Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoMayo 16 – 31, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Ngayong tag-sibol, panahon na rin ng paghahanda sa election dito sa Manitoba na nakatakda sa ika-6 ng October 2020. Ang leader ng Liberal Party sa Manitoba, Dougald Lamont ay nangakong aalisin ang subsidies at tax breaks sa gas and oil industry at ang savings ay gagamitin umano sa green programming. Sinabing muling makikipag-ugnayan sa Ottawa na pangasiwaan ang carbon pricing.

Samantala, ang premier ng Manitoba, Brian Pallister, ay waring nagparamdam ng hangaring magkaroon ng snap election. Sa isang dinner noong ika-7 ng Mayo na dinaluhan umano ng mga 800 katao na ang halaga ng pagkain ay $200 per plate, ang premier ay nangakong ipagpapatuloy ang kasaganaan ngayon ng mga mamamayan dito sa Manitoba.

Sakaling matuloy ang maagang halalan, muling magkakaharap ang tatlong dominant provincial political parties na PC, NDP, at LP. Sa national, ang mga dating member ng provincial legislature ay maaaring mag-ambisyon na kumandidatong MP. There are three requirements to be qualified to vote. 1. Canadian Citzen 2. At least 18 years old, and 3. Resident of Manitoba for at lease six months before elections.


Ano kaya ang magiging epekto ng tungkol sa sinabi ni US President Trump na umano ay papatawan ng higher tariff ang mga Chinese products na papasok sa US. Nabalitang maaaring ‘yon ay reaction sa sinabi umano ng Chinese President XI Jingpin na ang US first policy ni Trump ay pangit. Kapuwa magiging loser ang US at China kung hindi sila magkakasundo sa trade negotiations.

Pilipinas

Nakaraan na ng dalawang araw ang May 13, mid-term and local elections subalit hanggang sa huling sandali, maraming lugar ng bansa ang magulo. Tinatayang ang bilang ng mga botante ay more or less 40 million. Gayonman, mapalad na kung mga 70 per cent man lamang ay nagkaroon ng pagkakataong makaboto. Ang resulta sa local ay maaaring alam na. Mula sa provincial, cities and town officials including representatives na magiging mga bagong kagawad ng mababang kapulungan ng kongreso.

Ang resuta sa senatorial derby ay maaaring malabo pa. Hindi kaagad-agad malalaman kung mayroong mga kandidato ng minority, lead by LP at Magdalo sa senatorial na Otso Diretso ay makakasingit sa 12 seats na mismong ang mayorya naman ay siksikan sa puwesto. Nakakalamang ang mga incumbent sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso na muling mabalik sa puwesto. Tiyak na magkaroon ng re-organisation sa dalawang house of congress.

Nabalita na sinabi umano ni President Duterte na ang paniwala niya ay “Gift from God” kaya siya naging pangulo ng bansa. Hindi raw pagyayabang “na-timing lang at buti naman.” Nangako na sisikapin niyang mawala ang corruption, illegal drug trade and criminality sa Pilipinas

Sinabi ni President Duterte sa ginanap na Davao City Campaign rally noong ika-10 ng Mayo na sa lahat nang naging pangulo ng Pilipinas, si former President Ferdinand E. Marcos, Sr. lang ang may naiwang tangible legacy. Binanggit ang mga infrastructure projects na nagawa noong kaniyang panahon, kabilang ang Cultural Center of the Philippines, International Convention Center at Manila’s Light Rail Transit System. Mayroon siyang ipinakita. Ang iba puro salita, puro saway. Binanggit din na suportado niya ang senatorial bid ngayon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na anak ni former president Marcos.

Tiyak na ang resulta ng election ay magiging panuntunan ng Duterte administration hanggang sa 2022. Ang mga patakasang panloob at panlabas ng bansa ng pangulo ay malayong mabago. Pangunahin ang tungkol sa independent foreign policy. Gayon din ang tungkol sa peace and order ng bansa na will determine the future of investments sa Pilipinas.

Dahil sa nangyayaring mga karahan kung panahon nang eleksiyon, marahil kailangan na rin na maamyendahan ang 1987 constitution. Sana ang multi-party system ay mabawasan na rin na hanggang sa three dominant party na lang. Gayon din ang bilang ng mga kinatawan sa mababang kapulungan ng kongreso. Ang Local Governmant Code ay gayon din, kailangang marepaso.

Sa pangkabuhayan, pangunahin din ang mga proyekto tungkol sa karagdagang lansangan lalo na sa maraming lugar ng Mindanao. Marami pang mga lupa na maaaring pagtaniman ng mga pangunahing pagkain ng mga mamamayan tulad ng palay at mais at taniman ng gulay. Kailangan din naman ang mga karagdagang imbakan ng tubig, irrigation canals with feeder roads from farm to market. Dapat na buhayin din ang cottage industries na magkakaloob ng karagdagang hanap-buhay sa mga bayan at barangay.

Kasabihan

Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may katapusan.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback