
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Patuloy ang election fever dito sa Manitoba ngayon tag-sibol. Namumuo ang snap elections. Malamang na sa susunod na buwan, formal announcement ay maaaring mangyari at sa July maaaring maganap ang election. Ang dominant political parties na PC, NDP at Liberal ay naghahanda na para sa nabanggit na poltical exercises.
Binalita ni Premier Brian Pallister na siya at ang Prime Minister Justin Trudeau ay nakatakdang magkaroon ng emergency meeting. Tungkol daw ‘yon kung bakit ang pagkakapatibay ng isang hydro transmission line to Minnesota ay naaatraso. Hindi naman binanggit ng premier kung kailan ang kanilang pag-uusap na gaganapin sa Ottawa.
Ang trade conflicts sa US at China kung hindi magkakaroon ng angkop na sulusyon ay maaaring madamay sa hindi maayos na kalagayan ang maraming bansa. Kahit ang maunlad na at ang iba naman na still developing economies ay maaaring madamay. Ang additional tax na ipapataw ng US sa mga imported goods from China ay mismong ang mga mamamayan din ng US ang magbabayad.
Malamang na hindi maiwasan ng US mag-import sa China at iba pang mga bansa. Ang pang-export na produkto ng US ay hindi maaaring panlaban dahil sa US cost of labour. Ang US officials ay inakusahan ng China na nililigaw daw ang publiko tungkol sa on-going trade war. Sinabing malamang magbunga ng pangit na kagalagayan sa pangkabuhayan ng maraming bansa.
Ayaw daw ng mga mamamayan ng Britain ang Brexit na dahilan ng resignation ng Britain Prime Minister Theresa May na nakatakdang kumalas sa EU sa October 31. Naghahanap na ang mga botante ng bagong ihahalal na PM.
Ang resulta ng nakaraang halos three weeks nang 2019 Mid-term elections ay pulso ng mayoryang bilang ng mga bumoto sa pamumuno ng Pangulong Duterte. Magpapatuloy ang suporta sa nalalabing halos three years and six months ng Duterte administasyon hanggang sa katapusan ng termino sa 2022.
Mahina ang mga political isyu na pinuhunan ng LP lead opposition party. Tulad ng tungkol sa South China Sea. Ang Independent Foreign policies na pakikitungo ng Pilipinas sa China na minahalaga ng mga bumoto sa mga kandidato ng administrasyong Duterte. Sa katunayan nga nagitgitan ang mga kandidato sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso sa alyansa ng PDP-Laban at NPC parties.
Sa 244 na bilang ng mga kongresista ay waring wala pa sa 20 ang bilang ng mga nasa oposiyon. Sa mataas na kapulungan ng kongreso na 24 Senators ay hindi nadagdagan ang bilang dahil walang isa man mula sa Otso Deretso ang binoto. Kaya nga nanatiling only four ang opposition. Sina Frank Drilon, Francis Pangilinan, Resa Hontiveros at Leila de Lima.
Ang mayoryang bilang ng nasa mababa at mataas na mga kagawad ng kongreso ay kapanalig na ng mayoryang partido na PDP-Laban at NPC Party. Baka magkaroon ng balasahan sa dalawang kapulungan ng kongreso. Sa senado possible na manatili ang kasalukuyang pangulo. Subalit sa kapulungan ng mga kongresista waring magkakaroon ng bagong speaker.
Nabalitang may apat ang bilang ng mga nabanggit na mga nais pumalit kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo – Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Lord Allan Velasco at Pantaleon Alvarez. Sinuman sa kanila ang mapiling speaker, tiyak din na may mangyayaring balasahan sa mga kagawad ng lupon sa kapulungan ng mga kongresista.
Ang inaasam na magandang kinabukasan ng Pilipinas ngayon ay tuwirang nakaatang na sa kakayahan ng Pangulong DU30. Maraming problema na dapat malapatan ng kauukulang solusyon. Kabilang ang masungit na panahon na mahirap maiwasan. Pangunahin ang patuloy na population explosion na sa ngayon ay tinatayang 111 million. Kailangan ng pangulo ang tulong sa kaniyang hinahangad na mga pagbabago.
Pangunahin ang tungkol sa pagkain at trabaho. Pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan. Ang Peace and order situation ay hindi madaling magkaroon ng solusyon. Katulad ng anti-illegal drug campaign na kailangang ipagpatuloy. Nagiging hanap-buhay na ngayon ay kapit sa patalim. Gayon din ang tungkol sa mga armadong rebelde na may sariling adyenda.
Dapat, ang ibayong ingat ngayon ang pangulo. Bawasan ang kaniyang mga pagdalo sa mga okasyon na ginaganap sa loob at labas ng bansa. Alalahaning, mula nang siya ay maging pangulo ay marami na ang nagtangka na siya ay mapatalsik sa katungkulan. Ang inaasahang karagdagang paghihigpit at pagsiplina sa mga tiwaling government officials ay maaaring magbunga ng kapahamakan.
Samantala, nabalitang hindi kukulangin sa apat ang bilang ng mga senatorial candidates na nahaharap sa protesta. Maliwanag ang nakasaad sa 1987 Constitution. Article VI Sec 4, second paragraph, “No Senator shall serve for more than two consecutive terms. Voluntary renunciation of the office for any length of time shall not be considered as an interruption in the continuity of his service for the full term for which he was elected.” Ang nabanggit na provision ay nawala kaya sa radar ng Comelec?
Kailangang matutukan na ngayon ng gobyernong DU30 ang napabayaang food production sa loob ng nakaraang halos 47 years. Marami pang larangan na maaaring buksan na taniman ng palay at mais at iba pang kailangang pagkain. Balikan ang cottage industries, tulad ng poultry, piggery, fish ponds at embroidery, shoes-slippers, bags at iba pang kauring gawaing pantahanan.
Sukdulang pamumulitika ng mga politiko sa Pilipinas ang higit na nakakasira sa pagkakaroon ng hangad na magandang kinabukasan ang bansa. Ang sinasabing mananatiling independent ang mataas na kapulungan ng lehislatura ay hindi na bago.
Sa totoo lang, ang resulta ng 2019 mid-term elections ay nagkaloob ng kapangyarihan sa pangulong Duterte ng kapanyarihang mapagharian ang bansa. Dalawa pang pangunahing sangay ng gobyerno, kongreso at hudikatura ay kontrolado na ng pangulo hanggang 2022 na katapusan ng kaniyang termino. Hindi na kailangan pang magdeklara ng martial law ang naging taga-usig sa loob ng may anim na taon at 32 years na Davao City Mayor. Suportado na ng may mahigit 70 por siyento ng taumbayan ang kaniyang liderato.
Tulad ng kung ilang ulit ko nang nababanggit sa pitak na ito, dahil sa naganap na resulta ng 2019 mid-term elections, waring napapanahon na para mabalik ang two-party system sa paghahalal ng mga mamumuno sa bansa, mula sa pagka-pangulo with VP at mga magiging kinatawan ng dalawang kapulungan ng kongreso. Marahil ‘yon lamang ang solusyon upang maiwasan ang gitgitan na katulad ng nangyayari ngayon sa mayoryang partido. Maybe one independent political party is ok.
Kung may pagsisikap, malamang matupad ang pangarap sa buhay.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.