Coco Martin
 
 
Rhian Ramos

Showbiz Extra • Setyembre 16-30, 2012

Ni Issi Bartolome

Coco Martin – hindi mapigil ang pagsikat

Walang duda na si Coco Martin ang pinaka-in na young actor ngayon. Number One pa rin sa ratings ang teleserye niyang Walang Hanggan kabituin si Julia Montes. Mula sa paggawa ng indie films ay nai-angat ng binata ang sarili na maging isang mahusay na aktor.

Kahit nga sa launching ng kaniyang Bench Cologne ay tinilian talaga siya ng mga tagahanga. Ayon naman sa aktor, kailanman ay di siya nag-inarte pagdating sa trabaho. Kung puwede, at hangga’t kaya niyang gawin ay hindi siya mag-aatubili na ibigay ang sarili para sa kaniyang mga tagahanga.

Kinumpirma na din ni Coco na isang indie film ang pagsasamahan nila ng Superstar na si Nora Aunor at Star For All Season na si Vilma santos. Si Direk Brillante Mendoza ang magiging director nito at hahanapan na lang daw ng magagandang schedule para sa shooting ng pelikula. Excited na ang aktor sa nasabing project dahil first time niyang makakasama ang dalawang aktres na kaniyang hinahangaan.

Indio – epic-telemovie ng GMA 7

Isang epic-telemovie ngang matatawag ang Indio na pangungunahan ni Sen. Bong Revilla. Talagang gagastusan ng GMA 7 ang nabanggit na teleserye. “First time akong gagawa ng teleserye na ganoon ang period…. 1565 to 1663. So iyong look ng pelikula ibang iba, preparation pa lang talagang matindi na,” pahayang ni Sen. Bong Revilla.

Itinuturing na ang Indio na ang pinakamalaking proyekto ng GMA7. Mabusisi ang mga detalye sa babalikang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas sa nabanggit na telemovie. Excited na excited si Sen. Bong sa teleseryeng ito kahit next year pa ito ipalalabas. Ang mga leading ladies ni Sen. Bong Revilla sa Indio ay sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Maxene Magalona. Kasama din sina Agot Isidro, Jackie Lou Blanco, Sheena Halili, Rocco Nacino, Sam Pinto, Solenn Heusaff, Jomari Yllana, Michael De Mesa, Bobby Andrews at Ramon Christopher. “ Never pa akong gumawa ng soap, pero if ever na gagawa ako I want a telemovie. Television pero movie ang approach,” pagtatapos ng aktor.