Queenierich Rehman
 
 
Jake Cuenca
 
 
Piolo Pascual

Showbiz Extra • Agosto 16-31, 2012

Ni Issi Bartolome

Miss Philippines, malaki ang chance na masungkit ang Miss World 2012

Malakas ang dating ng ating bet sa Miss World 2012 na si Queenierich Rehman. Nakasali kasi siya sa top five ng Miss World talent competition dahil sa kaniyang husay sa ipinamalas na beatboxing. Ginanap ang talent night sa Ordos Theater ng Inner Mongolia. Nakalulungkot lang na hindi ito masyadong nabigyan ng pansin sa Pilipinas dahil sa nakaraang kalamidad.

Humanga ang mga judges sa unique talent ni Queenierich na hinuhulaang mananalo sa talent competititon base na rin sa reaksiyon ng audience at sa rave review na natatanggap niya. May iba’t ibang category ang Miss World Beauty Pagent. May Designer Award, Beach Fashion, Top Model, Multimedia Award, Performing Talent, Sport Fitness at Beauty with a Purpose Award.

Last year ay nasungkit ng Pilipinas ang first runner up sa pamamagitan ni Gwendoline Ruais. Umaasa ang pamunuan ng Miss World Philippines na makukuha na natin ang coveted title ngayong taon. Wala pa kasing Filipina na nanalo ng Miss World mula nang inumpisahan ang beauty pagent na ito.

Ang grand finals ay gaganapin ngayong August 18, 2012 sa Ordos Stadium Arena ng Inner Mongolia.

Jake Cuenca naungusan na nga ba si Piolo Pascual.

Medyo malungkot mang isipin ay mukhang lumalamlam na ang career ng dating hearthorb na si Piolo Pascual. Lately kasi ay endorser na lang siya ng showing ng mga pelikula ng iba’t ibang artista. Sa weekly show naman ng Kapamilya Network na ASAP ay one of those lang ang dating ng aktor. Kahit ang kaniyang mga nakaraang teleserye at pelikula ay hindi masyadong tinangkilik ng mga tagahanga niya noon.

Natapakan na tuloy siya nang husto ng isa pang hunk aktor na si Jake Cuenca. Ang ginagawa kasi ni Jake ngayon ay hindi nagawa ni Piolo sa kaniyang career. And that is ang maging opening and closing ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Sa afternoon teleserye ay lead si Jake Cuenca kasama si Shaina Magdayao in Kung Ako’y Iiwan Mo at closing naman sa gabi sa Kahit Puso’y Masugatan kabituin sina Andi Eigenman at Iza Calzado. Hataw din sa paggawa ang aktor kaya masasabi na medyo nakalalamang ito sa mga hunk actor sa kasalukuyan. Ang tanong lang ng marami ay kung sino-sino ba ang magiging magkakapareha sa darating na Star Magic Ball. Halos lahat kasi ng magkakarelasyon noong nakaraang Star Magic Ball ay magkakahiwalay na ngayon. Si Piolo Pascual ay break na kay KC Concepcion na sweet na sweet pa noong isang taon. Gayun din sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na hiwalay na rin sa kasalukuyan. Pati ang controversial couple na sina Maja Salvador at Mateo Guidecielli ay kaput na rin ang love life ngayon kaya abangan na lang nating kung sino-sino ang magkakapatner ngayon.