Showbiz Extra • Abril 16-30, 2012

Ni Issi Bartolome

 
 
Katthryn Bernardo
 
 
 Nora Aunor
PACW
Kathryn Bernardo - ang bagong primetime princess

Ipapalabas na ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya Network, The Princess and I. Marami na kasi ang nag-aabang sa pinakabagong primetime princess na si Kathryn Bernardo sa una nitong pagbibida sa nabanggit na teleserye. Matatandaang nagmarka sa mga manoonod ang unang pagbibida ni Kathryn sa remake na soap opera na Mara Clarana unang pinagbidahan ni Judy Ann Santos. Dahil dito ay inaasahang susuportahan din ng kaniyang mga tagahanga ang pinakabagong prinsesa ng primetime.

The Princess and Iay nagshoot pa sa Bhutan at talaga namang pinaghandaan at ginastusan ng ABS CBN. Makakasama ni Kathryn sa nabanggit na series ang tatlong “prinsipe” na sina Enrique Gil, Khali Ramos at Daniel Padilla.

Kabilang din sa cast ng royal teleserye na ito sina Gretchen Barretto, Dominic Ochoa, Yayo Aguila, Precious Lara Quigaman, Nina Dolino at Sharmaine Suarez.

Walang Hanggan - waging wagi sa rating

Isa pang teleserye ang pinag-uusapan kahit dito sa Winnipeg ay ang Walang Hanggan. Talaga namang sinusubaybayan ng ating mga kababayan ang bawat episode ng naturang soap opera.

Powerhouse cast kasi ang bumubuo ng drama series na ito sa pangunguna ng batikang aktor ngayon na si Coco Martin at Julia Montes. Kabituin din nila ang eternal loveteam na sina Richard Gomezat Dawn Zulueta. Waging wagi sa mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng daigdig na mahilig manood ng mga teleserye ang Walang Hanggandahil nagbibigay ito ng aliw pagkatapos ng maghapong pagtratrabaho sa araw araw.

Kasama din sa cast ng Walang Hanggansina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon at Paulo Avelino with the special participation of Eddie Gutierrez at Joel Torre.

Bagong indie movie ng Superstar - kaabang abang

Matutuloy na ang unang indie film na gagawin ni Nora Aunor sa direksyon ng batikang director na si Brillante “Dante” Mendoza. Thy Womb ang title ng pelikula at makakasama niya sina Lovi Poe, Mercedes Cabral at Bembol Rocco.

Sa Tawi-tawi ang magiging location ng movie kaya medyo kinakabahan ang Superstar dahil bukod sa pinakadulo na ito ng Mindanao ay marami pa siyang naririnig na mga balita tungkol sa nabanggit na lugar.

Ayaw magbigay ng detalye si Nora tungkol sa kuwento ng pelikula dahil baka mapagalitan daw siya ng direktor nito. Ayon sa Superstar ay walang script ang magiging sistema nila sa shooting kaya mismong siya ang nagsuggest na sa shooting na lang mismo iisipin ang mga dialogues para maging makatotohanan ang kanilang sasabihin. Magiging malaking challenge para sa kanilang lahat na kasali sa indie film na ito.

Summer na naman

Kung naghahanap kayo ng mapag-lilibangan ay sumali na sa Philippine Amateur Cylist Club dito sa Winnipeg. Ang layunin nito ay magbuo ng grupo na sama samang magbibike para lalong masaya at magkaroon ng bagong kaibigan. Magandang exercise din ito para sa lahat. Sa mga gustong sumali, mag e-mail lamang dito sa Pilipino Express (info@pilipino-express.com) o kaya ay tumawag sa telepone number 204-952-5940 at hanapin si Neil Soliven. Sali na at sama-samang mag-enjoy ngayong tag-init.