Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoEnero 16–31, 2020

ni Paquito Rey Pacheco 

Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa pitak na ito at sa kagandahang loob ng mga nagsikap na magkaroon tayo dito sa Winnipeg ng Pilipino Express. Humigit kumulang may 14 years na rin naman ang aking pitak na kabilang ang aking mga sonata, na nagmula aking hinagap.


Ang Pasko at 2020 ay masiglang pinagdiwang hindi lamang ng mga Pilipino na nasa Pilipinas kundi maging ang mga nasa ibang bansa na katulad dito sa Canada at iba pang mga bansang kanilang kinarorounan as naturalized citizens or OFWs.


Sa US maraming bilang ng mga araw sa 2020 ay malamang maagaw ng political campaign na magmumula sa kanilang mga political parties. Inaasahan na sa ngayon ang impeachment case against US president Donald Trump ay malamang nang matatalakay. Maaaring malaman na kung si US president Trump ay mananatili at/o mapapalitan sa hawak na katungkulan. Samantala ang malaking problema din ngayon ng US ay tungkol pa rin sa Iraq at Iran situation. Marahil marami din namang mga OFWs doon na kailangang mailigtas sa lalong madaling panahon.

Pilipinas

Ang mga mamamayan, sa nakaraang 2019 ay nakaranas ng iba’t ibang uri ng kalamidad. Lindol, bagyo, sunog at iba pang mga pangyayaring sakuna sa mga lansangan. Aksidente na nakakamatay at pawang mga uri ng pagsubok sa buhay ng mga mamamayan. Sila-sila na rin naman ang nagtutulungan na larawang malinaw sa nakaraang panahon ng Disyembre. Gayunman, kaparis din ng sa US, ang isa pang malaking problema ng Pilipinas ngayon ay tungkol pa rin sa mga OFWs na naipit ng Iraq-Iran situation. Marahil marami rin namang mga OFWs doon na kailangang mailigtas sa lalong madaling panahon. Nabalitang dalawa sa limang pamilya ang nakatatanggap ng tulong mula sa mga kababayan lalo na mula sa mga OFWs.


Kung sa ibang mga bansa ay nababanggit ang mga mayayaman at mahihirap, sa Pilipinas ay gayon din naman. Kahit nga sa mga politiko ay nababalita ang mga mayayaman at hindi, gayun din naman ang ibang mga lingkod ng bayan. Kaparis ng iba, ang Pilipinas ay bansang malaya din na may sariling mga batas na pinaiiral at kapangyarihan. Gayonman, hindi naman kaparis ng ibang mahilig mam-bully. Sana ay maisip nilang sila’y mga tao rin. Alalahaning kahit ang mga langgam ay nangangagat din kung natatapakan.


Marahil kailangan na ngayong matutukan ng Depatment of Justice ang kaso ni Senador Leila de Lima. May kasabihang “justice delayed is justice denied.” Kasi, may nadadamay na hindi kasali sa kaso ng senadora. Ang mabibigat na kaso ay hindi dapat mangyari ang kaparis ng ginagawa sa basketball na dribble nang dribble.


Waring malabong mangyari na rin ngayong 2020 ang pinag-uusapang peace talk noong 2019 sa pagitang ng gobyernong Duterte at ng local communists lead by the National Democratic Front (NDF). Ang Communist Party of the Philippines (CPP) na mismong tinatag ni Jose Maria Sison noong December 26, 1968 ay may sariling adyenda. Nais nilang mahalinhan noon ang Corazon C. Cojuangco government. Ang mga rebeldeng leader na kinilalang Joma at Jalandoni during the Marcos Martial Law ay nadakip na subalit pinalaya noong 1987. Nang malaon ay sinabing self exile kaya sila ay nasa Holland, subalit may mga ibang nagsasabi naman na sila ay pinatakas. Marahil ang totoong nakakaalam ng tunay nanangyari noon ay walang iba kundi si former defense secretary noon na Juan Ponce-Enrile.


Isa pang dapat matutukan ngayon ng Duterte administration ay ang kailangang amyenda sa 1987 constitution. Kung baga sa bakal, matindi na ang nakabalot na kapal ng kalawang. Panahon na para mapalitan. The ratification of the proposed constitution ay maaaring isabay sa nakatakdang local and national presidential elections.


Nabalitang ang build build build program ay nasa priority projects pa rin ng gobyernong Duterte. Naalala ko tuloy ang nabalita noon na umano ay tuloy pa rin daw ang nangyayaring anomaly sa Department of Public Works ang Highways. Sana naman ay matutukan ngayon as priority ang tungkol sa ibang larangan na hindi lamang agricultural production and also other food manufacturing and processes na makakatugon sa pangangailangan ng patuloy na population explosion ng Pilipinas.


Ang mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN TV Radios ay pinayuhan ng Pangulong Duterte na kanilang ibenta na. Ang renewal permit ng nabanggit na network ay nakatakda na sa March 2020 at nasa kapulungan na ng lower house of Congress. Nagbabala ang pangulong Duterte na kaniyang haharangin ang nakaharap na kahilingan for renewal ng nabanggit na prangkisa.

Alam ko po ang part of the history ng nabanggit na network. Ang pinuhunan ng mga Lopez na mula sa international financial institutions pati Meralco, was taken care by Marcos-Lopez government. When Martial Law was declared, ang ABS-CBN at Radio DZMM ay ginamit ng Marcos dictatorship regime. Nang magkaroon ng EDSA Revolution noong 1981 ay narito na ako sa Winnipeg. Ang ABS-CBN at Radio DZMM pati Meralco ay binalik daw sa mga Lopez ni former president Corazon C. Aquino.

Kasabihan

Huli kung magaling ay maihahabol din.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback