
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Nakahanda na ang mga botante sa Winnipeg at iba pang lungsod sa Manitoba sa nakatakdang September 10 elections. Nasa kanilang mga kamay ang pasiya sa nakaupong PC government, and other political parties na NDP at LP. Ang three dominant parties ay may kani-kaniyang pakulo na panilo ng boto.
Nabalita na may karagdagang benepisyo para sa mga seniors. Ano kaya ‘yon? Gayunman, para sa mga kabataang students of universities and colleges, ang mga botante ay walang positive news na nababalita at/o naririnig mula sa PC, NDP at LP. Ang magpaaral ng mga anak, para sa mga magulang ay malaking problema.
Opo nga, may discount sila na nakasulat sa Winnipeg Transit, subalit sapat na ba ‘yon? Sa tototo lang, maraming napipilitang tumigil ng pag-aaral dahil ang kanilang mga gastusin ay hindi makayanan ng kani-kanilang mga magulang sanhi ng umiiral na high cost of living.
Isang magandang legacy ng mga elected government officials sa mga magulang kung ang mga estudyante ay pagkakalooban ng higit na malaking per cent discount na bayad sa mga Winnipeg Transit na patungo at pabalik mula sa kanilang mga pinapasukang colleges and universities.
Tinanggihan daw ng federal Liberal ang hinihiling na gastusin ng Manitoba communities sa border ng Canada-US. Ang hinahangad ng mga namumuno sa Canada’s communities ay mapalitan daw ang kanilang nagagastos sa mga refugee at iba pang mga nasa US na lumilipat ng tirahan sa Canada.
Pinagtibay na ng Department of Transportation noong ika-14 ng Agosto ang kontrata ng San Miguel Corporation para sa 734 billion pesos na New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan. Tatlong contractor companies ang involved – ADPi, MeinHardt, at Jacob Engineering Group. Ang nabanggit na mga companies din umano ang gumawa ng Changi Airport sa Singapore, US Atlanta Airport, at Charles de Gaulle Airport sa France.
Sinabi ng SMC president at COO Ramon Ang, na sisimulan ang proyekto on or before the end of 2019 at maaaring magamit na on or about 4 years from now. Maguguitang si Pangulong Duterte pa mismo ang umaktong Chairman ng NEDA nang nagpatibay ang hinarap na alok ng SMC.
Ang NMIA sa Bulakan, Bulacan ay makakaluwag sa traffic congestion sa Metro Manila dahil sa halos magkasabay na proyektong Metro Manila Express Ways and Class Rail ways from Valenzuela to Malolos. Ang mga mangingisda na apekto ng construction ay bibigyan din ng lugar na kanilang mapagkukunan ng hanap-buhay na mahuhuling isda at pagkakalooban din daw sila ng mga bahay na malapit sa panggagalingan ng kanilang kabuhayan.
Sapagkat tag-ulan na, ang problema na dulot ng pagbaha ay hindi lamang sa Metro Manila mararanasan kundi sa marami pang lugar ng Pilipinas. Malamang na ang pag-ulan sa bansa ay maaaring tumagal pa hanggang Disyembre 2019.
Sa mga problema ngayon ng gobyernong Duterte ay pangunahin din kung papano mapipigilan ang infrastructure ng China sa West Philippine Sea/South China Sea. Gayon din ang naglalayag na mga Chinese vessels na hindi man lamang humihingi ng pahintulot. Ang pangyayari ay waring abuso sa friendship relations nina president Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ang Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ay nagharap na raw ng diplomatic protest sa China tungkol sa waring abuso sa friendly relationship. Gayunman, ang tunay na resulta ng ika-limang pagbisita sa Beijing ng pangulong Duterte ay magbibigay ng liwanag sa magiging reaksiyon ng Chinese president tungkol sa West Philippine Sea/ South China Sea.
Tungkol naman sa economic issues, ang umuunlad na mga bansa kaparis ng Pilipinas ay malamang na hindi makaiwas sa negative effect na dulot ng US-China trade war. Kailangan ng Pilipinas ang mga foreign investors bagaman sa larangan ng political situation ay waring nasa ayos na kalagayan pa rin ang Pilipinas.
Ang 2019 ay political year sa US. Ang Republicans sa ilalim ng liderato ni President Trump nahaharap sa economic and political issues kaya dapat ang US president sana mismo must cut some kind of trade agreement. Buti na kung mayroon, if none that may deter his re-election bid dahil determinado ang Democrats na siya ay mapalitan sa pagkapangulo.
Maraming Filipino OFWs sa Hongkong na apektodo ng tinaguriang Triad Society. Ang sanhi ay dahil sa pangamba ng mga namumuno doon na baka pakialaman ng China ang kanilang mandate na semi-democratic autonomous government na kabaligtaran ng one-China policy.
May mga Filipinong nakiisa sa protesta na dinampot at kinasuhan. Maraming mga Filipinong naghahangad na umuwi sa Pilipinas subalit stranded sa airport na kailan lang muling binuksan. Ang nangyayaring kilos protesta doon ay halimbawa ng magulong sambayanan.
Nabalita na ang isyu ay nakarating na sa Canada. May mga kilos-protesta na raw na nangyari sa Vancouver at Toronto na nakikiisa sa pinaglalabang isyu ng Hongkong na autonomous democratic rules. Sana naman ay hindi na lumala ang sitwasyon at ang maghari ay kapayapaan.
Kung sakaling ang Triad Society sa Hongkong ay hindi makayanan ng kanilang police forces, possible that the China military may take over. Kung mangyari, ang mga Filipino OFWs doon na magsilisan ay malamang hindi na magsibalik at sa halip ay magtungo na lang sa Japan, Taiwan at sa iba pang lugar sa South Korea. Pati mga Bilyonaryong Tsino sa Hong Kong ay malamang magsialis din doon at possible to migrate at Canada or Australia.
Ang August 21 ay tinagurian na Ninoy Aquino Day, batay sa Republic Act 9226 na nilagdaan ng former President Gloria M. Arroyo noong 2004. Noong ika-36 taon ng kamatayan ni Ninoy, sinabi ng pangulong Duterte na tularan si Ninoy. Ang Manila International Airport ay pinangalanang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil doon sa tarmac siya binaril at namatay.
Naalala ko tuloy na si Ninoy ay nakasama ko sa Taiwan noong June 1968. Gobernador siya ng Tarlac noon at ako naman ay Chairman ng Rural Broadcasters Council of the Philippines. Labindalawa kami na pinadala ng gobyerno na ang gastos ay from the USAID Manila. Inalam namin ang mga agricultural practises and programs doon. Taiwan noon was as model of Land Reform Programs ng US. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Ninoy. “Hindi puwede ‘yan sa Pilippines.”
Mga tatlong taon na lang mula ngayon marahil political year na naman sa Pilipinas na ending ng six-year term ng pangulo, sa 2022. Ngayon lang ramdam na ng taumbayan ang body language ng mga interesadong maging pangulo. Malamang na may mga kaalyado ngayong mayoryang political party ay maging opposition presidential candidates.
Sa politika, kapanalig noon kakontra ngayon.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.