Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoSetyembre 16 – 30, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Brian Pallister re-elected as premier of Manitoba. Mainit ang naging labanan ng Tories at NDP. Waring natabunan ang LP. Samantalang nabalita na nagpakita ng sigla ang Green Party. Pinuntirye ang LP at NDP. Lahat ng mga kandidato ay may kani-kaniyang pakulo na ang motibo ay makasilo ng boto. Maraming positive feedback na aking natanggap sa nakaraang pitak na ito tungkol sa kailangang suporta ng mga government officials sa mga estudyante sa kolehiyo at pamantasan dito sa Manitoba.

Wala akong balitang nabasa at narinig mula sa mga lider ng political parties tungkol sa peace and order problem na isang problemang dapat matutukan hindi lang sa Winnipeg kundi sa iba pang lugar ng probinsiya.


Ang China ay muling nanawagan sa US para sa maayos na kasunduan tungkol sa kanilang trade war. Sinabi ng China na kung hindi maaayos, ang pangit na resulta ay kapuwa sila rin ang tatamaan ng pangit na ibubunga. Opo naman, sapagkat tiyak din na madadamay ang ibang mga developing countries na ang mitsa ay bunga ng tariffs imposed by US and China.


Malamang na ang mga bilyonaryong Tsino sa Hongkong ay mangibang bayan kung sakaling ang hinahangad nilang pro-democracy rule ay hindi papayagan ng China. “History may repeat itself.” Vancouver ang unang nakinabang noon. Ngayon, marami ng lugar sa Canada na ang mga Tsino ay may malalaking investments.

Pilipinas

Ngayong ang Pilipinas ay kabilang sa hanay ng mga tinaguriang economic developing countries. Kailangan ngayon na ang pananalapi ng government and private sectors ay mag-ukol ng necessary funds for construction of highways and transportation. Walang iniwan ‘yon sa mga nagtatayo ng business establishments na kailangan ang sapat na puhunan.

Ang pangakong pangunahing pag-uukulan ng priyoridad ng 19th congress na budyet sana ay hindi na magkaroon ng drible-drible na kaparis ng larong basket ball. Sa 75 infrastructure project ng gobyerno ay nabalitang five are subject for review, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA). Kabilang ang Metro Manila Bus Rapid Transit, Phase 3 ng Bonifacio Global City Ninoy Aquino International Airport, National Power Corporation, at Rizal Bridge sa Quezon City na nagdudugtong sa Makati at Pasig City.


Sinabi ng senior Associate Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang territorial claim ng China ay isang gigantic fraud on human race. Binanggit ng Pangulong Duterte ang tungkol sa The Hague Ruling subalit hindi raw kumibo ang Chinese President Xi Jinping. Ang sinabi ng pangulo ay para lang siyang nagsalita sa pader. Hindi rin naman minasama ng pangulo ang reaksiyon ng Chinese leader. Natural lang naman na ang mga kalaban ng pangulong Duterte ay hindi nasiyahan.

Ang nais ng China ay magkaroon ng kasunduan tungkol sa joint exploration sa West Philippine Sea/ South China bago matapos ang liderato ng pangulo sa 2022. Sinabi ng Chinese VP Li na kailangang manatili ang katahimikan sa disputed na lugar ng karagatan. Ang mga Chinese businessmen ay inanyayahan ng pangulong Duterte na mamuhunan sa Pilipinas.


Nabalitang sinabi ng Pangulong Duterte na ang distribution of the remaining portion of land in Hacienda Luisita sa Tarlac na mahigit 87,000 hectare under the Land Reform program ay kompleto na. Bukod daw ‘yon sa may natitirang 112 hectare na inangkin ng families of former President Corazon Aquino. About 6,435 hectares na sinakop din ng HL ay naibenta na sa mga industrial companies. Kung nasunod daw ang Supreme Court order noong 2012 na ang mahigit 4,300 hectares of land ay naipagkaloob na sa mga magsasaka, hindi raw sana naging magulo.


Nabalita sa The Manila Times na sa unang pagkakataon ay binunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang Abu Sayaff sa kanlurang bahagi ng Mindanao ay naglunsad ng suicide bombing na panlaban sa puweza ng gobyerno. Nangangahulugang kabilang ‘yon sa masalimuot na problema sa katahimikan ng mga mamamayan. Ang unang pangyayari ay naganap noong January sa Jolo Cathedral. Wala raw iniwan sa suicidal attack na ginamit ng Palestinians sa Arab-Israeli conflict sa Gitnang Silangan. Ang second attack ng Abu Sayaff ay noong June 2019 sa Indanan Sulo AFP detachment.


Nakakalungkot ang balitang mga apat na milyong 50 kg sako ng NFA rice ang nasa mga bodega. Inutos ng DA Secretary Wiliam Dar na kailangan nang maibenta. Opo naman, kasi ang imported rice ay hindi dapat manatili sa mga bodega nang matagal. Madaling umukin at mabulok na, hindi kaparis ng palay (un-milled rice).

Ang perang mapagbebentahan ay magagamit ng NFA sa pamimili ng palay mula sa mga magsasaka na dumadaing dahil sa mababang presyo ng kanilang inaaning palay. Ang isa pang problema ay hindi raw nababayaran sa gobyerno ng mga private importer ang kaukulang tariff for inported rice. Ang perang ginamit nila ay pautang from government financial institutions na kaparis ng Development Bank of the Philippines. Marahil ang kailangan ngayon ay magkaroon ng amyenda ang Rice Trariffication Law.

Ang nais mangyari ng National Economic Development Authority (NEDA) ay madaliin ang pagtulong sa mga magtatanim ng palay na pangunahing pagkain ng mga mamamayan.


Sinalungat ng pangulong Duterte ang 500 years celebration ng pagdating sa Pilipinas ng mga kastila noong 1521 na ngayon ay pinaghahandaan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines. Ang pagdating ni Magellan, sabi ng pangulo ay hindi raw nagdala ng Christianity sa bansa at bagkus ay simula ng Filipino slavery.


Lahat ng officials at personnel in-charge of processing the good conduct time allowance for prisoners may be out because of alleged corruption, ayon kay Senator Bong Go. Ang nabanggit na mga tauhan ay payag naman daw sa life style check. May 27 ang bilang ng BuCor officials and employees ang sinuspinde ng Ombudsman sanhi sa pagkapalaya sa mga convicted ng malubhang kriminalidad.


Mga tatlong taon mula ngayon magkakaroon na naman ng mid-term elections at susunod ay presidential derby. Ano na ang nangyari sa nais ng pangulong Duterte na magkaroon ng amyenda ang constitution. Kung malilibing sa limot, patuloy na iiral ang multi-party system at maaring maulit ang mga apat na political parties na may kani-kaniyang kandidato for president, VP and senatorial candidates. Mahahati ang kasalukuyang nasa mayoryang political party. Hindi malayong mangyari sa bansa na ang kalagayan ay maging masama pa sa dati.

Kasabihan

Pinagpapala ang mga taong mapagpakumbaba.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback