
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Ang pag-asa ng current PC provincial government ay nakasalalay sa ikatlong political party na maaaring makakuha ng karagdagang boto sa September 20 Manitoba election. Maaaring mangyari kung magkakahigpitan ang labanan ng PC at NDP.
Marahil ang resulta ng provincial election fever sa Manitoba ay malalaman na kung alin sa political parties ang suwerte at malas. Nabalitang ang Premier umano ay may plan to privatized the MPI, according to the NDP leader.Mula sa Ottawa, nabalita na sanhi umano sa patuloy na lumalaking suporta sa Green Party of Canada, hindi lamang daw maaaring magkaroon ng negative effect sa Liberal Party candidates, hindi lang dito sa Manitoba kundi sa iba pang mga probinsiya. Sa October 21, 2019 nakatakda ang federal elections.
Ang US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping ay nangako na mailagay sa ayos ang trade frictions nang kapuwa dumalo sa G20 summit na ginanap sa Osaka, Japan noong ika-29 ng Hunyo. Sana nga maayos na ang kasunduan sapagkat hangga’t ang dalawang superpower ay patuloy na nagpapatigasan, maraming bansa ang makakaranas ng mga problemang pangkabuhayan.
July 1st ang simula ng 18 Kongress at July 22 naman inaugural congressional sessions na kung saan ang 4th State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ay ihahayag sa joint session of Congress. Ipapaalala ng Pangulo ang kaniyang mga planong gagawin pa hanggang sa 2022 na katapusan ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo.
Patuloy na sisikaping mailagay sa ayos ang problema sa peace and order ng bansa. Magkaroon ng katatahimikan at kaunlarang pangkabuhayan ang mayoryang bilang ng taumbayan. Isa sa maraming problema ang dulot ng over populated nation na mapagkalooban ng hanap-buhay ang mayoryang bilang ng mga mamamayan.
Gayon din ang tungkol sa anti-illegal drug campaign. Maraming kusang nagsisuko at rehabilitated subalit nang makalaya ay balik din sa hanap-buhay na “kapit sa patalim.” Maraming nakakatapos ng pag-aaral na nakahandang magkaroon ng hanap-buhay subalit makipot pa rin ang pintuan sa pamamasukan. Ang karaniwang sulusyon ay mangibang bayan. Mapabilang sa maraming OFWs na nagdudulot din ng mga problema ng gobyerno.
Ang pangunahing hangarin ng pangulong Duterte ngayon ay nabalitang hindi na raw tungkol sa federal form of government. Sa halip ang kapalit ay pagpapatibay ng bagong konsitution. Ang mayoryang bilang ng mga kagawad ng dalawang kapulungan ng kongreso ay supporter ng Pangulong Duterte. Gayunman, nabalitang ang Senate President Pro Tempore, Ralph Recto ay against to change the current constitution.
Noong ika-8 ng Hulyo, nabalita naman na sinabi daw ng pangulo na ang military ay baka mag-coup d’etat dahil sa problema ng corruption, illegal drug, terrorism at patuloy na rebellion. Sa totoo lang, ang gobyernong Duterte ngayon ay waring isang barko na nasa gitna ng dagat na may malalaking alon. Gayunman, sa kabila ng umiiral na maduming politika, matatag pa rin ang kaniyang sasakyan kaya waring kalmado ang paglalakbay.
Ang kailangan din naman ay ibayong ingat. Kung baga sa tao, ang kapabayaan sa sarili ay maaaring magdulot ng sakit at malamang ay cancer ang maging produkto ng misguided democracy. Dapat din namang alalahaning malaking sunog ay nagmumula sa maliit na apoy.
Ang UN convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ay kinikilala ba ng US? Kung ilang pangulo na nila ang naghahangad na ang nabanggit na batas ay napagtibay subalit hindi makalusot sa US Senate. Ang Kalayaan Group of Island na fishing ground ay inaangkin ng Piipinas, China, Vietnam, Malaysia at Taiwan. Marahil ang interest ng bawa’t isa sa kanila ay hindi dahil sa isda, kundi ang kayamanang nasa lupa sa ilalim ng dagat.
Nabalita nanam umano, na ang DFA Secretary Teodoro Locsin ay nanawagan sa China na mag-ingat sa hangaring makapagtatag ng new territory. Tungkol naman sa diplomatic passport issue, sinabi ng kalihim sa mga nagrereklamo na magharap na lang sila ng kaso sa hukuman. Grandstanding nga ba lang ‘yon? Kasi nga kahit sino mang nasa government service and also retired official ay papayagan mapagkalooban na special passport, basta magharap sila ng request.
Sa makapal na ulap at dilim, karaniwang ang kasunod ay liwanag.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.