 |
Heto na naman ang summer. Pagkakataon na naman upang makapagbiyahe at makarating sa mga magagandang tanawin dito sa Manitoba o sa ibang probinsiya ng Canada.
Pero bago ang lahat, kinakailangan na handa tayo at ang ating mga sasakyan para sa malayuang biyahe na ating pinaplano. Maige na ang sigurado kaysa mauwi sa frustration ang biyahe. Ating isa-isahin ang mga ilang tips na makatutulong bago tayo sumugod sa biyahe.
-
Siguraduhin na magkaroon ng vehicle inspection. Mas maigi na gumastos ng mga $60 to $75, kaysa magsisi sa maaaring maging problema ng sasakyan habang nasa biyahe. Huwag nating kalilimutan ang kaligtasan natin at ng mga kasama natin. Sa basic inspection ang mga brakes, pang-ilalim na components tulad ng mga ball joints, tie rods, drive shafts, sway bar links at bushings, struts at shock absorbers ay matitingnan kung nasa ayos o kailangan nang palitan para maging ligtas ang pagbibiyahe. Maging ang mga fluids, karga ng baterya, estado ng mga alternator at starter ay mache-check.
-
Siguraduhin na ang mga gulong ay ayon pa sa specification, lalo na sa malayuang paglalakbay. Tandaan na ang mga gulong ang tanging kumakapit sa kalsada kapag nagmamaneho. The day bago lumarga, siguraduhin na nasa tamang psi o pressure ang mga gulong. Huwag kalilimutan ang inyong spare tire na magiging napaka-importante kapag kayo ay na-flat sa daan. Mas magiging ideal kung magpapa-wheel alignment kayo dahil kapag di align ang mga gulong, mauupod ang inyong mga gulong nang wala sa panahon. Magiging malakas pa sa gasoline ang sasakyan dahil pigil ang takbo nito kapag wala sa alignment.
-
Siguraduhin na may mga basic tools sa inyong trunk: booster, at pang-repair ng gulong (siyempre kailangan ay alam natin kung paano gamitin ang mga tools na dala natin).
-
Magdala ng emergency kit na nilalamanan ng mga sumusunod: flash light, jumper cables o booster, gloves, tali at first aid kit.
-
Huwag kalilimutan na magdala ng extra na tubig na maaaring kailanganin sa alanganin na lugar habang bumibiyahe.
-
Kapag nakakaramdam ng pagod at pagka-antok, huwag mag-atubili na tumigil muna at magpahinga kung walang puwedeng pumalit sa pagmamaneho.
-
Kung may kasamang mga bata, siguraduhin na maraming dalang mapaglilibangan upang di maging restless ang mga ito na pagmulan ng “stressful situation” sa loob ng sasakyan.
-
Siguraduhin na ang lahat ng nakasakay ay may proper identification upang kung may mangyari man ay may pagkikilanlan sa lahat ng nakasakay. Ito ay importante lalo na kung magko-cross ng border.
Tuwing summer lamang masarap magbiyahe kaya siguraduhin natin na ito ay magiging ligtas at kaiga-igayang alalahanin na experience. Have a safe and happy trips sa lahat!
Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.
Have a comment on this article? Send us your feedback
|