Special Showbiz News
Showbiz • July 16 - 31, 2010 Print E-mail
Friday, 16 July 2010 00:23

KC Concepcion – Sila na nga ba ni Piolo?

Nakikita raw sa aksiyon, kahit wala sa salita. Nabaliw ang mga fans nang tanungin ni Toni Gonzaga si Piolo Pascual kung in-love ba siya sa magandang KC Concepcion.

“Tingnan mo ko nang diretso. Kung mahal mo si KC ngumiti ka nga,” tukso ni Toni kay Piolo. Ngumiti raw si Piolo at yumuko. Ayon sa aming source, nagwala ang mga fans sa tuwa nang tila inamin ng poging aktor ang kaniyang nararamdaman para sa dalagang anak ng Megastar.

“She has made me a better man, wino-work-out mo ‘yung relationship, you wanna grow together and that’s what I’m doing” sagot ni Piolo.

Hindi na nagpaliwanag pa ang aktor.

Marami kasing nagtataka kung bakit daw hindi pa ipagsigawan ni Piolo Pascual sa buong mundo na mahal nga niya si KC Concepcion. Yes or no lang ang hinihinging tugon ni Toni kay Piolo, hindi talaga makasagot ang aktor. Pangiti-ngiti lang na ang tanging nasambit, “Kung sasabihin ko ‘yon, mas gusto kong sabihin sa kaniya kaysa sa harap ng maraming tao.”

Hindi tuloy maiwasang may mga magtanong kung gaano ba talaga ka-sincere sa kaniyang hangarin si Piolo para kay KC. Si Toni rin, nausisa ang aktor kung paano nga ba ia-assure ng binata na aalagaan ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.

Mariel Rodriguez – Nakikipag-date na kay Robin Padilla

Kinumpirma na ng magandang Wowowee co-host na si Mariel Rodriguez ang kaniyang pakikipag-date sa guwapong action star na si Robin Padilla. Sa isang interview noong thanksgiving party para sa horror movie na Cinco, inamin ni Mariel na totoong magkasama sila ni Binoy sa Rockuwell Mall sa Makati City.

“Opo, nanood po kami ng sine, iyon pong Knight and Day ni Tom Cruise at Camayroon Diaz,” pahayag ng dalaga.

Itinanggi naman niya nang tinanong siya kung may relasyon na silang dalawa, “Wala po, we are just getting together.”

Pinabulaanan din ni Mariel ang usap-usapang natutulog na si Binoy sa kaniyang condo unit. Hindi raw gagawin iyon ni Binoy dahil isa itong “gentleman.”

Lalong hindi rin daw totoo na inihahatid siya ng action star sa

trabaho. Kumalat ang usapan nang

bukod sa may mga nakakita sa kanilang sweet na sweet sa Rockuwell Mall, ay nagsalita sa mga reporters ang mismomg anak ni Binoy noong tanungin kung may alam siya sa relasyon ng kaniyang ama at ni Mariel.

“Siguro po, hindi ko alam.. kasi ever since nagkakilala sila ay halos hindi po siya umuuwi.. hindi ko po alam kung nasaan siya. Siguro po nagda-date,” pahayag ni Queenie, ang 19 na taong gulang na anak ni Binoy.

Malapit nang mapanood ng mga fans si Robin at Mariel sa kanilang bagong comedy show, Palibhasa Sikat.

Si Mariel ay nakipag-break na sa aktor na si Zanjoe Marudo. Ang relasyon naman ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco ay nagwakas na dalawang taon na ang nakakaraan nang sila’y magdiborsyo.

Walang masama.

Robin Padilla – Tumanggi sa offer na mag-host ng Wowowee

Malungkot ang mga fans ni Binoy dahil isinarado na ng guwapong action star ang pintuan nang pormal na sabihin nito sa network na hindi niya matatanggap ang offer na siya ang maging regular host ng Wowowee.

Ayon kay Betchay Vidanes, ang manager ni Robin Padilla, “Mr. Robin Padilla formally notified ABS-CBN of his decision to decline the network’s earlier offer for him to host its Wowowee noontime show. Mr. Padilla cited his values and beliefs as the reason for his decision.”

Sa totoo lang, kapansin- pansin daw ang pagtaas ng rating ng Wowowee noon gang action star ang naging host nito.

Tigas naman ang tanggi ng network na babalik na si Willie Revillame sa programa pagkatapos ng pahinga nito mula sa pagho-host.

“Ang mga lumalabas na bali-balita tungkol kay Willie Revillame at sa Wowowee ay mga espekulasyon. Nag-usap na ang ABS-CBN management at si Willie kung ano ang options o mga posibleng gagawin pagkatapos ng kaniyang break.

“Wala pang napagkakasun- duan ang ABS-CBN at si Willie. Kung mayroon mang pagbaba- gong magaganap, ito’y opisyal na ipahahayag ng ABS-CBN sa takdang panahon,” sabi ni Bong Osorio, ang head ng ABS-CBN Corporate Communications.

Ayan.

Charice – Hindi totoo na $100,000 per show na ang talent fee

 

Hindi raw totoo na kalahating milyong piso na ang talent fee per show ng mahusay na mang- aawit na si Charice. Ayon sa kampo ng singing sensation at mula mismo sa kaniyang ina na si Raquel, wala raw katotohanan ang nabalita sa isang tabloid na $100,000 per show ang talent fee ni Charice ngayon.

Naireport sa Paparazzi noong July 12 ang sinabi ni Anna Puno, isang concert producer, na $100,000 ang presyong sinabi sa kaniya ni Grace Mendoza, ang local manager ni Charice.

Gusto sana ni Anna na kunin si Charice para sa kaniyang show abroad subalit dahil sa taas ng talent fee ay inabandona na ni Anna ang balak.

“Di naman po siguro maganda na ilabas ni Anna Puno ang ganitong walang katotohanang impormasyon. At hindi rin po nanggaling kay Grace ang ganitong usapan. Sana po makarating kay Anna Puno ang ganitong impormasyon na hindi dapat ilabas dahil walang katotohanan. Salamat po,” sabi ni Raquel Pempengco.

Nasa U.S. si Charice at kaniyang mommy.

Mahusay ang takbo ng career ni Charice. Ayon sa aming source, apat na U.S. magazine ang magpi-feature sa kaniya matapos mabalita na kasama si Charice sa second season ng popular na TV musical na Glee. Ininterbyu din siya sa Rolling Stone, US Magazine at Seventeen.

Balik-Asia ang teen-age singer sa July 24 dahil iyon ang simula ng kaniyang Asian tour at magiging guest siya muli sa Star King, ang Korean TV show na nagpasikat sa teen-ager.

Pero babalik siya sa U.S. para naman sa taping ng Glee sa July 29.

Oyo Sotto at Kristine Hermosa – Magpapakasal na

 

Namanhikan na ang pamilya ni Oyo Sotto upang hingin ang kamay ng kaniyang long-time girl friend na si Kristine Hermosa.

Inamin na ng beteranang aktres at ina ni Oyo na si Dina Bonnevie na malapit na ang kasalan. Wala pa siyang maibigay na detalye kung kailan at kung saan. “Namanhikan kami sa family

ni Kristine sa Canada. I met Kristine’s stepdad. He’s a very nice guy. Then nakilala ko din ang kapatid, then ‘yung mom niya.

“Sa akin ang masasabi ko lang if you need my help, nandito ako. We have a very, very close relationship. Everybody wishes them well and we are waiting for that day na mag-iisang dibdib na sila. So ‘yun we wish the best for both of them.

“Hindi naman ako tumutol kahit kailan. Ang mahal ng anak ko ay mahal ko din. Wala naman akong kailangang i-advise kasi they are so much with the Lord. Pati ang mga seminars, iyong mga marriage weekend, iyong mga seminars, they’ve done all of that,” pahayag ni Dina.

Nabalita na noong Marso ay nagpakasal na si Oyo at Kristine. Nagkakilala ang dalawa sa set ng Enteng Kabisote. Maraming ispekulasyon at tsismis na kumalat dahil kahit para silang laging magkadikit ay walang umamin sa relasyon noon.

Tapos na ang relasyon ni Kristine sa dating asawang si Diether Ocampo. Naging magaka-partner naman si Oyo at si Kristine sa TV project na Precious Heart Romances Quickilig: Lumang Piso Para sa Puso.

Jiro Manio – Totoong may anak na si Magnifico

 

Ang child wonder na sumikat at maraming pina-iyak sa kaniyang makabagbag-damdaming pag- arte sa pelikulang Magnifico ay umamin na. Hindi na bata si Jiro Manio, 18 taong gulang na siya nitong nakaraang May 8.

Nagulat ang mga fans ni Jiro nang bigla na lang nag-pull out ang binata sa kaniyang mga projects. Subalit dahil nga sa 18 taong gulang na siya, nagdesisyon si Jiro na aminin na sa publiko na totoong siya ay may 2-year-old na anak sa kaniyang karelasyong si Lea.

Humingi din siya ng dispensa sa network dahil sa bigla niyang pag-alis noon at sinabing iyon ay dahil sa aburido siya sa dami ng problema – trabaho, pag-aaral at pamilya. Alam na pala ito ng management ng Star Magic subalit binawalan siyang ibulgar ito dahil baka makasira sa kaniyang career.

Sa ngayon ay balik na si Jiro at ang mahusay na director na si Maryo delos Reyes ang mag-aalaga ng kaniyang career. Maraming nakalinya para sa magaling na batang aktor. Abangan natin ang mga iyon.

Kung nais n’yo ng hot na hot na showbiz chika, mga blind items, panoorin ang Juicy tuwing Lunes hanggang Biyernas at Paparazzi tuwing Linggo, at iba pang shows ng TV5 sa www.pinoychannel.tv.

Have a comment on this article? Send us your feedback

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 2 of 16