Published on

    

MPI claims:

 
Deductibles at driver’s rating scale

Kapag nabangga o naisagi ang sasakyan, karaniwang naglalaro sa ating isipan ay “magbabayad kaya ako ng deductible? Bababa ba ang aking driver’s rating? Ano ang magiging impact sa aking licence at sa insurance premium ng aking sasakyan?”

Ano nga ba ang deductible? Ito ay ang bahagi ng inyong claim na hindi insured sa inyong insurance policy. Over and above sa deductible, ang MPI ang may sagot (hanggang sa limit ng iyong policy na karaniwan ay $50,000). Karaniwan kung hindi ka bumili ng mas mababang deductible, ang iyong deductible sa bawat claim mo sa iyong sasakyan ay $500.00 common sa mga private passenger vehicles. Subalit kung ikaw ay bumili ng lower deductible, ang portion mo sa claim ay mas mababa at ang sagot ng MPI ay mas malaki. Subali’t kailangan mong magbayad ng premium para sa mas mababang deductible.

Atin linawin, kapag ang iyong sasakyaan ay nasangkot sa banggaan, may mga parameters na kino-consider ang MPI upang malaman kung kailangan na magbayad kayo ng deductible at kung made-demerit ang inyong lisensya.

  1. Kung may kabanggaan, ang MPI ay magko-conduct ng investigation. Kung sino ang mapatunayang may kasalanan, siya ang magbabayad ng deductible ng nakabanggaan at ng sarili niyang deductible. Maaaring buo, 50% or 25% ng deductible depende sa assessment ng MPI.

  2. Kung “At fault,” o kaya ay walang involved na ibang party tulad halimbawa ng pagkakasayad sa mga bangketa, pagkakahulog sa ditch, pagkakabangga sa poste o pagkakasayad sa garahe. Ang mga ganitong aksidente ay may deductible at baba ng limang level sa driver’s rating scale ang rating mo. Maaapektuhan ang iyong lisensiya at pati insurance premium ng sasakyan.

  3. Kapag “hit and run” naman, dinatnan mo na ang sasakyan mo na may bangga matapos i-park sa parking area o sa kalye, ito ay may deductible subali’t hindi maapektuhan ang iyong driver’s rating scale. Bakit? Sasabihin natin na hindi ko naman kasalanan. Totoo po iyon subali’t walang ibang party na maaaring habulin ang MPI para sa repair cost including ng deductible dahil unidentifiable ang may gawa o may kasalanan. Kaya importante na malaman kung sino ang may sala.

  4. Paano naman kapag nadamage ang sasakyan mo dahil sa tinatawag na “Force Majure” o yung mga catastrophe tulad ng hail or lightning? Nakakalungkot man isipin, hindi man kasalanan ng may-ari ay kinakailangan na magbayad ng deductible. Kung man-made, tulad ng fire, ito ay subject pa rin sa deductible.

  5. Subali’t kapag ang kabanggaan ay wild life, tulad ng mga deer, moose etc., ang deductible ay waived. Hindi kailangang magbayad ng deductible.

Kung mapag-desisyunan man na ipagawa nang private ang damages, maging maalam lamang sa mga tamang proseso upang ’di maloko. Kung ang kabilang party ang may kasalanan, siguraduhin na nasa inyo ang lahat ng contact information. Kung aalukin kayo na siya ang magpapagawa, humingi ng estimate in writing. Kumuha ng second opinion na sa inyo manggagaling upang masigurado na mababalik sa condition before the accident ang inyong sasakyan. Karapatan ninyo na magdesisyon kung saan ipagagawa dahil kayo ang nabangga at naabala.

Kung baligtarin naman natin na kayo ang nasa dehadong panig at pumayag kayo na ipagawa privately, nasa desisyon pa rin ninyo. Siguraduhin lamang na matapos na magawa ang sasakyan ay papirmahin ng tinatawag na Release & Quitclaim ang kabilang panig upang di na kayo habulan na matapos ninyong ipagawa ay hahabulin pa kayo sa mga karagdagang ipapagawa. Otherwise, you are better off na mag-claim na lang sa MPI para sa mas siguradong protection. Tutal, kung di mo kasalanan, di ka naman magbabayad, entitled ka pa sa courtesy car kapag pinagawa ang sasakyan mo o kung ikaw ang may kasalanan, yung deductible lang sagot mo.

Tip lang, huwag basta tatanggap ng pera lamang sa banggaan nang hindi ninyo alam kung magkano ang aabutin ng repair. Kayo ang matatalo kapag pinagawa na ninyo ay mas higit pala sa tinanggap ninyong pera ang cost ng repair.

Para sa karagdagang information, tungkol sa ating paksa, bisitahin po ang official website ng MPI, www.mpi.mb.ca o tumawag sa 985-7000.

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

Have a comment on this article? Send us your feedback