|
|
| Tuesday, 01 June 2010 00:25 | |||||
Pauleen Luna – Iniintriga ng Ampalaya Anonymous
Madalas pagkaisahan ng ilang miyembro ng tropa si Pauleen: pinariringgan siya sa Twitter, iniisnab sa shooting, at kung anu-anong paninira ang ikinakalat ng mga ito tungkol sa nananahimik lang namang young actress. Ang dahilan: lalaki. Malapit daw kasi kay Pauleen si Aljur Abrenica na dating karelasyon ng isang Rich Asuncion, nanliligaw rin daw kay Pauleen si JC Tiuseco, na dati namang boyfriend ni Maxene Magalona. Ipagpalagay na ngang ganoon, e, ano naman ang kasalanan ni Pauleen kung nakukuha niya ang atensiyon ng mga ex ng mga miyembro ng mapaklang Ampalaya Anonymous na ito? “Si Angel Locsin ang pinaka-leader ng grupo, pero hindi nakikisali sa kanila si Angel. Ang nagkakaisa lang para paringgan si Pauleen, e, sina Maxene Magalona, Bianca King, Glaiza de Castro at Bubbles Sanchez. “Sila ang tweetan nang tweetan, halatado namang si Pauleen ang pinariringgan nila, ang mga babaeng iyon talaga, akala mo mauubusan sila ng mga lalaki!” komento ng isang source namin. Kailangang tanggapin ng mga babaeng ito na kaya nakikipaglapit kay Pauleen ang mga lalaking iyon ay dahil may mga katangian ang young actress na wala sa kanila. Hindi lilipat ng iba ang mga lalaki kung nasa kanila na ang mga hinahanap ng mga ito. Kaya ano ang dapat panagutan doon ni Pauleen? Nora Aunor – Imbis na kumanta, nagkuwento na lang sa entablado sa Canada
Natuloy ang apat na shows ni Nora sa Canada noong unang linggo ng Mayo. Pero walang concert na nangyari, dahil bukod sa late na siyang umakyat sa entablado ng mga shows niya sa Toronto, Vancouver, Calgary at Edmonton ay nagkuwento lang siya. Sabi ng aming source, “Paano naman, hindi siya nag-ikot para mai-promote ang show. Sa bawat kilos niya, additional talent fee ang hinihingi niya sa producer. “Wala sa usapan ang ganoon, ka-package ng concert ang promo, kailangan niya talagang mag-ikot. Eh, si Nora pa naman iyon, kilala sa pambibitin,” paliwanag ng aming kausap. Hindi siya kumanta, hinawakan niya ang mikropono at nagkuwento lang sa audience. Wala raw kasi siyang boses. “Hindi na tinapos ng iba ang kuwento niya, nag-uwian na iyong mga nainis at nainip, wala naman kasi siyang sinasabi kundi ‘Sino sa inyo ang fans ng Guy and Pip, sino naman ang maka-Manny de Leon sa inyo?’ “Nilangaw ang show niya dito sa Canada, at huwag niyang sasabihing nagsisinungaling lang kami, dahil supported by videos itong mga kuwento ko,” inis na sabi ng aming source. Iyung venue na kumakarga nang isang libo katao ay wala pang 100 ang dumating sa Edmonton. Kulang sa 200 naman ang nanood sa kaniya sa Calgary, kumakalog-kalog ang venue dahil may kalakihan din iyon. Ang front act daw dapat sa show ay si John Rendez, pero hindi naman ito sumipot. Nakita ng ating mga kababayan si John sa casino habang nagkukuwento sa entablado si Nora Aunor. “Heto pa. Noong kausapin si Nora ng producer niya, ang tanong niya agad, may casino raw ba sa hotel na titirhan niya? Kapag wala, iyon ang hinihingi niya, hotel na may casino,” dagdag pa ng aming source. Maribel Aunor – Matalino, masinop at buwenas sa pagnenegosyo
Ayaw munang magbigay ng mga detalye ni Lala Aunor, pero may ipinadala nang dokumento sa kaniya si Nora bilang pagpapatunay na nalagay sa alanganin ang buhay nito sa Japan habang ginagawa ang operasyon. “Apektado ang quality ng boses niya, hindi na talaga tulad nang dati iyon, pagkanta pa naman ang source of livelihood niya, kaya nakakaawa si Ate Guy ngayon,” pakikisimpatiya ni Lala sa kaniyang pinsan. Makahulugan ang binitiwang pahayag ng miyembro ng dating Apat Na Sikat, “Kapag mali naman si Ate Guy, hindi namin siya kinukunsinti, pero sa mga pagkakataong nasa tama siya, nasa likod niya kami,” sinserong komento ni Lala Aunor. Isa lang ang sigurado, mauuwi sa korte ang usaping ito. Kinakausap na ngayon ng Superstar ang kaniyang mga abogado para ayusin ang isasampang asunto laban sa doktor na Hapon na umopera sa kaniya. Gusto naman naming batiin si Maribel Aunor sa panibagong tagumpay. Napasok namin ang model units ng kaniyang building, ang 153 Executive Suites sa Better Living, mura na ang halaga ay materiales fuertes pa ang pagkakagawa ng kaniyang pitong palapag na gusali. “Hindi ko ibinenta ang loteng ito kahit pa lumipat na kami sa ibang lugar dahil very sentimental ito sa akin. Dito kami nakatira noong Apat Na Sikat days. Ayokong mawala sa akin kaya pinatayuan ko ng building,” seryosong pahayag ni Lala Aunor. Si Maribel Aunor ang buhay na patotoo ng isang personalidad na sumikat nang husto noong kaniyang kapanahunan na bumaba ng entablado na marangya pa rin ang buhay dahil sa sobrang pagpapahalaga sa kaniyang mga pinagpaguran. Coco Martin – Isang deadbeat dad, walang kuwentang ama
Ayon kay Katherine, ni minsan at ni singkong duling ay hindi man lang nagsustento ang aktor sa kanilang anak, sa telebisyon lang daw siya nakikita ng bata na limang taong-gulang na ngayon. “Ang una at huli niyang pagbibigay sa akin ng pera, e, noong buntis pa ako… hindi man lang niya dinadalaw ang anak namin. “Kapag napapanood nga siya sa TV ng anak namin, nagtatanong siya, ‘Di ba, siya ang tatay ko?’ Huwag lang sanang dumating ang pagkakataon na kapag siya na ang handang humarap sa bata para sabihin niyang siya ang tatay, e, ang bata naman ang hindi kumilala sa kaniya. Willie Revillame – Ayaw pakawalan ng ABS-CBN Hindi pumayag ang ABS-CBN sa hiling ni Willie Revillame na pakawalan na siya ng istasyon. Sa halip, sa kanilang masinsinang pag-uusap ng mga ehekutibo ng network ay nagkasundo sila na magbabakasyon na lang muna nang tatlong buwan pa ang aktor-TV host. Iba-ibang personalidad muna ang hahalili sa kaniya sa Wowowee. Gusto naming sagutin ang akusasyon ng isang texter na nagsabing mali na raw si Willie ay kinakampihan pa namin. Nanakawin na namin ang kredito. Kung hindi kayang pagsabihan si Willie ng iba ay diretso namin siyang nasasabihan ng kaniyang mga tama at mali. Naitatawid namin iyon sa kaniya sa marespetong paraan na nauunawaan naman niya. Kami lang siguro ang nakapagsabi kay Willie na kailangan niyang manghingi ng dispensa sa ABS-CBN dahil sa ginawa niyang paghahamon. Ang pagkakasabi pa namin kay Willie ay ganito: Kahit bumabagyo sa labas ay hindi siya nababasa. Kahit matindi ang sikat ng araw sa labas ay hindi siya nasusunog. At iyon ay dahil may bubong ng ABS-CBN na kumakanlong sa kaniya. Noong sabihin namin iyon kay Willie ay pansamantala siyang hindi nakakibo. Alam naming may nasagasaan kaming kung ano sa kaniya. Pero kilalang-kilala kami ng batang ito, babagsak siya’t babangon na nandiyan lang kami sa tabi niya pero alam namin kung saan kami nakaposisyon.
Lumabas na ang daga sa kaniyang lungga! Kung dati’y nananahimik lang ang magaling na aktres-TV host na si Amy Perez tungkol sa kaniyang mga saloobin sa pinanggalingan niyang network, ngayon ay bukas na ang bibig niya sa paglilitanya kung bakit, at makatuwiran naman ang kaniyang mga dahilan. Dalawang beses siyang binalewala ng istasyon. Sa kaniyang pakiramdam ay meron din naman siyang nagawa para mas mabusog ang bank book ng ABS-CBN noong kasagsagan ng MTB, pero hindi iyon binigyang-halaga ng istasyon. Pagpapahalaga lang naman ang kaniyang punto, pero wala iyon sa bokabularyo ng network. Panahon ngayon ni Amy Perez, natumbok niya sa ulo ang pako sa pamamagitan ng kaniyang programang Face To Facesa TV5 na umaalagwa nang husto. Kris Aquino at Ai-Ai – Pinapanalo basta guwapo, kahit walang talent Napakaraming nagte-text sa amin tungkol sa Pilipinas Got Talent.Inerereklamo nila ang paraan ng paghusga nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas sa kanilang mga kalahok. Kahit daw palpak basta guwapo ay pinananalo ng magkaibigan. Sa himig ng kanilang pagpansin ay parang lumalabas na hindi parehas mag-judge sina Kris at Ai-Ai, pero hindi naman namin maopinyunan ang kanilang reklamo, dahil hindi kami regular na nakakapanood ng talent search. Gov. Vilma Santos – Malaki pa rin ang tiwala ng mga Batangueño
“Masyado nila akong pinersonal, tatlong partido ang nagsama-sama at nagkapit bisig para lang ako ilaglag, napakarumi ng politikang pinagdaanan ko, sobra talaga. “Mabuti na lang at ang ginamit na paghusga sa akin ng mga Batagueño ay ang mga nagawa ko noong aking unang termino. “Kinakausap ko sila… sinisiguro kong maayos ang kanilang situwasyon… pati ang budget, napaka-transparent ko. Wala akong itinatago sa mga constituents ko. Iyon ang ginamit nilang panukat sa akin, kaya hindi nila pinakinggan ang mga sinasabi ng mga kalaban ko,” pahayag ng Star For All Seasons. Nasa isang isla siya nang makarating sa kaniya ang balitang namatay ang pinakamahigpit niyang kalaban sa posisyon. “Wala akong masabi, nagdasal na lang ako dahil ina rin ako, meron siyang asawa at mga anak, mas nanaig sa akin ang ganoong pakiramdam. “Sabi ko kay Ralph, ‘Ano ito?’ Agad-agad, nagdesisyon ako na ihinto muna ang kampanya ko. “Pero after four days, habang nakaburol pa ang kalaban ko, nangampanya na ang misis niya. So, sabi ko nga, kung sila na mismong may pinaglalamayang patay, e, mangangampanya, might as well, ituloy ko na rin ang pag-iikot ko,” patuloy na kuwento ni Governor Vilma Santos. Isang araw bago ang mismong eleksiyon nagpunta sila ni Senador Ralph sa isang lugar at nagpahinga lang nang husto. “Pagkaboto ko, nagtulog ako, gabi na akong gumising. Ayokong manood ng news… pinatay ko ang phone ko! “Pagbukas ko ng phone at TV, nandoon na ang mga messages na nagsasabing malaki ang margin ko sa kalaban, noon ko lang nalaman,” nakangiti nang kuwento ng magandang aktres-politiko. Have a comment on this article? Send us your feedback
|




Walang maituturing na kasalanan si Pauleen Luna kundi ang pagiging maganda niya sa hidwaang namamagitan sa kanila ng mga kabataang artistang miyembro ng negang-negang grupong Ampalaya Anonymous.
Nagagalit, naiinis ang ating mga kababayang Canadians bumili ng ticket para sa concert ni Nora Aunor noong mag-show sa kanilang bansa ang Superstar.
Nakausap namin nang malaliman si Maribel Aunor sa inagurasyon ng kaniyang bagong gusali sa Doña Soledad Avenue sa Better Living, Parañaque. Ang kaniyang pinsang-buo na si Nora Aunor ang tinutukan ng aming pag-uusap. Totoo bang na-comatose sa Japan ang Superstar noong magpa-face lift ito?
Halatang-halata na matinding paglalaba ang ginagawa kay Coco Martin ng mga nagpapatakbo ng kaniyang karera. Ang pilit nilang tinatakpan ngayon ay ang matatalim na pahayag kamakailan sa Paparazzini Katherine Luna tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.
Pinakamatamis ang tagumpay na hawak ngayon ni Governor Vilma Santos-Recto kumpara sa nakaraang apat na beses niyang pagtakbo.