
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Nabalita ang tungkol sa nangyayari ngayon dito sa Winnipeg ang mahabang oras na paghihintay na nararanasan ng may mga pasyente sa mga emergency room at urgent care centre bago matingnan ng doctor. Binanggit na 2.17 hours noong March compare to the average noong April 2018 na 1.63 hours lamang.
Waring wala pa rin daw maliwanag na resulta ang naganap na meeting nina Manitoba Premier Brian Pallister at Prime Minister Justin Trudeau na ginanap sa Ottawa tungkol sa planong hydro line to Minnesota. Gayonman, ayon sa premier hindi siya makikipagusap sa PM kung hindi mahalaga.
Hindi malayong magkaroon ng recession sa US sanhi ng umiiral ngayong trade war ng US at China. Wala raw positive effect na maidudulot sa mga mamamayan, hindi lang sa nabanggit na dalawang super power. Nagtaas na ng tariff ang China sa mga pumapasok na prudukto mula US at gayon din ang mga Chinese products na pumapasok sa US. Ang negative effect ay hindi lang sa mga mamamayan ng US. Damay din ang mga maunlad na at umuunlad na ekonomiya ng mga bansa.
Nangibabaw ang Brexit Party sa ginanap na European Parliament elections na nanguna sa kilusang kumalas sa European Union (EU) sa October 31, 2019. Waring hindi naging maganda sa US ang epekto nito sa EU.
November 2020 ang US presidential elections. Dalawang Democrats ang nangunguna sa makakalaban ng Pangulong Donald Trump. Sina former VP Joe Biden at Senator Bernie Sanders ang sa ngayon ay mahigpit na makakalaban ng Pangulong Trump.
Ang US ay naghihigpit na sa immigration at citizenships services. Sarado na after July 31 ang tanggapan ng US sa Pilipinas. Hindi malayong ang nangyayari sa US ay pamarisan din dito sa Canada.
Ang larawan ng political scenario ngayon sa bansa ay maliwanag na ang mayoryang bilang ng mga mamamayan ay nakakita ng matatag na liderato sa pagkatao ng Pangulong Duterte. Kahit ang tungkol sa isyu ng basura ay pinakita ni DU30 ang kaniyang pagiging tunay na lider ng bansa. Pagkaraan ng 18 days matapos ganapin ang 2019 mid-term national and local elections, lalong naging matibay ang liderato ng pangulo.
Magpapatuloy na ang kaniyang ginagawang paglilinis sa mga opisyal ng gobyerno at ng mga nasa pribadong sector na nagsasamantala sa taumbayan. Kailangan ang kaukulang parusa sa kanilang kasalanan. Gayunman, lahat ng kaso sa mga tanggapan ng gobyerno at pribadong ahensya ay kailangan din naman na imbestigahan muna para ang parusa sa mga nagkasala ay maging balido.
Magkakasama na ang mga luma at bagong kagawad ng Upper House. Tatlong senator ang tapos na ang kanilang termino ngayong July 1st na simula ng 18th congress. Katulad nina Loren Legarda, Francis “Chiz” Escudero at Greg Honasan. May mga kahalili na silang newly elected senators. Tiyak na mabibigyan naman sila ng mga katungkulan na babakantihin ng mga tapos na ang termino.
Sa Lower House of Congress, Speaker, Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay nag-step down noong June 4. Gayunman, sinabing kaniyang patuloy na susuportahan ang pamumuno ng pangulo. Sa totoo lang, ang nagawa ni Gloria as Speaker ay hindi nagawa ng kaniyang mga sinundang namuno sa mababang kapulungan ng kongreso. Napagtibay ni Gloria ang lahat ng mga panunahing panukalang batas na kailangan ng Duterte administration.
Sa July 1st, malaman na kung sino na ang bagong speaker na kapalit ni GMA sa mababang kapulungan ng kongreso. Nabalitang may lima ang bilang ng mga naghahangad na maging bagong speaker.
Nabanggit ang mga pangalan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales. Sana ang mapipili ay tunay na may kakayahang masunod ang nais ng pangulong Duterte sa kaniyang mga hinahangad na pagbabago.
Sa upper house, ang kasalukuyang Senate President Tito Sotto ay mananatili sa hawak na puwesto. Magkakaroon din ang election for President Pro-tempore at Senate Majority leader. Sa lower and upper house ay malamang na magkakaroon ng pagbabago sa mga kagawad ng iba’t ibang lupon. Ang inaugural session ng 18th congress ay nakatakda sa July 22.
Sanhi sa nangyaring aberya sa conduct of the 2019 elections, sinabi ng pangulong Duterte na dapat nang palitan ang Venezuelan Smartmatic Vote Counting Machine (VCM) dahil maraming pumalpak. Kasi nga may mga tatlong taon na hindi nagamit at hindi naman inilagay ng Comelec sa kondisyon ang lahat ng VCM. Marami nang nakaboto, subalit naghihintay ng kapalit na VCM kaya naatraso ang proseso na nagresulta sa maraming botante ang nakapila.
Nanawagan ang pangulong Duterte sa US at China na sana ay wakasan na nila ang umiiral na trade war. Sinabing ang kanilang pagmamatigasan ay nakakasira sa mga pangkabuhayan ng maraming bansa. Ang panawagan ni President DU30 ay ginawa nang magsalita sa ika-25 International Conference na ginanap sa Tokyo noong ika-30 ng Mayo.
Noong unang araw ng Hunyo nagbabala ang US sa China tungkol sa umano ay hindi maayos na pagtrato ng China sa mga kalapit na bansa sa Asean. Sa ngayon, hindi lang trade war ang nangyayaring irigan ng Washington at Beijing. Sana manatiling word war na lang. Ang South Korea ay pinahaharian na ng tension. Kung magpapatuloy, baka daw pagmulan ng armed conflict sa rehiyon na sangkot ang Taiwan, Brunei, Malaysia at Pilipinas.
Binalita ng pangulong Duterte sa pagtitipon ng may 1,200 Filipino OFWs sa Japan na siya ay inanyayahan na muling bumisita sa South Korea na kasama ang Russian President Vladimir Putin. Noong 2018, ang pangulong DU30 ay nakapunta na rin doon at may nilagdaan na silang kasunduan ng SK leader Moon Jae-in na halagang 4.8 billion dollars trade agreement. Nag-alok din daw ang SK ng one billion dollars for Philippine infrastructure projects.
Waring ang US ay nagseselos din daw sa ginagawang pakikitungo ng Pangulong Duterte sa China at ngayon ay sa Russia naman. Binabatikos ang independent foreign policies na pinaiiral sa mamahala ng Philippine president. Naungkat tuloy ang tungkol sa Philippine military arm forces equipment na dapat daw ay sa US manggaling.
Samantala, nagbabala ang China na gagamitan ng military forces ng Beijing para ipaglaban ang kanilang karapatan sa Taiwan, kabilang ang Singapore sa South China Sea. Giniit ng China na ang Taiwan ay bahagi daw ng main land. Waring hindi naman papayagan ng US sapagkat ang South Korea ay kanilang baby mula nang ang Korea ay mahati sa North and South.
Ang 17th congress ends June 7 but will return on July 22 for the 18th Congress. Maraming mga mahalagang panukalang batas na napagtibay subalit marami rin na for economic development na kailangang masusugan para patatagin ang mga larangang pangkabuhayan ng bansa na hindi nabigyan ng mga kaukuang amyenda. Kaparis ng foreign investment Act, Public Service Act, and Retail Trade Nationalization Act.
Sinabi ni Senador Bam Aquino na ang LP ay magbabagong tatag. Opo nga madaling sabihin subalit hindi katulad ng gabi na may araw na kasunod. Nakalubog na ngayon. Malayo nang makaparis ng araw at gabi. May kalayaan ang minoryang political opposition party na magsabi ng kanilang saloobin na maaaring matanggap ng taumbayan. Ang kasikatan ngayon ng pangulong Duterte ay waring mahirap pang mapalubog kahit kasama sa Senado na sina Senador Frank Drilon, Francis Panglinan, Risa Hontiveros na ngayon ay nasa mataas na kapulungan ng Kongreso. Si former Senator Chiz Escudero na dati ay kasama nila ay wala na sa national kundi nasa local government as governor ng Sorsogon.
Ang panalo sa kandidatura ni Senador Koko Pimentel ay sinampahan ng mga petisyon sa PET na ang saligan ay labag daw sa 1987 Constitution dahil magiging third term. Nabanggit ko na ‘yon sa pitak na ito noong nakaraang isyu na baka magkaroon ng protesta sa nabanggit noon na mga pangalan na four candidates kung sila ay magwagi sa senatorial derby. Kasi nga po maliwanag na nasa Constitution. Article VI, Sec.4. Ang Head ng PET ay ang Senior Associate Supreme Court Justice Antonio Carpio. Sinabi naman ng senator-elect Koko Pimentel, hindi na raw siya magbigay ng komento tungkol sa kaniyang kaso.
Sa nakaraang selebrasyon ng ika-121 Independence Day, sinabi ng panulong Duterte na sikapin natin na ang bansa ay magkaroon ng tunay na kalayaan. Opo naman, kasi nga ang Pilipinas ay laging umaasa sa mga sa mga dayuhan. Kaya naman malaya silang nakikialam sa mga nangyayari sa bansa at hinahawakan sa leeg ang mga naging pangulo ng mga Filipno. Ang Kalayaan ng Pilipinas mula noong July 4, 1946 na kaloob ng US ay Commonwealth Form of government. Hanggang ngayon na ika-121 araw ng kalayaan ay patuloy na sinisira ng mga dayuhan. Sinasali sa gulo ng dalawang super powers. Ginagamit nila ang ilang mga media outlets, sindikato ng mga criminal and terrorists. Mula noong panahon ng former President Manuel Roxas, ang gobyernong Filipino ay hawak sa leeg ng US sa pamamagitan ng CIA, hanggang sa panahon ng Former President Elpidio Quirino 1948-1953 at former President Ramon Magsaysay 1953-1957. Sa panahon naman ni Former Diosdado Macapagal nagkaroon ng bagong Constitution na June 12 ang Araw ng Kalayaan at ang July 4 ay naging friendship Day ng US at Pilipinas.
Bihirang balita ang matapat, totoo man, marami ang dagdag.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.