
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Natuklasan daw ng mga tauhan ng Winnipeg police na may mga bawal na drug ang mga kotseng nakaw. Ang balitang nanggaling sa MPI ay hindi katakataka.
Nabalitang sinabi ni Premier Brian Pallister na nais niyang magkaroon ng snap election dito sa Manitoba sa halip na sundin ang takdang petsa sa October 6, 2020. Kung totoo, bakit siya nagmamadali? Ang federal elections ay nakatakda sa October 21, 2019. Sana ipaliwanag ng Premier kung ano ang motibo.
Gayunman, hanggang sa mga sandaling hinahanda ko ang pitak na ito, wala namang nababalitang reactions from the NDP, Liberal and Independent political parties sa panukalang snap election ng Manitoba’s Premier. Ang two elections sa 2019 ay malamang na hindi nais mangyari ng mga botante ng probinsiya.
Noong nakaraang mga huling linggo ng 2018, ang nangyari sa US government ay waring close-open na laro ng mga bata. Produkto ‘yon ng US lower and upper house tungkol sa US-Mexico border wall. Nabalitang ang opposition Democrats sa mababang kapulungan ng kongreso ay nagsisikap para magwakas ang shutdown ng gobyerno.
Sa 2022 pa nakatakda ang US presidential elections. Subalit noong huling araw ng 2018, ang 69 years old senator of Massachusetts, Elizabeth Warren ang kauna-unahang nagsabing siya ay interesado sa pagkandidato for US president.
Nakahanda na raw ang DU30 government sa mga priority project for 2019. Sinabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III, head ng Duterte’s economic team, na agriculture sector ang pangunahing tututukan ngayon ng Duterte administrasyon. Opo naman dahil kung baga sa tao, bed riden na ito mula pa noong about 40 years ago. Gayunman, madaling sabihin subalit baka manatiling drawing.
Lumiit ang larangan ng mga lupang taniman ng palay at mais dahil ginawang taniman ng subdivisions. Kailangang unahin ang pagbubukas ng mga karagdagang taniman na kapalit ng mga nawalang taniman. Kasabay nito ang pagpapagawa ng kahit na maliliit munang imbakan ng tubig at patubig na daluyan, with feeder road sa gilid. Karamihan sa mga taniman ng palay ngayon, ang tubig ay inaasa na lang sa ulan. Ang inaaning palay naman ay mahirap ang pinagdaanan.
Pangunahing kailangan din ng mga magsasaka ang financial support ng mga bangko. Dapat ayusin ang kasalukuyang umiiral na banking system. Without fertilizers and insecticides, tiyak na sayang ang tubig at ginagastos, malamang walang aanihin.
Ang fishery industry ay mapagkukunan din ng kabuhayan sa mga rural na lugar ng bansa. Tulad ng mga palaisdaan. Mapagkunan din isda at mga sari-saring uri ng lamang-dagat na pagkain hindi lamang mula sa karagatan. Magastos pa nga dahil kailangan pa ng mga bangka at barko na gamit sa pamamalakaya.
Ang planong pagtutuk ng gobyerno sa agricultural development ay talagang dapat maging priyoridad. Gayunman, waring malabong mangyari sa loob ng three-years na nalalabing termino ng pangulong Duterte. Paano makakayanan kung kaparis ngayon na recycled budyet lang ang nagagamit ng gobyerno. Sana mapagtibay na ang 2019 General Appropriations Act (GAA) ng gobyerno.
Sa 2020 naman, ihahanda ang 2021 GAA. That is another year of reorganization by various political parties na panahon nang paghahanda for the mid-year of 2022 presidential, national and local election. Ang nabanggit na political derby ay nakatakda about the mid-year, which is the second Monday of May 2022.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang 1947 Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika, also the 1999 Visiting Forces Agreement and Enhanced Defense Cooperation Agreement noong 2014 ay dapat nang muling pag-usapan. Opo naman, dahil sa independent foreign policy ng Duterte government, hindi dapat na US lamang.
Lahat ng bansa ay kailangang maging kaibigan ng Pilipinas. Ang partisan ay hindi makakabuti sa kalagayan ng bansa. Maganda na ang relasyon ng Pilipinas at China. Baka ang mangyari ay maging masama pa sa dati. Ang mga Filipino ay baka masangkot na naman sa gulo ng mga bansang naghari-harian.
Noon din, nangyari at alam ni Defense Secretary Lorenzana na mataas ang katungkulan sa AFP noon nang ang China ay nakapagtatag ng man-made islands sa South China Sea, pati sa lugar na malapit sa Zambales. Nabalitang ang mga lupang ginawang pantambak ay sa Zambales din daw nanggaling.
Pinaghahandaan na ng Commission on Election (Comelec) ang 2019 mid-term national and local electons. Gitgitan sa mayoryang polical party ang mga kandidato for senators na 12 lang ang kailangan. Ang malalaglag naman ay malamang magmula sa Partido ng Masang Pilipino (PMP), Nationalist Party (NP), at Independent. Panahon na ngayon na ang Pangulong Duterte ay magtatag ng kaniyang Coalition of his majority political party.
Ang Waterloo scenario sa kinakaharap na election ay nasa local candidates. Marami ang nakakalat na killer weapons. Ang pera ng mga politiko ay nagagamit na pabuya sa kanilang mga hired killers na kaparis ng nangyayari na ngyayon. In short, magulong eleksiyon.
Patuloy ang kampanya ng gobyernong Duterte tungkol sa illegal drug. Malaon nang inamin ng pangulo na walang katiyakan na ang problema ay magkakaroon ng total positive solution hanggang sa katapusan ng kaniyang termino. Kasi nga, hangga’t may pinanggagalingan at kapit sa patalim na hanap-buhay, ang drug problem ay malayong magkaroon ng ganap na sulusyon.
The results of 2019 elections will determine the future of the Duterte administration until 2022. Nangyari ba ang lahat ng mga hinahangad na pagbababago ng pangulo? Pang-unahin sa nakikita kong mga isyu ay tungkol sa pangkabuhayan, territorial sovereignty at federalism. Ang corruption sa independent institutions, kaparis ng judiciary at legislature ay hindi sakop ng pangulo.
Mismong ang Supreme Court CJ Lucas Bersamin ang nagpatunay sa katiwaliang nangyayari sa judiciary na kaniyang tututukan. Uunahin daw niya mismo sa Abra na kaniyang home town. Kapag may-pera ang kaso ay madali raw natatapos kumpara sa mga mahihirap. Kasama sa paglilinis ng judiciary ang mga tiwaling tauhan nito. Sa Comelec ba ay walang corruption? Nasaan na ngayon si Andres Bautista?
Halos one year more or less na lamang ang panunungkulan CJ. Dahil sa batas na age 70 mandatory retirement ni CJ Bersmin sa October 2019, about 5 months after the 2019 May 13 mid-term elections. Dapat lang na linisin ni CJ Bersamin ang judiciary na magiging isa sa kaniyang magandang legacy.
Nabalita na ang inflation rate ng gobyerno noong huling tatlong buwan nang 2018 na 5.1 ay pinakamababa since 2008. Samakatuwid ang mga ekonomista ng gobyernong Duterte ay naging matipid sa pagpapalabas ng pambansang gastusin. Nakakabuti ‘yon sa kabuhayan ng maraming bilang ng taumbayan.
Pagkaraan ng 2019 elections, malamang na magkaroon ng revamp sa executive and both chambers of congress. Tiyak na may mga bagong mukha. Possible na malalaman din ng mga interesadong tao kung ang head ng DBM ay mananatili sa kaniyang kasalukuyang puwesto.
As opinion writer, sa aking palagay marami pang problema na kakaharapin ang pangulong Duterte hanggang 2022 na katapusan ng kaniyang termino. Marahil kabilang ang limang nasa isip ko, tulad ng mga sumusunod:
Ang liwanag ay malabo sa lalong maliwanag na lugar.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.