Solenn Heussaff
 
 
Angeline Quinto & Coco Martin

Showbiz Extra • Hunyo 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

Excited si Solenn Heussaff sa pagsisimula niya sa Eat Bulaga. Ayon kay Solenn ay malaking bagay ito para sa kaniya dahil madali siyang natututong mag-Tagalog.

Pero may mga nangiitriga kay Solenn na baka pagpasok niya sa basabing TV show ay matipuhan siya ni Vic Sotto na nababalitang boyfriend ni Pauleen Luna.

Sinabi ni Solenn na kaibigan niya si Pauleen kaya walang issue ng ligawan. Besides ay may boyfriend din si Solenn.

“One hundred fifty-five per cent na hindi kami maintriga ni Pauleen, walang ganun.”

Excited na rin si Solenn dahil malapit na rin ipalabas ang movie niya na Boy Pick-up, kasama si Ogie Alcasid.

Sinabi ng Fil-French actress na kakaiba ang role niya dito kaya dapat abangan.


Marami ang natuwa sa pagiging totoo at kikay ni Angeline Quinto sa presscon ng movie nito with Coco Martin, ang Born to Love You.

May mga hirit kasi siyang nakakatawa at marunong din sumakay sa biruan kaya kuwela at magaan ang kaniyang dating sa mga press na nandoon.

Inamin ni Angeline na bata pa lang siya ay pangarap na talaga niya ang maging singer. Aminado rin siya na gusto ring subukan ang acting at magbida sa teleserye baling araw.

Lagi rin silang pinagkukumpara ng Pop Princess na si Sarah Geronimo dahil bata pa lang sila ay magkakilala na at sabay pa silang sumasali sa mga singing contest. Kaya nga noong nanalo siya sa Star Power ay lalong na-curious ang mga tao sa paglabanin ang dalawa kung sino talaga ang mas magaling na singer.

Hindi naman apektado si Angeline sa ganitong situwasyon at malala rin talaga ang paghanga niya sa Pop Princess.

Tungkol naman sa pag-arte ay sinabi ni Angeline na wala pa naman siyang naririnig na pintas, pero aasahan na niya iyon kapag naipalabas na ang pelikula.

Tinanong siya ng press tungkol sa kuwintas na bigay sa kaniya ni Coco at  sobra daw niyang inaalagaan ito, nakatago at di niya ginagamit. Pina-bless pa raw niya iyon sa pari. Biro lang daw iyong pumuputi ang kuwitas na bigay ng binata sa kaniya para bigyan siya ulit nito.