pa ni Snooky Serna. Kaya raw niyang harapin ang lahat ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya dahil pinatibay na siya ng panahon, pero nagiging masyado siya sensitibo kapag ang propesyonal nang aspeto ng kaniyang buhay ang kinukuwestiyon. Kailangan pa raw ba niyang maglumuhod at magpakamatay na para lang siya unawain? “Kung alam lang nila na part ng disorder ko ang pagkatakot sa tao. May mga times na naka-make-up na ako, pero binubura ko, tapos, maglalagay na naman ako. “Parang ayokong lumabas, natatakot ako sa tao, pero nakaya ko nang ayusin iyon. Mayroon lang akong magawang maliit na bagay na mali para sa kanila, naka-headline na agad ako.
Biro ng isang manunulat kay Snooky, iyon daw bang aktres na nanligaw sa kaniya noon na nagbigay ng singsing ay merong nakakabit na titulo sa ulo. May diamonds daw ba ang singsing na iniregalo nito sa kaniya? Mabilis na sagot ng napakatotoong aktres, “Naku, tama na, mumurahin na ako noon kapag nalaman niyang sinabi ko ang lihim na ito!” Sam Milby – May anak na pala Ewan kung nasukol lang namin siya o talagang iyon ang dapat niyang sabihin, pero nadulas ang dila ni Uma Khouney, noong isang araw nang maging guest namin siya sa Juicy. Matagal nang umiikot ang kuwentong may anak na si Sam Milby, ayon sa kuwento ay mismong kapatid ni Uma ang naanakan ng guwapong singer-actor, si Rose. Kilalang-kilala namin ang tubo ng dila ni Uma, hindi uso sa kaniya ang mga pagdedenay, kung ano ang totoo ay sinasabi niya mayroon man siyang masagasaan. Diretso ang aming tanong kay Uma, “Totoo bang may anak si Sam sa kapatid mong si Rose?” Ang mabilis niyang sagot, “Meron…oo, meron. Pero….” Have a comment on this article? Send us your feedback
|






Kahit saan kami magpunta ngayon ay isang tanong lang ang tinatanggap namin, kailan daw ba babalik sa Wowowee si Willie Revillame. May plano pa raw ba siyang bumalik sa kaniyang noontime show o wala na?
Nilinaw ng isang mapagkatiwalaang impormante sa amin na hindi totoong na-comatose si Nora Aunor nang magpaayos siya ng mukha sa isang magaling na klinika sa Japan.
Punumpuno ng rebelasyon ang mga binitiwang pahayag kahapon ni Snooky Serna nang siya ang gisahin sa Presscon Express ng Paparazzi. Napakatotoo ng aktres. Bawat sabihin niyang rebelasyon ay pinapalakpakan ng mga panauhing manunulat. Bibihira nga lang naman ang personalidad na hindi nahihiyang magbukas ng kaniyang damdamin at problema sa publiko.
“Napakasakit kasi. Para bang wala na akong magandang ginagawa. Para bang I’m always at fault and should be faulted palagi, ang sakit-sakit sa akin noon,” emosyonal niyang pagtatapat.