
Opinions
![]() |
||
Iwa Moto |
||
![]() |
||
Eugene Domingo |
Ni Issi Bartolome
May balita na tinanggihan ni Iwa Moto na maka-kissing scene si Gerald Anderson sa indie movie nito na El Brujo directed by Tikoy Aguiluz. It has something to do raw na hindi komportable si Iwa sa mga sexy scene dahil ini-offer nga sa kaniya ang lead role ng nasabing action-drama flick. Wala pa kasi siyang nagawang full-length movie kaya sensitive si Iwa sa bagay na ito. Ang resulta ay si Bangs Garcia ang pumalit sa kaniya sa pelikulang ginagawa na sa kasalukuyan.
Subalit sa print medium naman ay walang kiyeme sa pictorial si Iwa. In fact, very daring yet malinis ang kaniyang mga nude photos sa isang men’s magazine. Okey lang siyang magpasexy sa mga magazine dahil hindi naman ito gumagalaw. In due time, siguro ay gagawin na rin ni Iwa ang mga mapangahas na eksena sa pelikula.
Kahit marami ang nagsasabing mataas na raw ang lipad ni Eugene Domingo dahil parang sa isang basong tubig lamang ay nalunod na siya. Lalo pa raw nadagdagan ang kayabangan nito nang maging big hit ang movie niyang Kimmy Dora, the Temple of Kiyeme ng Star Cinema.
Pero ang mga kaibigan mismo ni Uge ang makapagsasabi na walang katotohanan ang mga ganoong tsismis.
“Hindi ako papatol sa mga intriga. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, I don’t care. Happy ako sa takbo ng career ko. Iyon ang importante,” sabi ng magaling na komedyante.
Naging mataray lang naman ito kapag hindi gusto ang tinatanong ng mga press sa kaniya. Game naman siya sa mga interview pero wala siyang time sa mga mabababaw na topic.