Published on

  
Frencheska Farr
Rachelle Ann Go

 

 

  
KC Concepcion
Angel Locsin

 

 

Showbiz Extra
Disyembre 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

KC Concepcion – bagong calendar girl ng Tanduay

Si KC Concepcion ang napili ng Tanduay para sa kanilang kalendaryo for 2013. Sexy ang dating ng pictorial ni KC kaya inulan na naman ng intriga ang magandang aktres. Kahit na ilang beses na ring magpictorial nang daring sa ilang magazines ay marami pa rin ang namamangha sa mga daring pictures ng dalaga. May pahintulot naman daw ang kaniyang Megamom na si Sharon Cuneta dahil nasa hustong edad na nga naman ito. Dedma rin si KC sa mga intriga na kinukumpara sila ng isa ring calendar girl na si Georgina Wilson. Kaniya-kaniya lang naman ng opinion ang mga tao kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas sexy at malakas ang dating kaya walang problema kay KC ang ganitong intriga.

Samantala ay sobrang inenjoy ni KC ang kaniyang bakasyon sa Paris, kaya naman hindi nakaligtas sa mga reporters kung ano na ang estado ng suitor niyang French. Hanggang ngayon kasi ay nakabitin pa rin sa ere ang panliligaw nito sa dalaga. Babalik uli ng Europe ang singer-actress para ipagpatuloy ang tungkulin niya sa World Food Programme ng UNICEF.

Rachelle Ann Go at Frencheska Farr –
nasa finals ng pagpipilian sa Miss Saigon

Maraming showbiz personalities ang nag-audition para sa musical na Miss Saigon na gagawing muli sa Pilipinas. Ilan sa Kapamilya network at Kapuso network ang sumubok ay sina Angeline Quinto, Karylle Tatlonghari, Rachelle Anne Go, Frencheska Farr, Aicelle Santos, Tippy Dos Santos, Cathy Aranza, Laarni Lozada, Sitti Navarro at marami pang iba. Sa Pilipinas kasi nakakuha ng magagaling na cast ang nabanggit na musical 26 years ago sa pangunguna ni Lea Salonga at Monique Wilson. Anim ang pinalad na makapasok sa finals at kabilang nga doon sina Rachelle Ann Go at Frencheska Farr. Wala pang final decision ang mga pamunuan ng Miss Saigon kaya marami ang nag-aabang kung sino nga ba ang gaganap na Kim sa pagpapalabas ng nabanggit na musical sa susunod na taon.

Powerful cast ng One More Try

Powerful ang casting ng pelikulang One More Try na entry ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival. Sa unang pagkakataon kasi ay magsasama sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa movie sa ilalim ng direksyon ni Ruel Bayani. Si Ruel Bayani ang nagdirek ng No Other Woman na tumabo nang husto sa takilya. Sa trailer pa lang ng movie ay marami na ang nagandahan sa mga eksena ng pelikula dahil sa kakaibang twist ng story nito. Tiyak na isa ito sa aabangan at maghihit sa takilya sa darating na MMFF.