Published on

 
 
Bea Alonzo & John Lloyd Cruz
 
 
Hilda Koronel
 
 
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Showbiz Extra • Setyembre 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

Bea Alonzo daring sa bagong pelikula

Daring ang dating ni Bea Alonzo sa bago niyang pelikula, The Mistress. Sa pinakitang trailer ng movie ay may kissing scene si Bea Alonzo kay Ronaldo Valdez na lumalabas na lover niya. Marami ang nagtanong kung bakit pumayag ang magandang aktres sa nasabing eksena. Kailangan kasi sa pelikula kaya walang kiyeme itong ginawa ng dalaga.

Ayon sa director ng movie na si Olivie Lamasan ay malaki na ang improvement ng acting ni Bea Alonzo kumpara sa mga pelikulang ginawa niya noon. Pati co-star na si John Lloyd Cruz ay pawang papuri ang sinasabi about Bea.

Bale ito ang 10th anniversary ng love team nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema. Maganda ang chemistry ng dalawa dahil lahat ng movies na pinagsamahan nila ay pawang mga box office hits.

Inusisa rin ng mga press kung hindi raw ba sila nagka-in-lab-an sa loob ng sampung taong pagsasama sa mga pelikulang nagawa nila? Inamin naman ni Bea na nagkagusto din siya kay Lloydie, subali’t hindi naman pinursue ng binata ang panliligaw sa kaniya dahil maraming factors na involved noon. Talagang gusto lang nilang protektahan ang kanilang love team. Hindi pumasok sa isipan nila ang magkaroon nang totoong relasyon.

Ang pagbabalik ni Hilda Koronel

Sa pelikula ring ito mapapanood ang muling pagbabalik sa big screen ni Miss Hilda Koronel. Dahil nga sa Amerika na nakabase ang magandang aktres ay matagal tagal din itong hindi gumawa ng pelikula. Metikulosa sa pagpili ng project si Hilda kaya naman tiyak na napakaganda ng script ng movie para mapapayag na gawin niya ito. Inamin din ng magandang aktres na masayang masaya siya sa kaniyang buhay sa Amerika ngayon, kapiling ang kabiyak na si Ralph Moore at ang kaniyang 21-year-old son na si Diego, kaya hindi rin niya masyadong na miss ang paggawa ng pelikula. Marami rin ang nakapansin sa magandang aura ni Hilda ngayon. Ayon sa aktres, pawang mga organic foods at prutas lamang ang kaniyang kinakain sa Amerika kaya naman hanggang sa ngayon ay taglay pa rin niya ang angking ganda.

Sa Setyembre 12 na ang showing ng pelikula na tiyak namang kaabang abang dahil muli na naman tayong pakikiligin ng love team nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, super close sa isa’t isa

Mukhang nagiging close na close na nga sa isa’t isa ang sikat na tandem ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa victory party ng Princess and I ay marami ang nakakapansin sa dalawa sa mga kakaibang kilig na pinamamalas nila. May papunas-punas pa ng pawis, holding hands na kahit sino ang makakita ay tiyak na mag-iisip na may special something na nga sa dalawa. Sa mga interview naman kay Daniel ay hindi nito kinakaila ang pagkagusto sa young actress. Pero nang tanungin naman ng press ang dalawa about the issue ay “no comment” lamang si Kathryn sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon. Pinagtatawanan lang din ni Kat ang mga intriga diumano sa maraming babaing nagkakagusto kay Daniel.

Nang may lumabas naman na tsismis na nagbabad sa bahay nina Daniel si Kathryn ay pinabulaanan ito ng young actor. Naihatid lang diumano ni young actress si Daniel dahil wala itong sasakyan. Kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon ay mahaba-haba pang panahon ang ating hihintayin kung ano na nga ba ang kahihinatnan ng closeness nila sa kasalukuyan. Kilig na kilig naman ang mga fans ng dalawa tuwing nakikita nilang sweet sina Daniel at Kathryn.