Published on

 
 
Marian Rivera & Dindong Dantes
 
 
Richard Gutierrez
Mark Bautista
 
 
KC Concepcion
Piolo Pascual

Showbiz Extra

Pebrero 16-29, 2012

Ni Issi Bartolome

Richard Guitierrez, gustong mag-drama

Nagtapos na ang TV show ni Richard Gutierrez sa GMA, Ang Survivor Philippines, kaya mayroon na naman hinahandang primetime series ang Kapuso network sa binata. Tuwang-tuwa nga si Richard sa nalalapit na teleserye na gagawin dahil drama naman ang gustong subukan ng aktor. Sina Carla Abellana at Sarah Lahbati ang mga magiging bagong babae ni Richard sa show niya.

“Puro hosting kasi lately ang ginagawa ko, so back to basics naman. Back to soap operas.”

Noong nakaraang taon kasi ay halos puro aksyon ang kaniyang nagawa tulad ng Captain Barbell.

Gusto rin daw niyang makapag-portray ng isang bago at mas challenging na role kumpara sa mga nagawa na niya.

Mukhang zero pa rin ang love life ni Richard kaya focus muna sa work ang kaniyang ginagawa.

Mark Bautista sumagot sa isyung Piolo / KC break-up

Marami na rin ang nasulat tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni Mark Bautista sa hiwalayang Piolo Pascual ay KC Concepcion.

Nagpaunlak ng interview si Mark sa press at doon ay inamin niya na sobrang malaking pagsubok ‘yung isyu na iyon para sa kaniya noong nakaraang 2011. Ayon sa singer ay naka-move-on na ang lahat doon at abalang abala siya ngayon sa bago niyang soap sa GMA Kapuso, Ang Legacy, na pinangugnunahan din nina Lovi Poe at Heart Evangelista.

Inamin niyang naapektuhan siya sa isyu at tao din naman siya na nasaktan. Pasalamat na lang si Mark sa maraming kaibigan na nagpaabot ng suporta at mga kapamilyang nagbigay comfort sa kaniya. Sa huli ay tinuldukan na ni Mark ang isyu.

Marian Rivera at Dingdong Dantes sa My Beloved

Tiyak na aabangan ng mga tagahanga ang bagong primetime soap na My Beloved. Ito ay pangungunahan ng magsweetheart na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tsika nga ni Dingdong, tiyak na magugustahan ito ng mga taghanga dahil bago ito sa kaniya at ngayong lang gagawin dahil dual role ang kaniyang ginagampanan dito.

“’Yung isang character, medyo, lately ko lang nasuot, eh, ’yung hindi tao, so magandang adjustment kasi mabuti inuna na ’yung mortal. At least alam naming ang atekeng gagawin sa role,” tsika pa ng aktor.