Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoEnero 1 – 15, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Kung hindi naging maayos ang buhay ng sinuman sa panahon ng lumang taon, ngayon ang pagbabago ay may pagkakataon.


Nabalitang patuloy ang nangyayaring iba’t ibang uri ng karahasan dito sa Winnipeg, MB. Ang karaniwang biktima ay mga kababaihan. Nangyayari umano sa panahon nang malapit na sa kailaliman ng gabi. Karaniwang nagaganap sa mga lugar na paradahan ng transit bus. Ang isa sa maaaring solusyon sa problema ay karagdagang police patrol.


Ang problemang dulot ng methamphetamine will determine the future of the current three years of Brian Pallister’s Progressive Conservative government. Man-made din ang problema kaparis din ng sitwasyon sa Winnipeg na biktima ng gang and domestic violence, ayon sa obserbasyon ng former Canadian Foreign Minister, Lloyd Axworthy.

Pilipinas

Dahil sa pulitika, nawalan ng kahulugan ang batian ng Merry Christmas and Happy New Year sa 2019. Ang patayan ng mga politiko ay nagdulot ng luksang Bagong Taon sa mga naulila.

Ang pangulong Duterte ay patuloy sa kaniyang hangaring pagbabago. Nangyari na ang independent foreign policy na hindi nagawa ng mga nakaraang gobyerno. Isang magandang legacy sa kasaysayan ng Pilipinas sa loob ng nakalipas na 47 years. Tuloy ang kaniyang kampanya against illegal drug na nakakasira sa kinabukasan ng mga kabataang susunod na mga mamamayan ng bansa. Hanggang may droga, hindi maaaring itigil ang kampanya. Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng collateral damage.


Tungkol naman sa umano’y singit at/o palusot na karneng baboy sa budget. One practical solution ang mungkahi ni Senate President Vicente Sotto. Tanggalin na lang sa panukalang gugulin para hindi madamay ang ibang submitted na malinaw. Ipaliwanag na lang na kailangan saka pag-ukulan ng pondo, hindi sa palusot na paraan. Nabalitang sa February pa itutuloy ang pagtalakay sa panukalang pambansang badyet ng gobyerno sa 2019. Marahil sanhi sa mid-term election, malamang magkaroon ng cabinet reorganization. Ang balitang si speaker GMA ay naghahangad ngayon na maging member of official family ng pangulo ay true or false.

Sa bagay, si Gloria ay hindi lang basta economists and management expert. She is specially suitable as NEDA head, Finance and/or sa Budget-Management Departments at maging little president. Gayunman ang nabanggit na mga executive departments ay may kani-kaniya nang head.

Sinabi ni majority floor leader Rodolfo Andaya na mga apat na infrastructure project na ang halaga ay about 550 billion pesos ay binigay ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang kontratista na umano ay kapamilya.


Sinabi ng Pangulong Duterte na siya ay nasisiyahan sa kasalukuyang mga kagawad ng kaniyang gabinete. Totoo kaya? Ang road board abolition issues ay waring political ball. Pinagpapasa-pasahan. Alalahaning the president has the last say. Ang mayoryang bilang ng mamamayan ay nasanay na sa political moro-moro ng mga nasa kongreso at ehekutibo. May kani-kaniyang mga pansariling interest. Waring bale wala sa kanila ang mga naaaksayang panahon at pera na pawis at dugo ng taxpayers. May Christmas break pa sila. Hindi kaparis ng daily wage workers. Gayon din ang mga kagawad ng PNP at AFP na nangangalaga sa pagkakaroon ng katahimikan. Naalala ko tuloy ang sinabi ng ilang kritiko na kaya maraming mga opisyal sa executive department ay nagsipag harap ng kanilang pagkandidato sa 2019 elections.

Nabanggit din na ang politika ay isa nang uri ng negosyo. Malabo nang mangyari ang lumang panuntunan na ang pagpasok sa politika ay paglilingkod sa mga mamamayan para mahango sila sa kahirapan. Nakakatawa ang sinasabi ni G. Mike Enriguez ng GMA, “Pusuan ang walang bahid ng corruption.” Mayroon pa bang ganong mga kandidato ngayon?


Ang Bagong Taon ay tunay na isang pagkakataon sa pagbabago. Sana naman ang pagbabago ay makakabuti at hindi maging masama pa sa dati. Katulad ng paghahangad ng Pangulong Duterte na mabago kasalukuyang sistema ng gobyerno na mapalitan ng federal. Madaling sabihin subalit masalimuot na proseso. Kailan lang, nabalitang may sariling bersiyon na ang dalawang kapulungan ng kongreso. Ayon sa ilang kritiko ay railroaded. Malayo umano sa rekomendasyon ng mga piniling kagawad ng Constitutional Committee na tinalaga ng Pangulong Duterte. Pangunahin umano sa mungkahi ay mawala ang political dynasty. Papaano mangyayari ‘yon eh sa pinagtibay na bersiyon ng legislature ay inaalis daw ang term limit for the services of congressmen, senators and local government officials? Kung gayon, tiyak na marami pang magiging dynasty families. Malayong matanggap ‘yon ng taumbayan na magiging laman ng panukalang federal form of government.


Four months and 13 days na lang ang 2019 elections. Puspusan na ang paghahanda ng mayoryang political party, Independent at LP lead opposition parties. Gitgitan na sa 12 official senatorial candidates ang PDP-Laban ng administrasyon. Ang mga kandidato mula sa independent political party ang mahigpit nilang makakalaban. Sa LP lead opposition party naman, kung may makakalusot baka si Mar Roxas lang.

Sa lahat ng mga kandidato for national position as senator, si Christopher “Bong” Go lamang ang nabalitang may interes sa agriculture development program ng bansa. Opo, dapat lang. Napakalawak pa ang lupang taniman ng palay at mais sa Mindanao. Ang kailangan doon ay imbakan ng tubig kahit maliliit lang muna. Ang mga patubig ay kailangan sa mga lugar na taniman ng palay na ang tubig ay inaasa na lang sa ulan.


Noong ika-17 ng Disyembre, nabalitang nasa Commission on Elections (Comelec) na ang mga Election Software Systems na gagamitin sa 2019 elections. Ang nabanggit na VCM ay nakapasa na daw sa pagsusuri ng US based International Certification Company. Ang tungkol sa Smartmatic na ginamit sa nakaraang halalan since 2013 hanggang 2016 ay hindi nabanggit kung gagamitin pa rin.


Nabalitang mahigit daw 800,000 ang bilang ng taumbayan na nabigyan ng trabaho ngayon ng gobyerno. Ang higit na maraming taumbayan ang hindi mahango sa kahirapan ng buhay.


Maraming mga opisyal at kawani ng gobyerno ang nakatanggap ng kanilang 13th month pay. Subalit nagrereklamo sila, kumpara daw sa mga nasa semi-government offices na kaparis ng Social Security Services (SSS). Dapat pasensiya na lang. Higit na grabe yung extra daily allowances ng mga kongresista at senador na mula sa langis ng tinaguriang karneng baboy.


Maganda na raw ngayon ang relasyon ng Pilipinas at US kumpara sa panahon ng Digong Duterte – Barack Obama administration. Maayos daw ngayon, ayon sa US Ambassador Sung Kim, sa ilalim ng President Duterte at US President Trump. Naging matalik daw na magkaibigan ang dalawa sa kabila ng magandang relasyon ng Piipinas at China.


Nang mga sandaling hinahanda ko ang pitak na ito, naalala ko ang sinulat kong komento sa nakaraang Pilantik tungkol sa realsyon ng Duterte Administration at ng mga alagad ng Simbahang Katoliko. Ang doktrina ng separation ay nawalan ng saysay. Kawangis nga ng langis at tubig sa loob ng isang bote. Ang relasyon naman ngayon ay parang aso’t pusa.


Hinimok na muli ng pangulong Duterte ang pangkat ng Abu Sayaff na tigilan ang paglaban sa mga kawal ng gobyerno. Nabalitang marami na ang kusang sumuko. Sa peace talk naman sa mga rebeldeng NPA, waring pangulo ang sumuko.

Kasabihan

Ang kasakiman, may ganting kabayaran.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback