Showbiz Extra • Abril 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

 
Heart Evangelista
 
 
Jay R & Krista Kleiner
 
 
 
Katrina Halili & Kris Lawrence
 
 
Edgar Allan Guzman
 
 
Matt Escudero
Heart Evangelista at Daniel Matsunaga
still going strong

Pinabulaanan ni Heart Evangelista ang tsismis na break na sila ng boyfriend na si Daniel Matsunaga. Subalit inamin ni Heart na hiwalay sila at the moment dahil nasa Brazil ngayon si Daniel para sa isang operasyon na may kinalaman sa kaniyang sinus. Matagal na kasi itong di makahinga nang maayos kaya napilitang nang magpagamot. Sa Brazil nga gusto ng binata dahil maaalagaan siya doon. Close kasi sa pamilya si Daniel. Sa April 22 pa ang balik nito sa Pilipinas.

Kahit gusto mang samahan ni Heart ang boyfriend para maasikaso ito ay hindi pupuwede dahil sa serye niyang Legacy na malakas ang rating ngayon. Close na close na rin siya sa mga kasamahan sa nabanggit na TV series na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi. Ayaw nilang isipin na tulad ng ibang mga series ay magwawakas din ito, pero nabigyan ng extension ang Legacy kaya tuwang tuwa ang lahat ng nasa cast nito.

Tungkol pa rin sa relasyon nila ni Daniel ay sinabi ng dalaga na nagtatawagan sila habang wala ito at nagkukumustahan sa pamamagitan ng Skype. “Nasa situwasyon kami na wala na kaming masyadong ini-expect from our relationship. Kung sinasabi nilang on the rocks kami, hindi na kami nag-eeffort na patunayang hindi. But I admit I miss him a lot.”

Inamin din ni Heart na hindi pa sila okey ni Marian Rivera pero civil naman sila sa isa’t isa. Ang maganda ay ang balitang OK na sila ng nakaalitang manager na si Annabelle Rama. “Mahal ko siya, kaya lang minsan ay di maiiwasang yung pagkakagalit namin,” paliwanag niya.

Iba’t ibang intriga

Samu’t sari ang mga intriga sa iba’t ibang aktor at singer ngayon ang naglalabasan sa mga tabloid. Una ay ang pagkakasangkot ni Kris Lawrence sa pagbubuntis ni Katrina Halili. Umamin naman ang aktres na tatlong buwan na itong buntis at si Kris Lawrence nga ang ama ng nasa sinapupunan nito. Pero hinihintay kasi ng press ang pag-amin ni Kris about the issue subalit hindi pa ito nagpapahayag ng saloobin hanggang sa kasalukuyan. Pero magsasalita rin siya about the issue sa hinaharap.

Pangalawa ay ang nababalitang pag-live-in nina Edgar Allan Guzman at ang Sexbomb dancer girlfriend nito na si Johlan Veluz. Hindi kasi inamin ni Edgar ang issue. Marami humuhusga na maling desisyon ito para sa aktor dahil nakakasira raw sa diskarte ni Edgar ang pag-ibig. Napapabayaan kasi nito ang ibang commitment. Marami pa namang project ang ihihahanda ng Kapatid network sa magaling na aktor.

Si Jay R naman ay nababalita rin na hiwalay na sa sa girlfriend na si Bb. Pilipinas-International 2010 na si Krista Kleiner. Pinabubulaanan naman ito ng binata dahil siya pa nga ang tumutulong sa bagong dance album ni Krista. Nakikiusap na lang ang dalawa na huwag ng palakihin pa ang issue na namamagitan sa kanila sa kasalukuyan.

Good news naman ang pagkakapanalo ni Matt Escudero ng best actor sa EnPress Award kamakailan para sa indie movie niyang Zombading: Patayin sa Syokot si Remington. Nagtabla sila ni Edgar Allan Guzman para sa indie movie nitong Ligo Na U Lapit Na Me. Tuwang tuwa si Matt dahil tuloy-tuloy ang mga project na nagdadatingan sa kaniya. Ipapalabas na rin ang movie niyang Moron 5 and the Crying Lady na pinangungunahan din nila John Lapus bilang cyring lady sa pelikula, Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford at DJ Durano sa direksyon ni Wenn Deramas. Maganda ang feedback sa nabanggit na pelikula kaya blessing daw talaga ang mga magagandang bagay na dumarating sa kaniya sa kasalukuyan.