Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoAbril 16 – 30, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Paumanhin po sa mga sumusubaybay sa pitak na ito. Ang nakaraang pagdalaw ko po sa bayang aking sinilangan ang dahilan.


Napag-usapan na dito sa Winnipeg ang tungkol sa provincial elections. Gayunman, wala pang tiyak na araw kung kailan. Ang Manitoba premier ay nagbabalak daw na makipag-usap sa mga lider ng opposition subalit malabo pa ang takdang araw.

Gayunman, sinabi ni Winnipeg Mayor Brian Bowman na “early provincial election call would be a disservice to voters.” Ang city and province ay kailangang magtulungan muna tungkol sa infrastructure funds na kulang ng mga anim na billion dollars.


Samantala, inamin ng Ottawa na ang suporta ng federal LP sa Winnipeg ay nanghihina. Waring ang NDP at PC ay kapuwa nagpapakita ng lakas. Naghada ng karagdagang isyus na panlaban sa nakatakdang federal political derby.

Pilipinas

Halos 24 araw na lang sa 2019 mid-term national and local elections. Ang sitwasyon ngayon ay walang iniwan sa mga nakaraang magulong local elections. Hindi pa man ang simula ng takdang araw ng kampanya, marami nang buhay ang nagiging biktima. Pera at matataas na calibre ng armas ang dahilan. Karaniwang mga bayarang tao ang ginagamit ng mga magkakalabang politiko.

For local elections, ang gobyerno ay may nakalaang pondo para sa mga kinatawan ng mababang kapulungan ng kongreso. Hindi kaparis ng mga kandidato for governor at mga opisyal ng bawat bayan. Sa national, ang gobyerno ay may nakalaang gastusin din para sa mga kandidato sa mataas na kapulunagn ng kongreso. Sa ngayon, 12 seats ang kailangan. Ang mga incumbent ang mahigpit nilang makakalaban.


Nabalita noong ika-31 ng Marso na mismong si Senador Aquilino “Koko” Pimentel na pangulo na PDP-Laban ay nagsabing hindi niya mahulaan ang kinakaharap ng kaniyang political career. Abangan na lang niya ang resulta ng mid-term elections sa May 13. Tunay na masyadong mahigpit ang labanan ngayon sa senatorial derby.


Ang isa sa pangunahing dapat tutukan ng gobyernong Duterte sa loob ng nalalabing tatlong taon ay food production. Sa loob ng nakaraang halos 47 taon ay hindi naging priyoridad ng mga nakaraang administration ang pagkain ng taumbayan. Ang pagkain ng taumbayan ay inasa sa importation sa halip ng food production.


Sa nalalabing tatlong taon ng Duterte administration, malamang na kabilang pa rin sa mga balita ang mga nabanggit na problema. Kabilang ang peace and order, paglobo ng populasyon, maruming politika. Ang pagsawsaw ng mga foreign interest sa mga nangyayari sa Pilipinas ay hindi dapat patulan.

Kasabihan

Ang kasaysayan ay panapanahon.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback