Published on

 
 
Sarah Geronimo
 
 
Rufa Mae Quinto
 
 
Charice

Showbiz Extra • Mayo 16-31, 2012

Ni Issi Bartolome

Sarah G concert, inaabangan na ng mga fans

Marami na ang nag-aabang sa birthday concert ng pop princess na si Sarah Geronimo, ang 24/ SG na gaganapin sa July 7 sa Smart Araneta.

Sensual at glamorous si Sarah sa concert na ito. “Dream concert po ito,” bulalas ni Sarah, dahil talagang pinaghahandaan nila nang matindi ang concert. May pagka-fantasy at talagang magagandang visuals ang gagamitin dito.

Tungkol naman sa lovelife ay kinamusta ng mga reporters ang kaniyang “babe” at sinabi nga ni Sarah na espesyal talaga si Gerald Anderson sa kaniya ngayon. Kahit si Gerald man ay panay magandang bagay lamang ang sinasabi sa pop pincess kapag tinatanong ito tungkol sa relasyon nila ng dalaga. Hindi man masyadong malinaw kung talagangsilanangaaymarami ang nakakapansin na kakaiba ang saya ng dalawa ngayon. Sa presscon nga para sa kaniyang concert ay sinabi niyang talagang pumupunta si Gerald sa bahay nila. Nasanay na nga rin daw ang kaniyang Mommy Divine sa pagbisi-bisita sa kaniya ng binata. Pero nabanggit din ni Sarah na ayaw nilang madaliin ang kung anuman ang mayroon sila ngayon. Inamin niya na hanggang ngayon ay may takot pa rin siya kapag lovelife na ang napag-uusapan. Medyo hindi kasi naging maganda ang experience niya sa nakaraang lovelife niya.

“Kasi po ang guwapo niya di ba? So ayaw kong tumingin lamang sa pisikal... and it takes time din para malaman naming talaga kung ano ang feelings namin sa isa’t isa,” bulalas pa ng blooming na popstar princess.

Rufa Mae Quinto, regular host na sa Wil Time Bigtime

It’s confirmed! Regular co-host na si Rufa Mae Quinto sa Wil Time Bigtime ng TV5. Opisyal siyang ipinakilala ni Willie Revillame noong nakaraang Lunes, May 14 sa nasabing show. Ramdam na ramdam na super excited ang lahat at masayang masaya ang mga tao sa loob ng studio. Malaking karagdagan ang kanyang presensiya sa nasabing show dahil kilalang kilala siya at siya ang tinaguriang the “sexy” comedian. Nangangahulugan ba ito na hindi na lalabas si Rufa Mae sa mga programa ng GMA7? Regular siya sa Bubble Gang, so kung hindi na natin siya mapapanood sa nasabing show, malamang na totoo nga ang tsismis. Natatandaang weeks ago, ginulat ni Rufa Mae ang kanyang mga followers sa Showbiz Central ng i-anunsiyo nito na last day na niya nung araw na iyon at magre resign na siya sa Sunday talk show ng GMA7.

Masaya ding ibinalita ni Rufa Mae na kasama ni Willie Revillame at ng buong grupo ng Wil Time Bigtime sa darating na Sabado, May 26 sa Los Angeles California, at sa June 2 sa San Francisco. Tinagurian itong “The Homecoming Tour” at ito na ang simula ng pag launch ng TV5 International sa Amerika, at soon, dito sa Canada.

New look ni Charice, di pa rin ma-gets ng Pinoy fans

Nakabalik na muli anginternational singer na si Charice sa Pilipinas. Medyo hindi yata nagustuhan ng kanyang Pinoy fans ang bagong get up ni Charice na “pards na pards”, sabi nga nila. Di nila nagustuhan ang kanyang new look, bagong tatoo sa braso at ang kanyang pagiging inglisera.

Well, kanya-kanyang pananaw yan, di natin maiaalis sa iba nating kababayan ang ganyang “puna”, dahil likas sa ating mga Pinoy ang mapagmasid. Hayaan na lang natin siya, suportahan na lang natin siya kung saan siya liligaya, di ba?