
Opinions
![]() |
|
Stephanie Retuya |
|
![]() |
|
Serpentina cast |
|
![]() |
|
Angeline Quinto |
Ni Issi Bartolome
Isa pang pinay ang nagbigay ng karangalan sa bansa. Si Stephanie Retuya ay tinanghal na first runner up sa Asia’s Next Top Model na ginanap sa Singapore kamakailan. Kahit na mahiyain ang dalaga ay umangat pa rin ito sa naturang contest. May anak na si Stepahie pero hindi ito naging hadlang para hindi niya ituloy ang kaniyang pangarap. Ito ang kaniyang naging inspirasyon para lumaban. Noong una ay underdog siya sa competition at madalas malagay sa bottom two, pero dahil sa taglay na determinasyon na manalo ay nagtuloy-tuloy ang kaniyang tagumpay hanggang umabot sa finals. Maging ang host ng America’s Next Top Model na si Tyra Banks ay humanga nang husto kay Stephanie.
“Once you always strive to go there to make your dreams come true, it will happen” sabi niya sa mga press na kumapanayam sa kaniya pagdating sa bansa. Pinatunayan niya na kahit na mommy na siya, hindi ito balakid para magtagumpay. Babalik sa Singapore si Stephanie para ipagpatuloy ang modeling career. Pumirma kasi siya ng contract sa isang international model agency sa Singapore.
Dahil Year of the Snake ang 2013, ihahandog ng GMA ang isang fantaserye na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood. Ito ay ang Serpentina na pangungunahan ng mga bagong Kapuso artist na sina Kim Komatsu bilang Serpentina, Lexi Fernandez, Enzo Pineda at Kristopher Martin.
Si Kim ang gaganap na Serpentina o Tina na ipinanganak na may ahas na nakadikit sa kaniyang likuran. Ito ay lumalabas at pumupulupot sa kaniyang kamay kapag siya ay nakakaramdam ng panganib sa kaniyang kapaligiran. Dahil sa kaniyang kalagayan siya any kinulong sa basement at lumaki siyang may poot sa dibdib at walang alam sa mundo na kaniyang ginagalawan. Sa kaniyang paglabas ay mamumulat siya iba’t ibang pakikipagsapalaran at dito na magsisimula ang kaniyang kasaysayan. Umaasa ang Kapuso Network na tatangkilikin ito ng mga manonood na mahilig sa mga fantaserye.
Isa na namang teleserye ng kapamilya network ang patok na patok sa panlasa mga manonood. Ito ay ang Kahit Konting Pagtingin na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Sam Milby at Paulo Avelino. Mataas ang ratings ng nasabing show dahil sa simpleng story nito. Parang love triangle ang tatlo. Ang role ni Angeline Quinton na si Aurora ay hindi makapaniwala na mai-inlove sa kaniya ang dalawang binata. Simple lang naman kasi si Aurora kaya marami ang nakakarelate sa kaniya. Magaling ang acting ni Angeline dito at maganda ang timing ng kaniyang pagkokomedi. Mahusay din sina Sam Milby bilang Adam na unti-unting naiinlove kay Angeline sa nasabing teleserye. Isama pa ang isa sa mga hottest star ng ABS -CBN ngayon na si Paulo Avelino bilang Lance na magiging karibal ni Sam sa pag-ibig kay Aurora. Mataas ang ratings nito kaya sinusubaybayan talaga ang nabanggit na telesrye
Kasama din nila sina Mylene Dizon, James Blanco, John Lapus, Tommy Abuel, Joonne Gamboa at Snooky Serna.