
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Pagkaraan ng matamlay na Winnipeg civic elections, ang mga provincial political parties naman ay nagsisipaghanda na para sa wala pang isang taong nakatakdang provincial at federal elections.
Ang pangunahing konsiderasyon ng mga prospective candidates for the Manitoba’s Legislative Assembly (MLA) at Members of Parliament ay kung saang ridings ang kanilang piliin.
Nabalita na ang Manitoba government ay nangangailangan ng karagdagang gastusin. Maghaharap daw ng kahilingan sa Ottawa na madagdagan ang gastusin for emergency drug treatment. Talagang kailangan.
Hindi matatawaran ang malaking pinsala sa kabuhayan na dulot ng Bagyong Rosita noong ika-2 ng November sa Mountain Provinces. Maraming nasawi, ang iba ay biktima ng landslides. Hindi kukulangin sa 5,150 ang bilang ng mga bahay na nasira. Sa agriculture ay tinatayang mga 1.8 billion pesos.
Pinasalamatan ng Pangulong Duterte ang maagap at maayos na ginawa ng Search and Rescue (SAR) at iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Ang mga pagkain na binigay sa mga mamamayan ay ready-to-eat, tulad ng mga de-latang sardinas, corn, beans at iba pang mga kauring pagkain na maaari nang makain.
Sa nalalabing tatlong taon na panunungkulan ng pangulong Duterte ay hindi rin nawawala ang pangakong mga prioridad na sisikaping matupad. Magkaroon ng peace and order at maayos na pangkabuhayan. Kabilang din ang corruption sa ibat’t ibang government offices na hinanhangad ng pangulo na mawala.
Tama po ‘yon, sapagkat napupunta sa kanila ang salaping dapat makatulong sa kabuhayan ng mga mahihirap na mayoryang bilang ng taumbayan. Iba na kasi ngayon. Kung kailan ang pera ay naging plastic, madali silang nasisilaw.
Sanhi ng 2019 mid-term elections, malaking bahagi ng panahon ang maaagaw nito sa mga nabanggit na priyoridad na nais ng pangulo. Ang mayorya at minoryang partido ay naghahalungkat na ng mga isyu na panlaban sa kinakaharap na halalan. Labasan ng kani-kaniyang baho.
Puspusan na ang mga ginagawang paghahanda ng mga political parties. For national ay candidates for senators and for local ay mga gobernador, representatives, cities and town mayors. Tradisyonal na madugo ang local elections.
Dahil sa naganap na paghaharap ng COC for the 2019 mid-term elections may mga karagdagang political parties na nadagdag. Kabilang ang Bagongbayan Political Party (BPP) na ang former Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) Rafael Alunan ng Former President Fidel V. Ramos. Sinabi ni Mr. Alunan na umaasa siyang makasama sa pagpili ng Pangulong Duterte ng mga kandidato for senator ng mayoryang partido. Mula daw nang si Digong ay mahalal na pangulo ay suportado niya ito sa lahat ng mga pagbabagong hinahangad ng Duterte administration. Lahat daw ng paninira sa kasalukuyang gobyerno ay hearsay.
Sabi ni VP Robredo na mahalaga ang resulta ng kaniyang nakaraang one-week na pagbisita sa US at Canada. From US, nagpunta daw siya sa Vancouver, British Columbia para sa oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng Philippine Angat-buhay Bicol Association. Nagbalik daw siya sa Maynila noong ika-4 ng October para sa presentasyon ng LP’s senatorial candidates.
Sa presentasyon ng walong senatorial candidates ng LP coalition party, sinabi ni Aling Leni na itama ang mali sa ginagawang paghahalal ng mga opisyal ng kasalukuyang gobyerno.
Pansamantalang nawala sa scenario ang pangako ng pangulong DU30 na mapalitan ng federal form of government ang kasalukuyang umiiral na sistema. Pagkaraan ng 2019 elections malamang na lumutang na muli sapagkat kabilang ‘yon sa mga pinangako ng pangulo. Federal presidential ang umano’y planong mapairal sa Pilipinas na kaparis ng sa US.
Gayunman, Waring masalimuot ang pagdadaanan. Mawawala ba ang political dynasty? Paano makakahabol sa maunlad na estado ang mga lugar na hindi gaanong matatag ang kabuhayan. Hindi maaaring pamarisan ang lahat ng mga ginagawa sa US tulad ng legalization ng droga. Possible na semi-federal ang maging resulta.
Sinabi ng bagong Commissioner Rey Leonardo Guererro na aalamin niya kung bakit nakakalusot sa BoC ang mga kontrabando. Pinaliwanag na ang pagtatalaga ng AFP na inutos ng pangulo ay magiging katulong lamang para sa maayos na pamamahala ng kaniyang ahensiya. Gayunman, giniit ng mga nasa opposition, lead by the LP’s coalition party na kailangang imbestigahan si former commissioner Isidro Lapena sa kaniyang naging pamamahala sa BoC.
Nakiusap naman ang pangulo sa mga kagawad ng kongreso na sana ay huwag nilang insultuhin ang mga opisyal ng gobyerno na kanilang hiniling na maging resource persons. Sina Senate President Vicente Sotto at Senador Ping Lacson ay nakiisa naman sa pakiusap ng pangulo sa mga Senador. Hindi nga dapat maulit ang ginawang panghihiya kay former AFP Gen. Chief of Staff Angelo Reyes nina Senador Trillanes at Jinggoy Estrada.
Noong unang araw ng November, sinabi ng pangulo na maaaring totoo ang puna ng mga ayaw sa kaniya na militarization of government. Kasi, hindi raw niya papayagang magpatuloy ang corruption sa BoC na nakakalusot ang mga illegal drug. Ang tauhan ng AFP ay makakatulong sa pagbabantay para maiwasan ang nangyayaring mga palusot.
Likas ang labanan sa buhay ng mga tao at ng mga nasa kagubatan at karagatan.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.