Published on

 
 
Gretchen Barretto
 
 
Gerald Anderson and Sarah Geronimo
 
 
Lovi Poe

Showbiz Extra

Marso 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

Gretchen sinisi sa naudlot na teleserye?

Pinabulaanan ni Gretchen Barretto na siya ang dahilan ng pagkaka-shelve ng teleserye na pagsasamahan sana nila nina KC Concepcion at Angelica Panganiban. Napakarami daw kasing demand ng aktres.

“That’s not true, wala akong demand at all,” sagot ng aktres nang kapanayamin ni Boy Abunda sa The Buzz.

Iniyakan nga raw ni Gretchen ang pagkaka-shelve ng Alta. Sobra raw kasing ini-embrace na niya ang naturang soap na gagawin and, in fact, nag-prepare na siya nang husto. Namili na nga siya ng wardrobe na gagamitin at nagpayat pa ang aktres para nga sa role ng nasabing teleserye.

Pinanghinayang lang ni Gretchen ang pagsasama sana nila ni Angelica Panganiban dahil gusto talaga niyang makatrabaho si Angel.

Kahit naman nawala sa kaniya ang Alta ay isang project naman ang ibinigay sa kaniya ng ABS-CBN, ang Princess and I. Gaganap siyang reyna at isa pala sa dream ni Gretchen ay ang maging Reyna.

Si Kathleen Bernardo ang makakasama ni Gretchen sa Princess and I at sa Bhutan daw sila magtataping ng nasabing teleserye.

Sarah at Gerald nadulas

“Babe” ang tawag ni Sarah Geronimo kay Gerald Anderson sa presscon para sa huling episode ng kaniyang teleseryeng Budoy na magtatappos na sa March 9 sa ABS-CBN. Iyon kasi ang tawag sa kaniya ni Sarah nang madulas ito sa yacht date nila sa isang segment sa bago nitong show, Sarah G. Live.

Sinabi ni Gerald na, as much as gusto niyang sabihin na sila na nga ng pop princess, magkaibigan lang naman sila.

“We’re friends at hindi ako nagsisinungaling sa inyo. Kumbaga, I’m very proud na friend ako ni Sarah at totoo, she does inspire me at nakilala ko siya on a different level,” sabi pa ni Gerald.

Tinukso kasi siya ng mga press na parang casual ang pagkakasabi ng “Babe” ni Sarah kay Gerald.

“Nagulat din ako pero siguro doon sa lyrics ng kanta namin ay may ‘Babe,’ eh? Siyempre, isang Sarah Geronimo tapos biglang tinawag kang ‘Babe,’ parang ‘Wow! You know, siyempre nagulat ako pero kinilig din ako,” sabi ni Gerald nang patawa.

Lovi Poe featured sa Esquire Mexico edition

Napabilang ang aktres na si Lovi Poe sa January issue ng Esquire magazine sa Mexico. Isang centrefold at dalawang pahina ang inalaan sa articulo para kay Lovi. Ang write-up ay pinamagatang “Y dios creo a … Lovi Poe: Lo que un hombre puede aprender de una mujer sexy,” na ang ibig sabihin ay “At nilikha ng diyos… Lovi Poe: kung ano ang matutuhan ng isang lalaki sa isang sexing babaeng.”

Ipinarating ni Lovi ang pasasalamat sa buong pamunuan ng Esquire Philippines dahil ito ang naging dahilan ng pagkaka-feature ng aktres sa nasabing magazine.

“I’m very thankful that I was featured in an international edition of Esquire Magazine. I feel very fortunate and blessed,” pagwawakas pa ng dalaga.