
Opinions
![]() |
||
Georgina Wilson |
Ni Issi Bartolome
Ang 2012 Underwear and Denim fashion show ng Bench ay nagsisimula ng mangalap ng ng mga male at female models para sa biggest fashion event ng taon na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa September 13 and 14. Isa si Georgina Wilson sa nag-judge sa screening ng mga sumali na ginawa naman sa Isla Ballroom ng EDSA Shangrila.Tiyak na isa rin si Georgina sa mga model na rarampa sa naturang event.
Ayon sa Bench mogul na si Ben Chan, it will be the biggest and grandest fashion show ng Bench, na magcecelebrate na ng kanilang 25th anniversary. Gusto ng management na this time ay maraming makapanood dahil laging sold out ang tickets nito noong mga nakaraang taon, kaya dalawang gabi nila ito gagawin this year. Kilala ang Bench sa pagkuha ng mga bigating endorser, local man at pati international. Sa local endorsers nito ay kabilang ang mga artista ng Star Magic na nagse-celebrate din ng kanilang 20th year anniversary. Maraming events ang mga talent ng Star Magic sa first week of September kaya napilitang i-adjust ang date ng Bench fashion event para makasali ang mga sikat na talent ng Kapamilya network.
Ilan sa mga kilalang international endorser ng Bench ay sina Liam Hemsworth na boyfriend ng kilalang singer na si Miley Cyrus. Si Jerry Yan na miyembro ng sikat na Korean group boy band na F4. Si Michael Trevino ng Vampire Diaries. Kabilang din sina Daniel Henney, David Archuleta, Bruno Mars at Joe Jonas sa mga bigating personalities na naging endorser ng Bench.
“Universe, kasi gusto naming ipakita ang mundo ng Bench. Ang theme kasi is ‘Ageless’ which is Bench at 25 years, pero mukhang hindi pa siya mukhang 25 years. We’re still there.” paliwanag ni Ben Chan.
“Boundless, because you go way beyond what we’re doing now. We’re looking at 25 years after.”
Magandang balita para sa mga tagahanga ng nag-iisang superstar, Nora Aunor, dahil ang pelikulang, Thy Womb Sa Sinapupunan, ay nakapasok sa main competition ng 69th Venice Internationa Film Festival. Ang nabanggit na festival ay magsisimula sa August 29 hanggang September 8.
Bale vindication ito on the part of award winning director Brillante Mendoza dahil noong sinumite nila ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay agad raw itong tinanggihan ng committee. Sabi ni direk ay mukhang kulang sa commercial viability ang pelikula, na parang walang masyadong big star na nasa cast kahit kasama sina Bembol Rocco, Lovie Poe at Mercedes Cabral sa film. Pinaboran ng committee ng MMFF ang pelikulang El Presidente na produced by Governor ER Ejercito. Kasama rin sa nabanggit na movie si Nora Aunor.
“Nagreach out naman talaga ako sa Filipino audience, pero parang hindi siguro nag-qualify yung film sa guidelines nila. At least ginawa ko iyong part ko bilang Filipino director na hindi lang kinunsider yung foreign audience kundi pati yung local audience” pagpapatuloy ni Direk Brillantes.
Maganda ang story line ng Thy Womb dahil tumatalakay ito sa isang kumadrona na nagpapaanak subalit siya mismo ay pinagkaitan ng isang anak. Ang naturang pelikula ay kinunan sa magagandang lugar sa Tawi tawi.
Natuwa naman si direk para sa Superstar dahil ito ang comeback movie niya after eight years. Nareject man sa sariling bansa, pasok naman ito sa international competition. Inaasahang dadalo ang Superstar sa Festival. Isa pang magandang balita ay ipapalabas din sa Venice ang pelikula niyang Himala kabilang sa mga iba pang bigating classic movie mula sa iba’t ibang bansa.