Sam Pinto
 
 
Anne Curtis
 
 
Sarah Geronimo

Showbiz Extra • Hulyo 16-31, 2012

Ni Issi Bartolome

Sam Pinto at Anne Curtis – number one

Sa resulta ng survey para sa 100 sexiest pinay ng FHM magazine ay muling nakuha ni Sam Pinto ang number one spot sa listahan ng pinakamaganda at pinakaseksing pinay ng bansa. Pero hindi naging lubos ang kaligayahan ni Sam dahil iniintriga ang pagkakapili sa kaniya bilang pinakaseksing pinay ng taon. May mga intriga kasi na bumili ng maraming boto ang ini-endorse ni Sam na inumin kaya ito ang nakakuha ng pinakamalaking boto sa paligsahan. Hindi naman ipinagkaila ni Sam na pinaki-usapan niya ang kaniyang endorser na iboto siya. Kasalanan ba ni Sam kung talagang mas marami siyang natanggap na boto kaya siya muling nahirang na sexiest pinay ngayong 2012?

Samantala, si Anne Curtis naman ang nakakuha ng number one spot bilang most beautiful star ng YES magazine. Ang pagpili sa beautiful star ay taunang ginagawa ng magazine at ngayong 2012 nga ay nasungkit ni Anne ang unang puwesto para maging cover girl na rin ng special issue ng nabanggit na magazine. Last year ay si John Lloyd Cruz ang nanguna at cover ng YES magazine’s most beautiful stars. Ang iba pang mga naging most beautiful stars ay sina Judy Ann Santos noong 2007, KC Concepcion noong 2008, Marian Rivera noong 2009 at si Kim Chiu noong 2010.

Sarah Geronimo – Dumagundong ang Araneta dahil sa concert

Dumagundong ang Araneta noong Sabado (July 7) sa pagtatanghal ng 24/SG concert ng popstar princess na si Sarah Geronimo. Bale birthday concert niya ito at talaga namang punong puno ng visual effects at piling pili ang mga numbers ng popstar ng gabing iyon. Nandoon si Gerald Anderson kaya lalong na excite ang mga tagahanga ng dalawa ng makitang dumating ang guwapong aktor.

Ibang klase ang energy ng popstars ng gabing iyon dahil walang tigil ang tilian at sigawan ng mga fans sa bawat song number ng kanilang idolo.

Lalong lumakas ang tilian paghirit niya ng “24 na ako, puede na.” Akala ng marami ay patungkol ito sa nababalitang pagkakamabutihan nila ni Gerald, na puwede na siyang magkaroon ng boyfriend pero dinugtungan niya iyon ng, “Puwede nang maging 25, kayo talaga. Pag nag 25 na ako puwede ng maging 26 o diba,” sabay tawa ng popstar princess.

Ang batikang pinoy designer na si Furne One na based sa Dubai ang lumikha ng magagandang costume ni Sarah (na balitang umabot ng milyong piso ang halaga) ang lalong nagpatingkad at nagpaganda nang show.

Sa huling bahagi ng concert ay kinanta ni Sarah ang It Might be You, habang lumalapit sa kinauupuan ni Gerald at nagholding hands pa ang dalawa. Kilig na kilig ang mga fans lalo na ng tanungin ni Sarah si Gerald kung ihahatid ba siya nito sa stage. “No, go up” ang sagot ng binata na tila nahihiya.

Damang dama ni Sarah yung linya ng kanta na “maybe its you I’ve been waiting for... all of my life...” kilig moment iyon sa gabing iyon. Siguradong marami pang masisiyahan na fans dahil may repeat ang SG/24 sa July 21.