
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Patuloy ang 18th session ng Manitoba Legislative Assembly na sinimulan noong September 30 ng PC na mayoryang political party. May 26 members na pinamunuan ngayon ni Brian Pallister as Premier. Nakapaglatag na rin ng shadow cabinet ang minoryang NDP political party na pinamunuan ni Wab Kinew
Naging mainit ang labanan sa nakaraang federal election noong ika-21 ng October sa pagitan ng Liberal at Conservative parties. Bagaman ang naging resulta ay LP minority government, subalit si Mr. Justin Trudeau pa rin ang Prime Minister. Marahil siya ay magkakaroon ng mga bagong pamamaraan sa pamamahala. Magkaroon kaya ng papel ang NDP na naging kaagaw din ng LP sa boto nang nakaraang national election?
Ano kaya ang magiging bagong papel ng Canada sa kabuhayan ng mga mamamayan at tungkol pa rin sa global security ng mga bansa. Pangunahin pa rin ang tungkol sa North American Free Trade Agreement, (NAFTA) ng Canada, US and Mexico.
Sa US naman ay mainit na rin ang kampanya for the November 5, 2020 presidential elections. Ang Democrats na hawak ang lower house of congress ay nagbabalak na kasuhan ng impeachment ang Pangulong Donald Trump. Ang Republican US senator Lindsey Graham ay nagsabing haharangin nila sa senado ang plano na ayon sa kaniya ay un-American action.
Ang trade war sa pagitan ng Washington at Beijing ay maaaring patuloy na magkakaroon ng negative effect sa mga developing countries. Ang scenario sa pag-uusap ng US at China ay nananatiling off and on.
Patuloy ang usapan tungkol sa hazing issues na nangyayari sa Philippine Military Academy at anti-illegal drug campaign na umano’y may mga opisyal ng polisya na nasasangkot. May balita rin tungkol sa hinahangad ng pangulong Duterte na planong maamyendahan ang 1987 revolutionary constitution.
Kailangan pa bang magpatuloy ang hazing sa PMA at sa mga kolehiyo at pamantasan? Napagtibay na ang budget ng gobyerno para sa susunod na taon. Gayunman, batay sa mga balita, may mga kontrobersiya pa rin ang mga nasa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso. Natural lang naman ang hangarin ng mga nasa minorya na magpakita ng gilas. Sana ang planong amyenda sa current constitution ay mangyari.
Almost two and half years mula ngayon ay magkakaroon na naman ng presidential election. Marahil, karambola na naman ang mga political parties na may kani-kaniyang tandem for the presidential derby na sanhi ng umiiral na multi-party system. Pagkatapos ng halalan katulad ng dati, political re-grouping na naman.
Waring malapit sa katotohanan ang sinabi ni presidential spokesperson and current legal counsel Salvador Panelo na ang nangyayaring mga imbestigayon ngayon sa senado ay nagkakaroon ng political colors. Kasi nga halatang may mga naghahangad nang maging pangulo ng Pilipinas after the end of the Duterte leadership sa 2022.
Gayon din ang tungkol sa relasyon ng Pilipinas at USA na bunga ng about five day visits ng Pangulong Duterte sa Russia na ang resulta ay lalong naging matibay ang relasyon ngayon ng Maynila at Washington. Sinabi daw ni Digong na ang magandang relasyon ng dalawang bansa ay magpapatuloy. Opo naman sapagkat katugon din ‘yon ng Independent Foreign Policy ng Duterte administration. Ayaw daw ni Digong na may kagalit. Nais niyang maging kaibigan ang lahat ng mga lider sa ibang bansa. Kaiba sa nangyayring samahan ng G-7.
May dalawang US senators na nagsabing si Sen. Leila de Lima ay hindi raw dapat inaresto at kinulong. Ang dalawang US senador ay sina Partric Leany of Vermont and Dick Durbin ng Illinois. Kapuwa sila umano mga member of the Senate appropriation committee na nagkakaloob ng financial aid sa mga bansa, kabilang ang Pilipinas. Kinatigan pa ng lima pang kapuwa senador na nagbanta na ang mga Philippine officials na sangkot sa issue ay hindi raw papayagang makapasok sa US.
Natural na ang reaction ng Pilipinas ay hindi rin sila papayagang makapasok sa Pilipinas. Baka ang akala ng nabanggit na US legislators, ang Pilipinas ay sakop pa ng Amerika. Hindi ngayo’t sila ang may say about financial aid para sa mga bansang nais nilang tulungan ay matatakot na sa kanila ang mga opisyal ng current Philippine government.
Ngayon ay maraming mga bansa ang naghahangad na makipagtulungan sa Pilipinas mula nang ang Duterte administration ay magdeklara ng independent foreign policy. Nabanggit nga ng pangulong Duterte na kaibigan pa rin natin ang US. Ang Japan daw at Pilipinas ay may maayos rin daw na pakikitungo sa liderato ng Philippine president. Kumpara sa hinalinhang liderato ng Pilipinas na US lang ang paborito kaya ang akala ng mga US senador ay kolonya pa rin nila ang Pilipinas.
Marahil sanhi ng nakaraang five days at ikalawang pagbisita sa Russia ng pangulong Duterte ay hindi lang ang nabanggit na US senators ang nagtaas ng kilay. Ang US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jingpin ay waring maayos din ang kanilang political relations sa leader ng mga Filipino. Ang nakaraang second visit ng pangulong Duterte sa Moscow ay mismong si Russian President Putin ang nag-anyaya.
Ang Maynila ay nakatanggap na umano noon ng mga defense equipment mula sa Moscow. Nangako pa rin daw ang Russian president na kaniyang tutulungan si Digong sa kampanya nito in fighting terrorism and illegal drug sa Pilipinas. Nakahanda pa raw kapuwa sila na kanilang ipagpatuloy ang pagtutulungan and share their experience sa government services. About ten business agreements umano ang napagtibay na ng Pilipinas at Russia. Inanyayahan din ni Digong na mamuhunan sa Pilipinas ang mga Russian investors, hindi lang about trade but also for infrastructure projects.
Nabalita na ang NFA ay namili ng palay sa Pangasinan na ngayon ay panahon ng harvest time. Mataas ang presyo kumpara sa halagang pamimili ng mga pribadong rice trader. Malaking tulong ‘yon sa mga magsasaka. Ang Pangasinan, Iloilo at Tacurong, Cotabato ay tinagurinang mga rice granaries of the Philippines. Kung panahon din ngayon ng anihan sa Iloilo at Cotabato, dapat ang NFA ay mamili din doon ng palay sa presyong katupad ng halagang pamimili ng palay sa Pangasinan.
Bukod sa palay at mais, may mga produkto din sa kabukiran na pinag-aanihan ang mga magsasaka na hindi madaling mabulok. Halimbawa ay mani, bawang mula sa baybayin ng Cagayan River sa Ilocos region, sibuyas sa Nueva Ecija, bawang at mani na ang mga nagtatanim at nag-aani doon ng mga nabanggit na agricultural product na kailangang matulungan din ng gobyerno.
Nagsisikip nga raw ang maraming lugar sa Metro Manila sanhi sa napakaraming mga taong naninirahan. Sana ang mga nanggaling sa mga lalawigan ay magbalik na sa kanilang mga lugar na pinanggalingan. Doon maaaring maging maayos ang kanilang kabuhayan. Marami pang mga lupang maaaring panggalingan ng kanilanag magandang kinabukasan.
Noong nakaraang ika-20 ng October ay ika-75 taon na nang ang mga sundalong Amerikano at Filipno ay mag-landing sa dalampasigan ng Leyte na pinangunahan ni General Douglas MacArthur with former President Sergio Osmena and Former Senator Carlos P. Romulo na first head of the United Nations.
Ako po naman ay 11 years old noon. December 6, 1944 nang tamaan ng ligaw na bala ng naglalabang mga gerilya at rebeldeng Filipino. Hanggang ngayon ay maliwanag pa ang mga naiwang bakas ng nagdaang bala sa aking mukha at dalawang kamay. Sabi po ng mga nakasaksi ay patay na raw ako noon.
Natural sa nadapa ang magsikap na makabangon.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.