
Opinions
![]() |
||
Jodi Sta. Maria |
||
![]() |
||
Heart Evangelista and Marian Rivera |
Ni Issi Bartolome
Marami ang nakakapuna na napakaganda nang aura ngayon ng lead star ng Please Be Careful with My Heart na si Jodi Sta. Maria. Mainit ang pagtanggap ng publiko kay Jodi dahil sa nakakaaliw nitong role bilang isang mabait at masayahing yaya sa top rating na teleserye. Talagang napamahal na sa mga tagahanga ang tambalan nila nina Maya at Sir Chief.
Kahit naman sa simula ay naging open book na sa lahat ang pinagdaanan ng aktres sa pribado nitong buhay ngunit wala namang nakaalam na sa sumunod na kabanata ng kaniyang lovelife. Hindi rin niya pinapatulan ang mga tsismis na naglalabasan laban sa kaniya kaya naging misteryosa ang aktres.
Pero nang lumabas ang isyu na magkasama sila ni Jolo Revilla sa Hongkong ay maraming natuwa para sa kanila. Hindi naman niya itinanggi o kinumpirma kung totoo nga ang balita na nagkakamabutihan na sila ng binata. May mga pictures din na magpapatunay na lumabas nga sila ng bansa na kasama ang kanilang mga anak.
Kaya kahit hindi inaamin ng dalawa ay may mga ebidensiya naman na mukhang may relasyong ngang namumuo sa pagitan nilang dalawa.
Samantala, magagaling lahat ang bumubuo ng cast ng Please Be Careful. Kapag tinutukan mo ang naturang palabas ay tiyak na hindi mo ito bibitiwan. Inaabangan din ang mga susunod pang kabanata sa buhay ni Maya at sa kaniyang crush na si Papa Chen o Sir Chief. Aliw na aliw talaga ang mga manood sa kahihinatnat ng love story ng dalawa kaya naman ang taas-taas ng ratings nito.
Big success ang palabas na Alay Tawa Dolphy Special na ginawa sa SM-Mall of Asia Arena. For the first time kasi ay nagkasama-sama ang mga big stars ng tatlong malalaking network ng bansa, ang TV5, GMA7 at ABS-CBN. May magagandang eksena na naganap backstage dahil sa show na ito ay para sa namayapang Comedy King.
Isa na roon ay ang pagbabati ng nagkatampuhang Marian Rivera at Heart Evangelista. Matatandaan kasi na nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang dalawa nang ginawa nila ang movie na Temptation Island noon. Nang makausap ng ilang press ang dalawa ay masaya nilang binalita na nagkaayos na sila nang magkita sa naturang show. Nasa iisang holding room lang kasi ang dalawa kasama ang ilang artista ng ibang TV networks. Nang makita ni Heart si Marian ay lumapit ito at humalik sa aktres. Dahil doon ay nag-usap ang dalawa subalit hindi matagal dahil nga sa partisipasyon nila sa palabas. Ang maganda ay naging okey na sila kahit may mga umiintriga na showbiz lang ang ginawa nina Heart at Marian.
Nakasalubong din ni Heart ang dating kasintahan na si Daniel Matsunaga at nagbeso din ang dalawa. Wala naman problema sa kanila kapag nagkikita dahil sa simula pa lamang ay naging friends sila bago na-develop noon sa isa’t isa.