
Opinions
![]() |
Tamang paggamit ng inyong automotive warranty coverage |
Bago o used na vehicle, nakabili ka na ng warranty. “Peace of mind,” sabi ng sales agent mo. Okay, fine. Kung bago ang sasakyan mo, siyempre, mayroong tinatawag na manufacturer’s warranty coverage ‘yan. However, depende sa make ng sasakyan mo, hindi lahat ng components ng sasakyan ay covered. Paano mo malalaman?
Bago mo basahin lahat ng nakasulat sa warranty certificate mo, unahin mong bisitahin ang tinatawag na “exclusions.” Karaniwan ito yung mga items na hindi mo halos mabasa o yung tinatawag na “fine print” (parang ayaw talaga ipa-basa sa liit). Dito mo malalaman na hindi pala covered ang ilang components ng iyong sasakyan. Kahit sabihin pang, “bumper-to-bumper coverage”, laging mayroong di kasali. Maging used na sasakyan ang binili mo at kinuhanan mo ng “extended warranty,”mayroon pa ring exclusions na naka-indicate sa certificate.
So, ang tanong ngayon, how can you get the best out of your warranty – manufacturer’s or extended man? Karamihan sa atin ay napapaniwala na kapag under warranty ang sasakyan, lalo na kung manufacturer’s warranty ang coverage, ito ay hindi puwedeng ipa-service sa ibang shop other than the dealer. Ito ay hindi totoo. Maaari ninyong pa-service-an ang inyong sasakyan sa ibang shop kung mga preventive maintenance services lamang din ang gagawin tulad ng oil changes, tune-up, fluid flushings. Kailangan lang mag-maintain ng record ng mga services upang kung kakailanganin na mag-show ng proof na nagme-maintain kayo ng sasakyan diligently, mayroon kayong ipapakita.
Ang katuwiran ng iba, “Eh di doon na lang sa dealer na kinuhanan para sila na ang mag-maintain ng record.” Well, choice ninyo iyon. Kung hindi ito ang first time ninyo kumuha ng sasakyan sa dealer, siguro naman mayroon na kayong sufficient na observation pag dating sa warranty issues. May mga ilang dealers na hanggang maaari ay di magdi-disclose ng diperensiya ng sasakyan kung ito ay parte ng warranty. Lalo na pag na-check nila na malapit ng matapos ang warranty. They would advise you na bumalik after a month to monitor. Yung after a month na tapos na pala ang warranty ninyo!
Karaniwan lumalabas ang mga sakit ng sasakyan matapos ang warranty period. Kaya nga, I encourage ang karamihan na magpa-general inspection ng sasakyan at least six months bago matapos ang inyong warranty coverage. Take note, mas maganda kung sa ibang shop at hindi sa dealer na kinuhanan ng sasakyan. Bakit? Unang-una, kung independent shop ang mag-iinspection, ito ay magiging objective. Ito ay sa kadahilanan na, hindi naman magbibigay ng over-rated na inspection results ang isang independent shop dahil hindi rin naman ito kikita kung sakali dahil nga naka-warranty ang inyong sasakyan. Ibigay man ninyo sa dealer o kung saan man ninyo kinuha ang sasakyan ang resulta ng inspection, hindi nila puwedeng itanggi dahil ito ay ginawa ng isang shop na walang vested interest sa saskyan. Siguraduhin lamang na ang pagdadalhan ninyong shop ay ‘yun namang reputable at makapagbibigay sa inyo ng legitimate na written recommendations na maaaring ipakita sa inyong dealer.
Sa loob ng six months may pagkakataon kayo na makapagpa-schedule ng kung anuman na kailangang gawin sa inyong sasakyan na covered ng warranty. Otherwise, kung lilipas ang inyong warranty, aabutan kayo ng mga repair costs na dapat sana ay nai-karga sa inyong warranty na inyo namang binayaran. Para sa mga extended warranty sa used cars, ganoon din, ipa-inspection din six months bago matapos ang warranty upang masapo naman ang inyong binayaran na warranty. Magbayad man kayo ng tinatawag na deductible, okay pa rin yon dahil at least hindi ninyo kailangan bayaran ang kabuuan ng repair cost. Kaya kabayan, bisitahin ang inyong warranty certificate at tingnan ang expiration date at maging ang fine print na nasasaad upang mabigyan kayo ng heads-up sa maaari ninyong i-claim.
Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.