Published on

 
 
Daiana Menezes
 
 
Marian Rivera at Dingdong Dantes
 
 
Kim Chiu

Showbiz Extra • Mayo 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

Daiana Menezes – Umalis na sa Eat Bulaga

Umalis na sa Eat Bulaga ang brazilian model /tv host na si Daiana Menezes. Career move ang naging dahilan ng dalaga sa kaniyang desisyon na magpaalam na sa number one noontime TV show ng bansa, ang Eat Bulaga.

Sinabi rin niya na walang naging problema sa pagitan nila ng GMA Management at very thankful siya sa tiwala na ipinagkaloob sa kaniya ng nabanggit na kapuso network.

“I’ve been doing the show for other networks but I’m not exclusive with any one of them. Of course, It’s a big issue when you say you left Eat Bulaga. I have very high respect for them” kuwento pa ni Daiana.

Sinabi rin ng TV host na never siyang naburn-out sa nabanggit na show at wala talagang problema sa kanila. Sa kasalukuyan ay host siya ng isang fashion show ng Crimson clothes sa isang bar sa Metro Manila.

Marian at Dingdong – Gusto nang magka-baby?

Sa presscon ng bagong dramedy ni Marian Rivera sa GMA network na Twees for My Sweet ay marami ang nagtanong kung totoong nagdadalantao na raw ba ang dalaga. May mga kumakalat kasing kuwento na buntis daw si Marian. Paulit-ulit namang pinabulaanan ng magandang aktres ang tsismis at pinakita pa nito sa press ang fit na fit na belly sa white dress na suot nito.

Sa text messages kasi ni Dingdong ay may nababanggit pa itong “how I wish” na binigyan kahulugan ng marami na gusto na nga nitong magka-baby. Sinabi naman ni Marian na kung magyayari man iyon ay talagang sasabihin niya sa lahat. Pero sa ngayon ay busy talaga sila ng kasintahan sa napakaraming project na gagawin this year. Si Dingdong ay may pelikula ring gagawin na pagsasamahan nila nina Angel Locsin at Angelica Panganiban.

Tungkol naman sa naging isyu nila ni Katrina Halili ay isang simpleng sagot lang ang naibigay ni Marian, tapos na tapos na raw iyon. Sa pagwawakas nga ng My Beloved ay may mga eksena pa sila na magkasama at inamin din niya na naging masaya sila sa taping ng nagwakas ng teleserye.

Kim Chiu turns 23

Nagcelebrate na ng ika-23 kaarawan si Kim Chiu at laking pasasalamat niya sa lahat ng magagandang pangyayari sa kaniya sa kasalukuyan. Inamin ni Kim na na-starstruck siya sa Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos Recto na makakasama niya sa pelikulang ginagawa ngayon under Star Cinema, ang The Healing.

Sa interview sa kaniya sa The Buzz ay tinanong ni Charlene Gonzales ang tatlong lalaking na-link sa kaniya noon at ngayon at makahulugan ang nagging tugon ng dalaga.

Kay Gerald Anderson ay sinabi niya ay naging “long-time friend” niya ang binata. Nang usisain ni Charlene kung kailan ang kanilang huling pag-uusap nito ay, “hi, hello at bye,” lang ang naging sagot ng aktres. Nagkasama kasi sila sa Hawaii sa ginawang Star Magic tour doon ng Kapamilya Network noong nakaraang Marso. Si Enrique Gil naman na nababalitang gusto siyang ligawan ay “simpleng friend” lang ang naging tugon nito. Si Xiam Lim na sa kasalukuyan ay nababalitang nagiging masyadong malapit sa aktres dahil nagkasama sila sa katatapos lamang na teleserye nilang My Binondo Girl ay isang a “good friend” lang ang sagot nito.

Naiiyak din si Kim tuwing napag-uusapan ang kaniyang pamilya. Dahil kasi sa kanila kaya ginagawa niya ang lahat para makatulong at mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Malaking hirap din naman kasi ang pinagdaanan ng aktres bago narating ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon.