Published on

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 1-15, 2022

    Tom Carla
 
Tom Rodriguez & Carla Abellana
  Angeline Nonrev
 
Nonrev & Angeline Quinto
  Alex Gonzaga
 
Alex Gonzaga
  maine and alden
 
Maine Mendoza & Alden Richards
  janine and paulo
 
Janine Gutierrez & Paulo Avelino
  JAKE
 
Jake Zyrus
  Arjo Maine
 
Arjo Atayde & Maine Mendoza
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Gretchen Barretto
 
Gretchen Barretto
  KC Concepcion
 
KC Concepcion

Carla Abellana at Tom Rodriguez – Bakit naghiwalay?

Habang walang nagsasalita sinuman kina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay mananatiling paglalaruan ng mga Marites ang kanilang hiwalayan.

Kung anu-anong dahilan ang ikakambal sa kanilang hiwalayan, may mga lulutang na kuwento na sa gusto nila at ayaw ay pagpipistahan, sino ang napapahiya habang ganoon ang nagaganap?

Mas magandang magbigay na sila ng pahayag sa mga nagaganap sa kanilang relasyon. Talagang nakawiwindang ang pangyayari dahil napakatagal nilang naging magkarelasyon pero ilang buwan lang pagkatapos nilang magpakasal ay saka pa sila nagkani-kaniya ng landas.

Nakakapag-isip ang ganoong senaryo, nagpakasal lang ba sila para maghiwalay pagkatapos, ano ang mga dahilan at nagkaganyan ang kanilang relasyon?

Pati ang kuwento ng dati nilang seryeng My Husband’s Lover ay nauungkat. May mga naglalagay sa pangalan ni Tom sa alanganing sitwasyon. Mukhang nagkatotoo raw ang kuwento ng palabas sa relasyon nilang mag- asawa?

Maraming kaibigang tuma- tawag sa amin para magtanong kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng kakakasal lang na sina Tom at Carla.

Sino naman kami para magbigay ng kongkretong sagot? Kung silang mag-asawa nga ay walang inaamin sa publiko, walang nagsasalita sinuman sa kanilang dalawa, sinong nasa labas ng kanilang buhay ang magbibigay ng sagot tungkol sa paghihiwalay nila?

Kahit ang kani-kanilang pamilya ay walang pahayag, tumatagal na ang isyung ito, kaya kung anu-anong ispekulasyon na lang ang naglalabasan.

Lalo pang tumindi ang mga pagtatanong dahil sa pagla-like ni Carla sa tanong ng kaniyang mga followers. May nagtanong tungkol sa infidelity, ni-like iyon ni Carla, makahulugan nga naman iyon para sa mga nakatanaw lang sa kanilang mag-asawa.

Pero ang pinakamatindi ay nang i-like ni Carla ang tanong ng kaniyang follower na wala namang binanggit na pangalan pero bigay na bigay namang si Tom ang tinutumbok nito.

Ang tanong, “True ba na gay raw siya?” na ni-like din ni Carla, ano raw ang ibig sabihin ng pagla- like niya?

Lalo tuloy pinagpistahan ang kuwentong umikot na diumano’y nahuli ni Carla si Tom na may ginagawang hindi kanais-nais sa pamamagitan ng tracking device.

Palala na nang palala ang mga kuwento, senyal na ito na kailangan na nilang magsalita, sagutin na nila ang napakaraming tanong tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Pareho silang nalalagay sa alanganin, hindi isa lang, sa hindi nila pagsasalita. Bigyan dapat nila ng panahon na malaman ng publiko kung ano ba talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Isang salita lang nilang pareho ay sasapat na, hindi naman nila kailangang sabihin ang lahat ng aspeto kung bakit sila nagkani- kaniyang landas na, kaysa naman

sa ganyan na pati ang pagkalalaki ni Tom ay kinukuwestiyon na.

Angeline Quinto – Positibo ang takbo ng isip

Positibo ang takbo ng isip ni Angeline Quinto. Nasa tamang huwisyo ang singer-actress. Pati ang pagdadalantao niya na hindi inaasahan ng marami ay tinatrato pa rin niyang biyaya.

Positibo ang kaniyang sinabi na noong mawala sa buhay niya si Mama Bob, ang kinagisnan niyang ina, pakiramdam niya ay tapos na ang kaniyang mga pangarap.

Itong pagdating sa buhay niya ni Nonrev na ama ng kaniyang ipinagdadalantao ay ginawa rin niyang positibo. Sa pagkawala ni Mama Bob ay ang karelasyon niya ngayon ang pumalit kahit pa sabihing napakalayo naman ng pagkukumpara.

At ang itinuturing niyang bubuhay sa kaniyang mga pangarap ay ang kaniyang magiging anak. Nakakatuwa ang mga sinasabi ni Angeline, sa halip na problemahin niya ang biglaang pagdating ng paghamon sa kaniyangbuhayaybinabaligtad niya iyon, ginagawa niyang positibo, kinokompronta niya, kaya maraming humahanga sa kaniya.

Sabi ng isang common friend namin ni Angeline, “Madasalin si Angge, kinalakihan niya na iyon. Palagi siyang mananalo sa buhay dahil marunong siyang magpasalamat sa Diyos at sa mga taong tumutulong sa kaniya.”

Naaawa naman sa kaniya ang ilang nakausap namin dahil kagampan na raw siya ay kilos pa rin nang kilos. Nagso-show pa rin, naging abala pa siya sa paglipat ng tirahan, baka raw kung ano ang mangyari kay Angeline?

Kayang-kaya iyon ni Angeline dahil napaka-positive thinker niya, alam niya ang kaniyang ginagawa, alam na alam din niya kung ano ang kaniyang kapasidad.

Alex Gonzaga – Aminadong matapang lang ang hiya

Aminado si Alex Gonzaga na matapang lang ang hiya niya pero hindi siya kasingtapang ng kaniyang Ate Toni. Hanggang sa pakikay-kikay lang sa kaniyang mga vlogs ang kaya niyang gawin para maaliw ang kaniyang mga subscribers.

Totoo namang matapang ang kaniyang hiya, hindi kayang gawin ng ibang mga artista ang ipinakikita niya sa vlogs niya, nakakaaliw siya na nakakainis din kung minsan.

Nakikita niya kung paano upakan sa social media ang kaniyang ate. Busog na busog na si Toni sa kangunguya ng ampalaya mula umaga hanggang gabi na ang pinakainumin ng singer-actress-TV host ay mapaklang apdo.

Masasakit na salita ang ibinabato laban kay Toni na ayon kay Alex ay hindi niya makakayang sikmurain. Saludo siya sa katapangan ng kaniyang kapatid, kontrolado raw ni Toni ang kaniyang emosyon, hindi raw niya kayang dibdibin ang ganoong sitwasyon.

Tama ang opinyon ni Alex na pinanday na ng panahon ang katatagan ng kaniyang ate. Bata pa lang daw si Toni ay sagana na

ito sa pambu-bully, hanggang sa mag-artista na silang magkapatid, kaya ganoon na katapang si Toni.

Isang kaibigan ang nag- kuwento sa amin, sabi nito, “Alam mo bang ang pinaka- effective pa ring panlaban ni Toni sa negativity tulad ng nangyayari sa kaniya ngayon, e, prayers? Sabay silang nagdarasal ng husband niya.

“Dahil she belongs to a Christian family, pareho sila ni Direk Paul, palagi silang nagpe- pray. Buong pamilya silang nagdarasal, humihingi sila ng gabay, kaya ganyan katibay ang paninindiganniToni.

“Hindi sila nakalilimot sa Diyos, guided sila, at totoo naman iyon! When you are with God, sino pa ang puwede mong katakutan?” kuwento ng aming kaibigan.

Galit na galit kay Toni ang kampo ng mga kalaban ni BBM na sinusuportahan nilang mag- asawa. Ang daling unawain kung saan nagmumula ang galit na ibinabato laban sa kaniya ngayon.

SabingasiguroniToniay nabubuhay tayo sa demokrasya at ang pinakaesensiya ng kalayaan ay ang karapatan nating pumili ng pinaniniwalaan natin at kung sino ang idinidikta ng ating puso.

Si BBM ang sinusuportahang kandidato nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa panguluhan, at karapatan nila iyon, ano ang ating magagawa?

Alden Richards at Maine Mendoza – May anak nga ba?

Nadiskubre na ang mabibisang gamot para pagalingin ang mapamuksang virus na nagpapahirap sa buong mundo ngayon. Marami nang pagpipilian bukod sa mabisang bakuna.

At gumagaling ang mga kinakapitan ng virus, pababa na nga nang pababa ang numero ng mga nagkakaroon ng COVID-19,

kaya nagkakaluwagan na sa maraminglugarnadatingsobrang higpit at binabantayan.

Tanong ng isang kaibigang tumawag sa amin kahapon nang umaga na nagpahalakhak sa amin. May naimbento na rin daw kayang nakapagpapagaling na gamot para maipamahagi sa mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Sabi ng aming kausap sa kabilang linya, “Mayroon din kayang madidiskubreng gamot o bakuna para sa mga members ng AlDub na naniniwalang may anak na sina Alden at Maine?

“Naglalabas pa sila ng mga pictures ng batang lalaki, iyon daw ang anak nina Alden at Maine, Theo raw ang name ng bata!

“Nakakaalarma iyon! Kaila- ngan na nilang magising sa katotohanan na ilusyon lang ang mga pinagsasasabi nila! Nasaan ang bata kung totoo nga!” naiinis na sabi ng aming kaibigan.

Natawa kami. Tama ang aming kausap, may mga tagasuporta nga sina Alden at Maine na mula noon hanggang ngayon ay naniniwalang nagkaanak ang kanilang mga idolo.

Ni minsan ay hindi naman natin nakitang lumaki ang tiyan ni Maine, wala rin silang maiturong ospital o bahay kung saan ipinanganak ng Dubsmash Queen ang sanggol, saan kaya sila humuhugot ng lakas ng loob para panindigang nagkaanak sina Alden at Maine?

Ano ba ito? Katulad ng kuwento ilang taon na ang nakararaan na may nakakulong sa basement ng isang kilalang mall na katawan ng tao ang kalahati at ahas naman ang bandang itaas?

Sabi uli ng aming kausap, “Bakit hindi kausapin nina Alden at Maine, once and for all, na ilusyon lang ang lahat? Baka sakaling makinig sila sa mga idolo nila?

“Maling kuwento ito, wrong signal ito, magising na sana sila sa katotohanan na ipinagbubuntis ang binhi nang siyam na buwan! E, may nakakita ba naman kay Maine na buntis siya?

“Nakakaawa naman sila! Gumagaling ang nagkakaroon ng virus, pero sila, parang hindi nila kayang kumalas sa ilusyon na nagkaanak ang mga idols nila! E, ni hindi nga naging magkarelasyon sina Alden at Maine, di ba?

“Bakit hindi nila matanggap na pangharap lang ng camera ang sweetness ng mga idolo nila? Haaaay! Wala ngang gamot sa ilusyon at halusinasyon!” parang pagsuko na ring komento ng aming kaibigan.

Paulo Avelino at Janine Gutierrez – Friends nga lang ba?

Komento ng isang Marites ay wala raw originality sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Kopya lang daw nila ang mga ibinibigay nilang dahilan ngayon kina Paolo Contis at Yen Santos. Friends lang sila.

Basta, magkaibigan lang daw sila, walang ibang dapat isipin ang mga usisero tungkol sa ganda ng kanilang samahan ngayon.

Natural, walang naniniwala, magkasama na silang dumayo sa Palawan pero hindi pa rin dapat bigyan ng kakaibang interpretasyon ang kanilang ginawa?

E, kasama naman nilang nagpunta doon ang magka- relasyong Edu Manzano at Cherry Pie Picache na parang mga bagets sa tema ng kanilang pagmamahalan ngayon, marami

naman sila, kaduda-duda ba iyon? Wala ngang naniniwala na basta sumama lang sina Paulo at Janine sa grupo, mas nakatutok ang marami sa personal nilang dahilan, mahihirapan silang kumbinsihin na maniwala ang mga nakasubaybay sa kanilang mga galawan ngayon. Isang Marites pa ang nag-komento, “Magaling pumaraan si Janine, talagang gumawa siya ng dahilan para magkahiwalay sila ni Rayver Cruz.

“Iyon ang time na siguro nga, e, nagkakaigihan na sila ni Paulo, madalas kasi silang magkasama, lock-in taping pa?

“Ano iyon? Isang umaga, e, nagising na lang siyang nag- fall out of love sa boyfriend niya? Nakakapagtaka naman iyon? Kasi nga, e, nand’yan na pala si Paulo Avelino na walang pinalalampas!” madiing komento ng Marites.

Isang araw ay lalabas din naman ang katotohanan kahit magdenay pa nang magdenay ngayon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. May lihim ba namang hindi nangangamoy?

Jake Zyrus – Tapyas na ang magkabilang dibdib

Masaya kaming nalulungkot nang tumambad sa amin ang retrato ng dating Charice Pempengco na parang halos tapyas na ang magkabilang dibdib. May mga rekoleksiyong pumasok sa aming kamalayan.

Parang kailan lang iyon nang madalas naming makita si Charice na akay-akay ng kaniyang Lola Tessie kapag lumalaban siya sa Little Big Star. Nakabestida siya, naka-ribbon pa ang buhok, babaeng-babae ang kaniyang gayak.

Nang mag-show sa Winnipeg, Canada si Willie Revillame ay isa si Charice sa mga artistang isinama ng TV host. Malapit siya kay Willie.

Ganoon din ang kaniyang itsura, ang ganda-ganda ng kaniyang damit, naka-make-up pa nga siya, saka sapatos na may heels.

Sikat na sikat siya noon dahil sa matinding suporta sa kaniya ng sikat na si Oprah Winfrey, isinasama pa siya ni David Foster sa mga concerts nito, binulabog ni Charice Pempengco ang mundo ng musika.

Ibang-iba na ang nakikita naming si Charice, lalaking-lalaki na siya bilang si Jake Zyrus, inilantad na niya ang impis niyang mga dibdib dahil sa mga iniinom niyang gamot.

Pero hanggang sa pagka- windang na lang ang magagawa ng kahit sino, si Jake mismo ang nagsasabing maligaya siya sa kaniyang kaanyuan ngayon, kumportable ang kaniyang buhay.

Ang ating kaligayahan ay hindi nanggagaling sa ibang tao, hindi sa mga puwersa sa labas, kundi sa sarili lang mismo natin.

At sabi nga, kung saan tayo maligaya ay iyon ang bumubuo ng ating pagkatao, kaya ibigay na lang natin kay Jake Zyrus ang kaniyang kaligayahan.

Arjo Atayde at Maine Mendoza – Magpapakasal na?

Lumutang ang balita ng malapit na raw magpakasal sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. May kuwento pa nga na bago raw ang botohan ay magpapakasal na sila.

Hindi madaling kagatin ang istorya, hindi ganoon kadaling maghanda para sa kasalan, lalo na ngayong abalang-abala si Arjo sa kaniyang kandidatura.

Siguradong aangat na naman ang mga tagahanga ni Maine sa kuwentong ito. Matagal nang binubulabog ng mga taong iyon si Arjo pati ang kaniyang pamilya, kayamanan lang daw ng dalaga ang habol ni Arjo, na para bang dinampot lang sa pusalian ni Maine ang mahusay na aktor.

Hanggang ngayon kasi ay may mga AlDub fans pang naghihintay na ang dapat magkatuluyan ay sina Maine at Alden Richards. Mayroon nga raw silang naging anak kahit hindi naman nakita ng publiko na nagdalantao ang Dubsmash Queen.

Maraming nanggugulo sa pamilya ni Arjo, hanggang sa mahiya na lang tuloy ang nagagawa ni Maine sa sinasabi ng kaniyang mga tagasuporta, dahil puro kabaligtaran naman ang mga bagay-bagay na ipinupukol ng grupo sa pamilya nina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Malaking tulong si Maine Mendoza sa kandidatura ni Arjo, bakit naman ang hindi, pero ang magpakasal sila bago maganap ang botohan sa Mayo ay hindi kapani-paniwala.

Engrandeng kasal siyempre ang pangarap ni Arjo para sa kanila ni Maine at kung ngayon pa nila haharapin ang paghahanda para sa kasalan ay hindi magiging posible.

Kris Aquino – Di natuloy ang biyahe papuntang Amerika

Noong February 17 pa nakatakdang bumiyahe papuntang Amerika si Kris Aquino para sa kaniyang mahabang proseso ng gamutan. Kasama niya sina Joshua at Bimby para wala na siyang iniintindi nang malayuan.

Pero hindi iyon natuloy. Ayon sa aming impormante ay ipinakumpleto muna ng kaniyang mga doktor dito sa Pilipinas ang maraming tests bago siya bumiyahe.

Marami siyang pinagdaanang test, nagsiguro lang ang kani- yang mga doktor, hindi nga naman maigsing biyahe lang ang kaniyang pagdadaanan sa pagpunta sa Amerika.

Ngayon ay naglabas na ng kaniyang medical record si Kris.

Magandang balita ito para sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya.

Ligtas na siya sa cancer. Maayos ang kaniyang blood sugar kaya wala siyang diabetes. Naging maganda rin ang resulta ng kaniyang kidney tests, maayos na gumagana ang kaniyang bato maging ang kaniyang atay kahit marami pa siyang iniinom na gamot.

Ang tinututukan na lang ngayon ay ang matagal na niyang pinoproblemang allergies, ang kaniyang chronic urticaria na hinahanap pa rin hanggang ngayon kung saan nag-uugat, iyon ang talagang nagpapahirap kay Kris.

Harinawang masugpo na dito ang lahat ng kaniyang pinoproblema para hindi na niya kailangang magpagamot pa sa ibang bansa. Hiling ng kaniyang mga tagasuporta na sana nga ay tuluyan nang gumaling ang kanilang idolo.

Isang prinsipe ayon sa nabasa naming kuwento ang nakapagpatunay na walang nagagawa ang salapi kapag kalusugan na ang nakataya sa usapin. Umaapaw ang kaniyang salapi pero hindi mahanap-hanap ng mga espesyalista kung saan nagmumula ang kaniyang sakit.

Sa isang five-star hotel kung saan pansamantalang tumira ang prinsipe habang nagpapagamot ito ay may isang manipis lang na babasahing gumising sa kaniya sa katotohanan.

Nakita ng prinsipe ang babasahin sa gilid ng kaniyang kama. Ang laman ng manipis na babasahin ay pagtawag at pasasalamat sa Diyos na kaniyang sinunod.

Walang humpay na nagdasal ang prinsipe sa loob nang maraming araw, lumakas ang kaniyang pakiramdam, hanggang sa nagpatawag ito sa kaniyang tauhan na tapos na ang kaniyan gamutan at uuwi na sila sa palasyo.

Pagdating sa kanilang bansa ay naglaro agad ng hockey ang prinsipe, alalang-alala ang kaniyang pamilya, lalo na ang hari at reynang mga magulang nito.

Simple lang ang sinagot ng prinsipe, “Huwag kayong matakot, binabalot ako ng pagmamahal ng Diyos. Siya lang ang magdidikta kung kailan ako mawawala, hindi ang salaping mayroon tayo na wala naman palang saysay.”

Amen.

Gretchen Barretto – Ibang klase talaga

Ibang klase talaga si Gretchen Barretto! Puring-puri ngayon ng mga kababayan natin ang mapuso niyang pagbibigay ng ayuda sa lahat ng sektor ng ating bayan.

Lahat ay pinadadalhan niya ng tulong, truck-truck na bigas ang ipinadedeliber niya sa mga ospital at opisina ng mga frontliners, wala siyang iniiwan.

Pinaligaya niya ang buong showbiz, wala rin siyang pinipili lang na ayudahan, kaya naman mahal na mahal

siya ng industriya kung saan siya sumikat. Habambuhay nang hindi makakalimutan ng lahat ng tinulungan niya ang makasaysayan niyang love boxes.

Napanood namin ang video ng pagiging plantita ni Gretchen. Napakalawak ng bakuran nila ni Tony “Boy” Cojuangco, pinapuno niya ng mga halaman ang buong garden, nakakalula ang mga presyo ng mga halamang ipinampuno niya sa bakuran.

Daang libong piso ang presyo ng bawat halaman, ang pinakamura ay kabuhayan na ng isang mahirap na pamilya, ganoon katindi ang pagiging plantita ng aktres.

Walang-wala ang mga ipinagmamalaking halaman d’yan ni Jinkee Pacquiao na ipinaglalantaran nito sa buong bayan. Tahimik lang si Gretchen, hindi niya ipinagmamakaingay ang kaniyang mga ginagawa, pero nakakalula iyon.

Ibang-iba talaga ang kilatis ng dating sanay na sa kayamanan kesa sa ngayon lang nagkaroon. Tahimik lang, hindi nagmamayabang, secure na secure sa kaniyang estado.

At siya mismo ang gumagabay sa mga nagdedeliber ng truck-truck na halaman, siya ang nagtuturo kung saan dapat ipuwesto, siya rin ang nagdidilig nang basta nakapusod lang pero ang ganda-ganda pa rin niya.

Natural, tuwang-tuwa si Kuyang Tony Boy nang makita ang kanilang hardin na punumpuno ng mga pananim, kaligayahan na nila iyon ni Gretchen, doon siguro sila nagkakape paggising habang nagkukuwentuhan.

Ang nagagawa nga naman ng salapi kapag ginagamit sa tamang paraan. Hindi dinidiyos ang pera kundi inaalipin.

Totoong-totoo na may silbi lang ang kayamanan kapag marami tayong napapasaya.

KC Concepcion – Hindi sumasama sa kampanya ng daddy niya

Nakakaaliw ang litanyang “benefit of the daw.” “Daw” talaga, hindi doubt, benefit of the daw. Iyon ang usung-uso ngayon tungkol sa mga isyung kinapapalooban ng mga personalidad.

Huwag naman daw basta husgahan agad. Bigyan daw muna ng benefit of the daw. Galing sa mga CFMers ang terminong iyon.

Maraming isyung kailangang bigyan ngayon ng benefit of the daw. Tulad ng pagpansin ng mga Marites na bakit daw hindi sumasama si KC Concepcion sa kampanya ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa ngayon ay hindi pa, pero malay naman natin kapag bumalik na sa bansa si KC, tutal ay mahaba pa naman ang tatakbuhin ng kampanya. Madalas sabihin ni KC na mahal niya ang kaniyang daddy, para na rin siyang anak kung ituring ng pulitiko, kaya siguro naman ay maglalaan siya ng panahon para sa kampanya nito.

Kaya lang ay napakalapit din ni KC sa pamilya nina Senate President Tito Sotto at Ate Helen Gamboa, para na rin siyang anak ng mag-asawa, kaya paano kaya ang pagdedesisyon ni KC para wala siyang masaktan sa dalawang nagbabanggang puwersa sa pagka-vice-president?

Napakahirap ng posisyon ngayon ng mag-inang Sharon at KC, sobrang mapagbiro ang kapalaran, sinusukat ang kanilang kapasidad ngayon.

Si Sharon ay mauunawaan natin dahil ang kaniyang asawa ang tumatakbo, pero isa pang bagay ang sigurado, hindi magbibitiw ng masasakit na salita ang Megastar para makapanakit sa kalooban nina Kuya Tito at Ate Helen.

Hindi sasadyaing saktan ni Sharon ang mga taong nagtuturing na sa kaniya bilang anak, pati ang kaniyang mga pinsan na para na silang magkakapatid, iyon ang sigurado.

Tingnan na lang natin kung ano ang gagawin ni KC sa kampanya. Baka wala na lang siyang suportahan sinuman kina Senator Tito at Senator Kiko para wala siyang masaktang kahit sino.

Ang kapalaran talaga kung magbiro, mahirap ispilengin, sino ba ang mag-aakalang sina Senate President Tito Sotto at Senador Kiko pa pala ang pagsasabungin sa isang posisyon sa ating pamahalaan?

Noong minsan ay sinabi na ni Sharon, “Kahit sino ang manalo, okey lang, basta ang mga kababayan natin ang makikinabang.”

Ang pagkakataong ito ang susukat sa kanilang pagkatao at paninindigan. Malaking kuwestiyon kung paano nila dadalhin ang labanan nang hindi manganganib ang kanilang malalim na relasyon. – CSF